Kabanata 7

18 6 0
                                    

Heartily

Hindi gaya ng inaakala ko, 'di naman pala gaanong nakakatakot sumakay ng motor. O dahil lang din siguro maingat ang maniobra niya. I can feel how cautious she is in every turn she takes. Sa tingin ko nga hindi ito ang kinagawian niyang bilis ng pagmamaneho. Ganoon pa man, kahit wala akong suot na helmet, ligtas ang pakiramdam ko. Mabuti na lang din sa loob lang kami ng subdibisyon, hindi mapapagalitan.

She seemed so accustomed already with our place, agad niyang natunton ang pinakasikat na eatery. It's an old looking building. Nonetheless, makikita naman na alagang-alaga ito. It's a Filipino restaurant famous for their lutong bahay menus. I heard about this one from Manang Jorja.

"Okay ka lang ba rito?" ang una niyang tanong pagkatapos naming makababa ng kaniyang sasakyan. Hubad na ang helmet niya ngayon, her hair become tousled. I got conscious and checked mine, medyo magulo rin.  Sinuklay ko ito gamit ang mga daliri bago siya sinagot.

"Yeah…" Oo at pihikan ako, but maybe I might like something on their menu. For sure they're not well known for nothing.

Tumango siya matapos makatanggap ng sagot, then she entered. Sumunod ako. Sementado ang labas ngunit sa loob ng kainan ay puro kawayan ang dingding. I think it's called amakan design, modernized. Maraming tao. Sa tingin ko ay puro pamilya. I can see them eagerly eating their meal while talking. Habang pinapanood ko sila ay abala na si Reann um-order, nilapitan ko siya.

Dumapo saglit ang paningin niya sa akin bago nagtanong at ibinalik ang mga mata sa listahan ng mga putahe. "What do you want?"

I peeked at the menu, but the food on the list made my nose wrinkle. Puro berde! Ayaw kong kumain ng damo! Bakit naman puro gulay?

When Reann saw my disgusted reaction, it made her chuckle. Hmp! Napakahilig talaga mang-asar ng isang 'to! Kung 'di siya aayos, malalagot na siya sa akin. Gutom na gutom na kaya ako!

"Sorry, here." Inilipat niya ang pahina. Finally, I saw something salivating. Itinuro ko ang mga nagustuhang pagkain. She quickly ordered those, then a worker assisted us to the second floor where we could eat.

Hindi gaya sa ground floor, kakaunti lang ang tao sa taas. Finding a comfortable corner is easy. Agad akong pumuwesto, umupo naman si Reann sa tapat ko. Natuwa ako nang malanghap ko ang preskong hangin galing sa malaking bintana ng gusali. Good, I wouldn't be that irritated by the heat while waiting for the food. Nilibang ko na lamang ang sarili sa mga tanawin. From my spot, I could see the peaceful neighborhood, kita rin ang mga tao nito na abala sa kani-kaniyang gawain ngayong hapon.

Reann on the other hand was busy with her phone. Saka ko naalalang naiwan ko ang akin. Not a big deal, actually. I'm not really that fond of carrying devices whenever I go out. Ngunit minsan ay nagsisisi ako tuwing nakakalimutan kong dalhin ito. Gaya noong pumunta kami sa isla, wala akong ibang mapagbalingan ng atensyon kapag nasa nakakailang na sitwasyon. Perhaps, I should really start taking notes on how to escape such circumstances.

Subalit may dahilan naman ako kung bakit ugali kong iwan ang cellphone ko. Si papa kasi, kahit na masyado niya akong ini-spoil, bantay-sarado naman ako sa kaniya. Most people would get jealous when I tell them how protective my father is to me, but they would definitely take that back when they know how exactly it is.

Normal pa ba iyong mayamaya kang tinatawagan para tanungin ng kung anu-ano at madalas pa ay puno ng pagdududa? My god, twenty na kaya ako! I'm no longer a teenager na hindi mapagkakatiwalaan. I learned my lesson okay? Hindi ko na uulitin ang nakaraang katangahan. I seriously promised them that. However, he still kept that over controlling attitude. It's tiresome. Kaya nga tumakas lang din ako sa pagsama papuntang Isla Roja, eh. So yeah, mahirap din talaga kapag only child ka.

Waiting for the Red LightWhere stories live. Discover now