Kabanata 13

25 2 0
                                    

Business

When the sun finally hid from the sight of Earth, the moon then began to shine.

Kasalukuyan kami ngayong nakatambay sa pool ng Villa Soleada. Enjoying the last night, making it worthwhile. Bukas kasi ay balik na naman sa usual na eksena. We're going back home at the same time we did when we arrived from here, o mas maaga pa nga. I guess, two days really is a short time to escape from our academic responsibilities.

We're not swimming though. Just relaxing by soaking our tired bodies in the water. Ang extra pa nga, my friends bought beers, but they're now taking it moderately unlike the other day. Ako naman ay tinanggihan ang mga 'to dahil ayaw ko nang masira na naman ng alak ang sistema ko. And the fact that I do unimaginable things when drunk, I won't really drink even a drop of it, lalo pa at may biyahe bukas.

"Ayaw mo na talaga, Leigh?" Sab asked while raising the beer she's drinking towards me. She's on my right side, leaning on the enclosure like me and Linn, who's on my left.

"Yeah, sorry." Pirmi kong iling sa kaniya. Ayaw ko na kasi talaga. Baka kung ano pang mangyari kung bumigay ako sa anyaya niya.

"Sure ka, ha?" Then she thought about something for a while. "Ay, oo nga pala. Babiyahe na nga pala tayo pabalik bukas. Right decision, right decision…" She tapped my shoulder as she said this.

Natawa ako.

Bigla namang sumulpot si Dangelo. "Good girl talaga si Leigh. Tularan n'yo." Tukoy niya kay nina Isabel at Kaylinn sa aking magkabilang tabi. "Para 'di kami mahirapan bukas magbuhat sa inyo! Bigat, eh!"

"Aba, ang kapal!" Kaylinn splashed some water on his face in annoyance after hearing his words. "Baka ikaw kamo 'yon. Patay kapag lasing!"

Namilog ang mga mata ni Dangelo sa tinuran ni Kaylinn, mukhang tinamaan. "Hoy! 'Di, ah! Sinong patay?" tanggi niya.

Napa-iling na lang ako. Wala talagang magpapatalo sa mga 'to. Lahat may ipinaglalaban.

Ganun pa man, alam kong concerned lang ang isang 'to sa kabila ng pang-aasar niya. Mahirap nga namang sumobra ang pag-inom nila gayong aalis na kami bukas. Better to prevent that from happening.

"Kumalma ka, Gelo. Tikim-tikim lang 'to," si Sab. "We know our limitations naman, 'no."

"Oo nga! Kaya dun ka na! Tsupi!"

As Kaylinn shooed him away, he waddled back to his territory still facing us with his eyes lingering to the two. Para bang sinasabi niyang babantayan niya sila. Loko talaga.

When he finally turned his back on us, nagulat ako nang biglang inisang lagok ni Isabel ang bote ng serbesang hawak niya.

My eyes widened.

Kaylinn on the other hand laughed so hard that her head was thrown back. Dahil dito, pinukol kami ng atensyon. Naaninag ko tuloy sa gilid ng aking mga mata ang sulyap ni Dangelo sa amin. Agad naman na itinago ni Sab ang bote at ngumiti sa direksyon nito na parang wala lang. Mautak!

I can't help but chuckle at that.

Patay-malisyang pumikit si Sab kalaunan para mas damhim ang tubig. Dahil walang nakitang ebidensya, bumalik si Dangelo sa kung anumang usapan nila ng mga lalaki naming kaibigan. Iyon nga lang, yumuyugyog pa rin sa tuwa si Kaylinn. Halos kapos na nga rin ang hininga. Well, 'di ko siya masisi. Kahit ako nga ay nangingiti pa rin sa kalokohan ng kaibigan. Ang kulit kasi!

Ginaya ko si Sab at mas lalong binabad ang sarili sa tubig. I ended up looking up to the moon in this new position. Dahil hindi maulap, kitang-kita tuloy ang kabilugan nito. The light coming from it gave more enchanting vibes to the structure of the villa. Ang mga naggagandahang halaman ay lalong nagkaroon ng buhay.  The water in the pool also gave a striking appeal as it reflected its luminescence. The overall atmosphere was really perfect for our last night swimming session. Kung sana lang ay bumagal ang oras para mas dumami ang panahon upang namnamin namin ito…

Waiting for the Red LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon