Kabanata 17

43 5 0
                                    

Bad Space

Sobrang sakit ng ulo ko dahil sa rami ng pinag-aralan ko kaninang umaga. It's our finals week, meaning cumulative na ang mga exams, kaya kailangan kong aralin lahat ng coverage namin sa buong semester. 

I spent countless sleepless nights to do my duties as a college student, pero pakiramdam ko walang patutunguhan ang ginawa kong pagre-review. Paulit-ulit ko nang binasa ang gabundok kong study materials, ngunit hindi na yata kaya ng utak ko na ma-absorb ang mga bagay-bagay—which made me more stressed! 

Hindi puwede 'to! I need to ace my incoming exams para at least mahatak ko 'yong mga mabababa kong grades last prelim and midterms. This is my last straw! 

Kahit wala masyadong sinasabi sina Papa at Mama sa akin about sa studies ko, ramdam ko naman na 'di sila satisfied. Ayaw ko nang mas ma-dissapoint pa sila sa akin kaya kailangan ko talagang ayusin mga desisyon ko sa buhay. So if they wouldn't put pressure on me, I'll just be strict with myself.

"Ebbie, anak." 

Ang mga pabagsak kong talukap ay namulat nang marinig ko ang pagtawag at pagkatok ni Manang Jorja sa labas ng kuwarto ko. 

"Y-Yes? Pasok po!" I said with my tired voice.

The door creaked, dahan-dahang pumasok si Manang Jorja sa loob saka inilapag ang dala niyang tray na may lamang pancakes at mocha coffee sa desk ko na punong-puno naman ng mga papel at libro. 

"Mag-break ka muna," she said as she gently stroked my shoulders. 

I instinctively leaned into her touch. Grabe, pagod na pagod na talaga ako. "Manang Jorja…" iyak ko sa kaniya. "Ayaw ko na…"

Ipinagpatuloy niya ang paghagod sa likod ko. "Kaya mo 'yan, Ebbie. Huwag mong sukuan. Puwede mo namang itabi muna 'yan sa ngayon at ipahinga ang utak mo saglit." 

Mas umagos ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya. 

Alam ko namang puwedeng magpahinga, pero feeling ko kasi hindi ko deserve. Kaya I'm really grateful kay nina Kuya Benj noong nakaraan when we went to Villa Soleada kasi at least nakapagliwaliw ako kasama sila, pero after naman noon biglang bumigat 'yong workloads namin sa school. Parang binawian kami bigla ng chance na huminga. Naiiyak ako dahil sa stress. 

I hate SSU! Libre nga ang admission pero in the long run, kaluluwa ng mga estudyante ang kapalit. And to think na I still have three more years to endure in the university? Heck! I can't imagine kung ano na lang ang mangyayari sa akin. 

When afternoon came, mas lumala 'yong antok ko. At dahil nasa kuwarto ako, nate-tempt akong humiga na lang sa kama ko at itulog na lang ang sakit ng ulo ko. Pero dahil marami pa akong dapat pag-aralan, wala akong karapatang matulog. So instead of torturing myself in my chamber, I decided na sa labas na lang mag-aral.

I messaged our group chat, nagtanong ako kung sinong puwedeng makasama ko for a study date, but none of them are free. Kagaya ko ay busy rin sila sa pag-aaral at paghahabol ng projects. 

Dati, kapag hindi available si Isabel at Kaylinn, si Jamal ang inaaya ko. He's two years ahead of me but he wouldn't say no when I asked him to have a study date. But now, I don't have the guts to pester him in any way because I'm seriously trying my best to move on from my feelings.

In the end, I went to a nearby coffee shop alone. I immediately ordered a cinnamon roll and an iced coffee. They were quick to serve it. 

Pagkatapos kong pasalamatan ang barista ay pumuwesto ako sa may isang corner. Inayos ko ang orders ko at pati ang dala kong libro at laptop saka kumuha ng picture. I posted it as a story on my Instagram with a caption looking for a study buddy.

Waiting for the Red LightWhere stories live. Discover now