CHAPTER 15

344 5 0
                                    

"MASAMA ang kutob ko sa pagpunta ni Julio rito sa rancho," sabi ni Mang Panyong kay Esmerald. lyon ang topic nila sa hapunan kinagabihan.

"Ako rin, segunda ni Aling Perla. "Hindi naman karaniwang nagpupunta rito 'yan. Palibhasa, hindi na nila puwedeng ibenta ng anak niya ang mga natitirang kabayo ng matanda."

"May pakiramdam din nga ho akong may ibang motibo si Uncle Julio sa pagpunta rito," sabi ni Esmerald habang sinusubuan niya ng kanin si Tisoy. Hawak nito ang isang hita ng manok na sadyang ipiniritoni Aling Perla para dito dahil naghahanap ito niyon.

"Huwag kang maniniwala sa mga ngiti ng taong iyon," paalala sa kanya ni Mang Panyong. "Suwitik ang taong iyon. Papatay 'yon, masolo lang ang kayamanan ni Sir Nestor."

"Baka ho iniisip niyang gusto naming makiambon ni Tisoy sa kayamanan nila? Kung sina Nasty nga na apo ni Lolo Nestor, hindi nakatikim ng kayamanan ng mga Torres, kami pa kaya ni Tisoy ang maghahabol. 'Yong ibinigay lang ng matanda para sa apo niya sa tuhod ay napakalaking bagay na.."

"lyon pa nga pala ang isa pang dapat mong ingatan, Esmerald. Kapag bumalik siya rito, hindi mo dapat mabanggit na may ibinigay na lupain at pera para kay Tisoy ang matanda. Tiyak na hindi iyon magugustuhan ni Julio, pati na ng kapatid niyang si Leon."

Tumango lang si Esmerald, pero naisip niyang mukhang malaking pagkakamali ang pagpunta nila ni Tisoy sa Bukidnon. Sa kagustuhan niyang makaiwas kay Adrian ay mukhang mas malaking problema ang nasuungan niya.

ANG NAKABABATANG kapatid naman ni Julio na si Leon ang dumating kinabukasan. Katulad ni Julio, isang pekeng pagwe-welcome ang ipinakita nito kina Esmerald at Tisoy.

Ngunit alerto siya. Ipinakita niya rito na hindi sila nagpuntang mag-ina roon para makiambon sa kayamanan ng mga Torres.

"Siguro naman, alam mong masasakitin na si Papa at matanda na siya. Ayaw man nating mangyari, malamang hindi na siya magtagal, kaya tama ang ginawa mo na ipakilala ang anak mo sa kanya. Baka makalimutan iyon sa testamento niya." At sinundan iyon ni Leon ng malakas na tawa. "Nagbibiro lang ako, Esmerald, ha? Baka mapikon ka."

Ngiti lang ang isinagot niya. Nasa tabi sila ng kuwadra ng natitirang alagang kabayo ni Lolo Nestor na inaalagaan ni Mang Panyong.

"Isang araw ay ipapahatid ko kayo kay Mang Panyong sa villa para makilala mo naman ang mga kamag-anak ni Nasty. At para makilala rin
ni Tisoy ang iba pang kamag-anak niya."

Pero hanggang sa makaalis si Leon ay hindi pa rin kampante si Esmerald. Nag-aalala siyang ituring ng magkapatid na Julio at Leon na kahati sa mamanahin si Tisoy.

KAHAPON pa nasa Bukidnon si Adrian, kasama ang inuupahan niyang private detective na tutulong sa kanyang maghanap kay Esmerald.

Alam niyang kahit anong piga ang gawin niya kay Eloy ay hindi nito ibibigay ang detalye ng eksaktong kinaroroonan ni Esmerald at ng
anak nito.

Nakatayo si Adrian sa tabi ng bintana ng kuwarto nila sa hotel na kinaroroonan niya. Nakatanaw siya sa malayo. Estranghero ang pakiramdam niya sa lugar na iyon. Sa tanang buhay niya, noon lamang siya nakatuntong doon. Marami na siyang narating na foreign countries pero kakatwang hindi pa niya nalilibot ang buong Pilipinas.

And to think na nakarating ako rito para lang hanapin ang babaeng iyon...

Pero desidido siyang matagpuan si Esmerald.
Hindi niya puwedeng itago sa akin ang anak ko.

MAY ISANG oras nang nakahiga si Esmerald pero hindi siya dalawin ng antok. Nakatingin lang siya sa kisame. Kung ano-ano ang iniisip niya.

Naroong isipin niyang ano kaya kung bumalik na lang siya sa Maynila para hindi isipin ng magkapatid na Julio at Leon na may interes siyang ipasama ang pangalan ni Tisoy sa maaambunan ng mana ni Lolo Nestor.

GEMS 17: I'm Having A Stranger's BabyWhere stories live. Discover now