CHAPTER 12

378 6 0
                                    

NAYANIG ang buong pagkatao ni Esmerald. Para siyang biglang dinala sa ibang dimensiyon. Ngunit pagkatapos ng sandaling
pagkabigla ay para naman siyang dinala sa kakaibang luwalhati.

Hindi niya alam kung anong karisma mayroon sa loob ng mga bisig ni Adrian Ilusorio at kung anong kapangyarihan mayroon ang mga halik
nito para mawala siya sa kanyang sarili.

Pakiramdam niya ay nalusaw ang lahat ng galit niya kanina. Dahil lang sa isang halik?

Ngunit pagkatapos pansamantalang mawala sa sarili ay dumilat si Esmerald at para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Bumalik siya
sa kanyang tamang huwisyo, saka niya inubos ang lakas at itinulak ang binata.

Nang malayo ang katawan niya rito ay hindi na siya nag-aksaya ng isa pang saglit para lumabas ng opisinang iyon.

NAIWANG natatawa si Adrian.

Kahit anong pagde-deny ang gawin niya, she liked my kisses..
Nanlambot ang mga tuhod niya because she liked it.

Bumalik siya sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair.

Ang loka, madali palang paikutin. Akala naman niya'y seryoso ako sa hinihingi kong kondisyon sa kanya. Alam ko namang hindi siya kakagat
sa dare ko.

Kahit na ang totoo ay malakas ang sex appeal ni Esmerald para sa kanya. At pagkatapos ng nangyari sa kanila ay ilang ulit na itong naging laman ng sexual fantasies niya.

Pero pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na naintriga lang siya dahil kakaiba ito sa mga babaeng naikama na niya. Kahit pa sa mga babaeng naka-one-night stand niya na sa tingin na niya ay pinakadisente at pinaka-demure.

There was something different in Esmerald.
Ngunit kung sakaling kumagat ito sa pain niya, why not? Pero hindi pa rin naman niya ipagpapalit ang kanyang anak.

"Wala siyang magagawa para umatras sa napagkasunduan namin. She will give me my child."

Dinama niya ang pisnging inabot ng sampal nito kanina.

"Masakit yon, ah," sabi niya sa sarili.

TATLONG araw pagkatapos ng komprontasyon sa opisina ni Adrian ay nagpunta si Esmerald sa clinic ni Dr. Vasquez. Wala sana siyang balak
pumunta roon pero schedule ng prenatal checkup niya.

Pagkatapos niyang magalit kay Adrian ay nanakit ang kanyang balakang kaya hindi na niya ipinagpaliban ang checkup.

Nagulat pa siya nang pagbukas ng pinto ng clinic ay si Adrian ang mabuglawan niya.
Prente itong nakaupo sa sofa na nasa loob ng clinic.

"Hi," bati nito sa kanya na parang walang nangyari nang nagdaang araw.

Aatras na lang sana si Esmerald ngunit mabilis siya nitong napigil bago pa siya makalayo.

"Wait," sabi nito.

Tiningnan niya ito nang masama, saka bumaba ang tingin niya sa kamay nitong nakapigil sa kanyang siko. "Don't touch me, you beast!" mahina ngunit ubod ng diing sabi niya.

“Bagay pala talaga tayo. The beauty and the beast," parang nakakaloko pang sabi nito.

"I said bitawan mo 'ko!"

"Okay, bibitawan kita kung babalik ka sa clinic ni Cecil. Huwag mong idamay ang bata sa inis mo sa akin."

"Huwag kang mas marunong pa sa akin. Ako ang buntis at anak ko ito. Babalik na lang ako sa ibang araw."

"Pupunta sa Cebu si Cecil para sa convention ng mga OB GYNE sa Pilipinas."

Inis na nagbuga siya ng hininga, saka pumihit pabalik sa clinic ni Dr. Vasquez. Naisip niyang may punto si Adrian doon. Ipinagpag niya ang
braso para mabitiwan nito ang kanyang siko.

GEMS 17: I'm Having A Stranger's Babyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें