CHAPTER 5

1.7K 29 16
                                    


MATAGAL na tinitigan ng lalaki si Esmerald. lyong klase ng tinging malamig at parang nagpapakita ng kapangyarihang mahirap salingin.

"Next time, huwag mong iwan ang pinamili mo nang walang pinagbilinan," tila inis na sabi nito, saka hinilang paatras ang pushcart
nito.

Pamilyar ang tinig na iyon.

"M-may nakalimutan lang kasi akong kunin," sabi niya pero hindi pa natatapos ang kanyang sinasabi ay itinutulak na ng lalaki paalis sa pilang iyon ang pushcart nito. Lumipat ito sa ibang pila.

"Ang sungit naman n'on," bulong niya habang sinusundan ito ng tingin. Bigla siyang nanghinayang. “Mataray na lalaki." Pero hinabol pa rin niya ito ng tingin. “Pero isa yata siyang diyos ng kaguwapuhan."

At hindi niya makakalimutang tinitigan din siya nito nang ilang saglit.

Nagandahan din kaya siya sa akin?

Nang muli niya itong sulyapan ay napatingin din ito sa kanya. Nginitian niya ang lalaki na parang nagsasabing: "peace." Hindi niya
gustong makagalit ang guwapong lalaki.

Ngunit sa halip na sagutin siya ng ngiti ay binawi nito ang tingin sa kanya. Sa halip ay dinukot nito ang wallet sa bulsa nito sa likod at
nagbilang ng pera.

Hindi credit card ang gamit niya, sa loob-loob ni Esmerald.

Binawi na niya ang tingin dito sa pag-aalalang mahuli uli siya nitong nakatingin.

Binata pa kaya siya? tanong ni Esmerald sa isip. Pero imposibleng binata pa ang ganyan kaguwapong lalaki. Married na siguro siya. At malamang na bagong panganak ang wife niya kaya siya ang naggo-grocery.

Habang naghihintay siya ng taxi sa tapat ng supermarket ay nakita niya ang lalaki na pasakay sa Lexus nito. Nang mapadaan ito sa tapat niya ay sinulyapan pa siya at ipinagtaka niya kung bakit nakabukas ang bintana ng sasakyan sa gawi nito.

Nagandahan nga siguro siya sa akin kaya binuksan niya ang bintana para tingnan ako.
Kinilig siya sa isiping iyon.

Kilig. Kailan ba niya huling naramdaman iyon? Noon pa yatang nililigawan pa lang siya ni Nasty. Ngayon lang uli niya naramdaman ang ganoong damdamin.

Pero agad niyang sinaway ang damdaming iyon. Sa kinaipitan niyang sitwasyon, wala siyang karapatang makaramdam ng ganoong klaseng feeling. May Tisoy na siya at nakatakda pang magdala sa kanyang katawan ng anak ng isang estranghero.

Pero habang sakay na si Esmerald ng taxi pauwi, may bigla siyang naalala. Parang may familiarity siyang nakapa habang naaalala ang
hitsura ng lalaki.

Parang pamilyar ang mga mata niya. Saan ko ba siya unang nakita?Schoolmate ko kaya siya? O naging officemate? Hindi naman kaya kaibigan ni Nasty? Hindi siguro dahil mas hamak na matanda siya kay Nasty.
Saan nga ba?

Ah, masyado lang siguro siyang ma-appeal para sa akin kaya naisip kong familiar siya. Baka may kahawig na commercial model, pangungumbinsi niya sa kanyang isip.

"GUWAPO ba 'kamo?"

"Oo," sagot ni Esmerald kay Eloy pagdating niya sa ospital. "Sa biglang tingin, parang si... parang si Michael J. Fox, Pinoy version."

Sinimulan nang lantakan ng kanyang pinsan ang ipina-take home niyang pancit guisado na binili niya. "Guwapo nga," sabi nito.

"Pero masungit," sabi niya. "Noon lang ako naka-meet ng lalaking mataray.." sabi niya matapos naman uminom ng mineral water. "Si
Superman din, mukhang masungit. Nagkalat na ba ang lalaking masungit sa panahon ngayon?"

"Baka naman magkapatid sila?"

Napatigil siya sa pag-inom. Hindi nga kaya magkapatid ang dalawa?

"REALLY, you saw her yesterday?" tanong kay Adrian ni Dr. Vasquez. Nasa gazebo sila ng bahay niya sa Loyola Heights. Dumaan siya roon pagkagaling niya sa opisina.

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyWhere stories live. Discover now