Kabanata 4

22 5 0
                                    

Pakialamera

Masakit idilat ang namamaga kong mata kinaumagahan. Sa kabila noon, ang una kong hinarap sa umaga ay ang aking cellphone. Gumulantang sa akin ang oras, pasado alas otso na pala! Agad-agad akong bumangon para mag-ayos. After I cleaned up, I quickly went down to the kitchen. There, I saw my mother busy serving food to Jamal and the cousins.

My mother noticed me right away. "Oh, good morning Ebbie! Slept good?"

"Yup." Lumapit ako sa kaniya at nakipag-beso. "What's for breakfast?"

Hindi pamilyar ang mga pagkaing nasa mesa kaya napatanong ako. Kadalasan kasi lugaw, tsamporado, at oatmeal ang almusal namin. My mother loves making those for me, at wala naman akong reklamo dahil mga paborito ko naman. Now, all I'm seeing is smashed egg salad and bread with avocado strawberry jam.

"Healthy ones." Kumindat si mama sa akin habang naglalagay ng palaman sa tinapay, na inabot niya naman sa nahihiyang Ciel pagkatapos. "Si Reann ang naghanda. Late kasi ako nagising."

"Oh…" Sumimsim ako ng tubig.

"Here." Gumawa ulit siya ng sandwich na para naman sa akin. "Simple pero masarap, anak! How I wish you can make something like this too para naman mapanatag ako sa lagay ng katawan mo."

Muntik na akong mabulunan dahil sa pahayag niya. Yes, I'm small and most of the time looks so fragile, pero malusog naman ako. I swear!

"Kung 'di n'yo alam, walang amor itong si Ebbie pagdating sa gulay at iba pang masustansyang pagkain. Napakahirap niyang pakainin ng mga ganoon. Tapos ito pang si Jamal, kunsintidor!" Pabiro niyang pinalo ang kaibigan kong nahihirapan nang nguyain ang pagkain niya dahil natatawa sa gitna ng pagkukuwento. "Isa ito sa dahilan kaya mas lalong naging pihikan iyang si Ebbie."

I facepalmed. Umagang-umaga, nasisira ang imahe ko sa mga tao. Bakit naman ganito ang nanay ko?

"Ma…" my petty attempt to stop her blabbering. Kita ko ang ngisi sa mga mukha ng mga tao sa hapag. Grabe 'tong mga 'to!

Hindi talaga nagpapigil si Mama at nagpatuloy lang. "You guys know and get my worries naman for her, 'no? I just want the best for my only child."

"I get you, Tita."

Kung kanina, muntik lang—ngayon, nabulunan na talaga ako! And worse, with my own freaking spit! Ugh! Ang alam ko wala pang isang araw rito 'tong magpinsan na 'to sa amin, paanong tita agad ang tawag ni Reann kay Mama? That really escalated quickly!

Tumango-tango si mama nang marinig ang pagsang-ayon ni Reann. "Kita mo, 'nak."

Tss. Edi wow. Tinuon ko na lamang ang atensyon sa pagkain. Kaso mas lalong nangunot ang noo ko sa inis nang matikmang masarap nga ang simpleng handa ni Reann. Kaya naman pala pabor na pabor ang ina ko sa kaniya.

"Ay nga pala anak, nakipag-video call sa akin kanina si Sab. Kinumusta ka. Ang kaso himbing na himbing ka pa sa kama mo, eh."

"Mhm… I'm gonna chat to her later."

"Oo, para na rin matuloy iyong pagpunta ninyo sa gym kasama si Reann."

Natigilan ako. "Po?"

"Nung tumawag kasi siya, eksaktong nasa kusina ako, as last minute helping hand ni Reann. But there's a sudden delivery I needed to receive, so they ended up talking on my end."

Simple akong humugot ng hininga. She's not done talking but I already have a conclusion based on her statements. Makakasama ko na naman ang babaeng ito!

"Ah, yes Ma. Actually napag-usapan na namin 'yang lakad na 'yan sa isla. I'm totally in."

"Great!" tuwang tuwa si mama sa sinabi ko. "Reann here looks so good. I'm confident she can really help you to improve your shape."

Waiting for the Red LightWhere stories live. Discover now