Kabanata 1

39 6 0
                                    

Inggit

“Baba na, nandito na.” Katok ni Dangelo sa bintana ng sasakyan ni Jamal ang gumising sa akin.

I squinted my eyes. Masyado akong naging komportable sa pagtulog kahit medyo malubak ang daan papunta sa isla.

Habang nag-uunat ako ng katawan ay lumihis ang jacket sa hita ko. Ngayon ko lang ito ulit napansin at napagtanto kung gaano ito kalambot at kabango.

Sinilip ko ang katabi ko na nagmamay-ari nito. She’s still asleep. Sa aking banda kumatok si Dangelo kaya hindi niya yata narinig. Her long dark hair hides her face. Ang mga braso niya ay nakayakap sa sarili. Agad kong binalik sa kaniya ang kaniyang jacket.

“Leigh, gising ka na?” Lumingon si Jamal sa puwesto ko.

Sinuklay ko nang pasimple ang buhok ko gamit ang mga daliri bago siya sinagot. “Mhmm... Nandito na ba tayo kay nina Lola Isadora?”

“Yes. Nakapaghain na raw sila. You can go first if you’re hungry.”

“How about you?”

Tumawa siya bago sumagot, he then fondly stared at the seat beside him. “Mahirap gisingin si Ciel, eh. Ganoon din yata si Reann.”

Napakurapkurap ako. I was so close to rolling my eyes at him. Of course, it’s about that girl again. Ano bang bago?

“Okay… Gusto mo bang tabihan kita ng food?”

“No, huwag na,” he answered, still looking at the passenger seat. “Actually, can you keep some for Ciel? Kung puwede, mga prito lang.”

Oh.

“O… kay.” nakangiti ako, pero ramdam ko ang pagsasara ng kamao ko habang nagsasalita.

Damn, I’m so tired of these situations.

Bumaba kaagad ako sa sasakyan. Mabigat ang bawat hakbang ko patungo sa bahay ng mga dela Cerna. Tanaw ko ang mga kaibigang kumakain.

Malaki ang bahay ng mga dela Cerna. Kitang-kita ang impluwensya ng arkitektura ng Espanyol sa disenyo ng kanilang bahay. There are beautiful arches above the door and main windows. Ang mga ceramic tile ay floral. Komplikado ang mga ukit sa bawat hamba at spiral column ng kanilang haligi. And on both sides of their hall there are small angel fountains. Solemn ang atmosphere. Noong una kong bisita rito, akala ko isa itong chapel. Bakasyunan namin ang bahay nila tuwing bumibisita kami sa Isla Roja dahil napaka-convenient. Minus na ang rent sa budget at mayroon pa kaming mas maraming pera para pambili ng mga souvenir.

Pagtapak ko sa entrada, binati agad ako ni Lola Isadora ng isang mahigpit na yakap.

“I missed you so much, hija. Kumusta ang parents mo?” natutuwa niyang sabi.

“I missed you, too, Lola Isadora. They’re doing well po, busy lang with work.”

“Naku, dalagang-dalaga ka na talaga. Tara na sa hapag, marami akong hinandang pagkain para sa inyo!” giya niya sa akin patungo sa napakahabang mesa na punong-puno.

“How’s your studies, hija? You took a business related program, right?”

“Yes po,” mahinhin kong sinagot ang tanong ng matanda habang nakain.

“Study hard, hija. You are the future of your parents’ business. Pasasaan ba’t ikaw rin ang magmamana at aani ng lahat ng pinaghihirapan nila ngayon.”

Kimi akong ngumiti sa matanda. I had difficulty swallowing food so I immediately drank some water.

Alam ko naman ‘yon. Palagi akong nagsisikap sa aking pag-aaral ngunit madalas ay hindi ko nakukuha ang resulta na gusto ko. Nakakatawa lang kasi kahit parehas na negosyante ang mga magulang ko, hindi ako mahilig sa business kaya nahihirapan ako. As an only child, the pressure to follow in their footsteps was heavy. Pero ano bang magagawa ko? Ako lang ang inaasahan nilang magpapatuloy sa kung anong mayroon kami.

Waiting for the Red LightWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu