Kabanata 15

34 5 5
                                    

Big Shots

It's so awkward…

Nakaupo ngayon sina Sab at Kaylinn sa kabilang kama. Panay ang titig nila kay Reann. Nagsisikuhan sila nang pasimple. Matapos nilang marinig ang naging usapan namin kanina ay hindi na sila mapakali. 

Bagama't ramdam ko naman na pinipigilan nila ang magtanong, hindi makatakas sa akin ang bawat kibot nila, lalo na ni Kaylinn. Kitang-kita ko talaga kung gaano kahirap para sa kanya na pigilan ang sarili para hindi bombahin si Reann ng mga tanong tungkol kay Diarmuid.

Nang pumasok sila ng kuwarto kanina, halos mahimatay ako sa taranta. Kasi naman, their entrance was so loud. And to think that sa lahat ng oras, sa parte pa talaga ng usapan namin na iyon ni Reann sila sumakto. Now, the secret is out in the open. 

Binasag ni Sab ang nakakabinging katahimikan. "We're really sorry, Reann. We didn't mean to eavesdrop. I swear!" sabi niya sabay taas ng kaniyang kanang kamay. 

Uhm… Medyo duda ako sa sinabi niya. Aware naman ang lahat na kapag magkasama sila, puro tsismisan lang ang ganap. Minsan nga, sumusuko na lang ako o 'di kaya lumalayo sa kanilang dalawa ni Kaylinn para 'di ako maging tsismosa gaya nila. Pero wala, in the end nahawa na rin ako. Nakakahiya pero ang saya rin kasing maging chikadora. 

"Nagkataon lang talaga na nadatnan namin kayo in the middle of that conversation… Wala kaming… Wala kaming intensyon na makinig ni Kaylinn… And… Uhm… Nadala lang kami ng bugso ng damdamin namin noong narinig namin 'yong tungkol kay Diarmuid kaya…"

Nasa tabi ko si Reann ngayon. Her legs were on the bed. Yakap-yakap niya ang kaniyang mga tuhod. She rested her head on her knees while closing her eyes. Her brows were furrowed. She looked so small like this… So fragile… So… delicate. Hindi ko alam pero bigla ko siyang gustong yakapin at itago na lang mula sa lahat. 

Humina ang boses ni Sab. Mukhang naramdaman niyang ayaw kumibo ni Reann. I looked at her and shook my head. Natutop niya ang bibig pagkatapos. 

Kaylinn sighed. Ibinaon niya ang mukha sa unan na yakap niya. For a moment, her over-curious eyes weren't on Reann. 

Alam kong crush na crush niya si Diarmuid. Natural lang naman na masasabik siyang malaman ang lahat ng tungkol kay Diarmuid. Dama ko siya kasi I know that feeling of being so excited in any details about the person that you like. Gaya niya, I love learning things that are related to Jamal too. Kung sino man ang taong nagsasabi na hindi nila inii-stalk 'yong crush nila ay isang malaking sinungaling at mapagpanggap. 

But I hope she has an understanding of boundaries when it comes to his personal life. Hindi lang naman kasi tungkol kay Diarmuid 'to. This is Reann we're talking about. This is her story to tell. Na nahihirapan siyang i-open up. Kaya sana, there would be enough respect from their side to understand her. 

"We're really sorry, Rean…"

Reann finally opened her eyes. "It's okay, Sab…" Pinakawalan niya ang kaniyang mga yakap na tuhod pagkatapos ay binago ang ayos. She's now sitting with her legs crossed. 

"Pero totoo ba talaga 'yong narinig namin? Magkapatid kayo ni Diarmuid? As in… Diarmuid Guadarrama?" tanong ni Sab.

Nagulat ako roon. I didn't expect Sab to open this topic. Ang buong akala ko ay si Kaylinn ang magtatanong… 

"I'm sorry ulit. I guess, isa talaga akong malaking tsismosa. But, wow! Who would've thought, right? It was so unheard of… Sikat na sikat iyong si Guadarrama. Ang dami niyang fans! May fan page pa nga siya sa Facebook. Tapos may mga facts na nakalista… It was said that he's an only child…"

Waiting for the Red LightHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin