Kabanata 2

25 5 0
                                    

Totally Doomed

“Sab! Leigh!” Kumaway si Kaylinn sa kabilang dako ng dalampasigan. “Tara dito!” May hawak siyang selfie stick.

Kakalabas pa lang namin ni Sab ay agad niya kaming hinigit sa mga magagandang parte ng isla. She immediately took some photos. Medyo ‘di pa ako ready kaya kung anu-anong pose na lang ang ginawa ko.

“Leigh, you look so cute here!” komento ni Sab.

“True!” sang-ayon ni Kaylinn. “Dapat pala nagpa-braid din ako!”

I chuckled.

Halos ten minutes din ang inabot ng pagkuha namin ng mga litrato. It's somewhat funny to think ‘cause it’s just the three of us pero halos mapuno na ang gallery ni Kaylinn. Hindi pa kasama ang iba dahil hindi namin sila mahagilap.

Nasaan na kaya si Jamal?

“Langoy na tayo!” aya ni Sab. Tumatakbo na siya sa dalampasigan.

I smiled as I followed her. Hindi nakatakas sa akin ang mga tingin ng ibang tao, mostly, coming from men. Tuloy-tuloy lang ako patungo sa dagat. I didn’t give them any opening to strike a conversation with me.

Whenever I’m in this kind of situation, my mind is active to make up scenarios. Paano kaya kung boyfriend ko si Jamal? Would he teach these kinds of creeps some lessons? Or is he that guy who will be very protective to the point of strict conservativeness? I can imagine him making me wear his own much bigger clothes than my proportion. Ramdam ko ang pagpula ng aking mga pisngi sa kaisipang magiging madamot siya pagdating sa akin.

Sa paglusong ko sa tubig, nasalamin ko ang aking sarili. I am so red. I immediately scooped some water to cool my face.

Buti na lang at ginawa ko. Because after that, I heard the very man of my fantasies scream.

“Nice!”

I was taken aback when I looked at his place.

He’s so exhilarated. Tanging boardshorts ang suot niya. He’s so hot. His athletic body is on display.

Bigla niyang hinila si Ciel. Ang mga tingin niya sa nobya ay mapaglaro, ganoon din ang ngisi niya sa labi na naging sanhi ng pagpula ng mukha nito. Ciel then pinched his sides which made him ruptured with laughter.

I closed my eyes.

Tinalikuran ko sila at saka nagpatuloy sa paglangoy. Sa pag-ahon ko, umabot na sa balikat ko ang tubig. 

I looked at the horizon. May nakita akong maliit na bangka sa ‘di kalayuan. Nakikita kong abala sila sa pangingisda para sa araw na ito. Pinanood ko lang sila habang pinapakalma ko ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Damn, Everleigh. Hindi ka pa nasanay.

Napahinto ako nang magsawa na ako at dahan-dahang iginiya ang katawan ko patungo sa pwesto ng mga kasama. I saw Sab, Kaylinn, Isaac, and Asher playing volleyball in the water. Kay Kuya Benj siguro galing ang bola. Si Kuya Benj naman ay nagpapalutang-lutang. Ginagaya siya ni Dangelo ngunit tumataob ito agad. Natawa ako. Si Echo naman ay tumatawa lang sa dalampasigan, wala pa yata sa mood na lumangoy.

Natanaw ko muli ang mga iniiwasan ko. May sarili silang mundo. I saw Jamal and Ciel facing each other while holding both of their hands. Parang naglalaro sila ng patagalan sa paghinga. Malayo ako sa kanila pero nakarating sa akin ang kaligayahang pinagsasaluhan nilang dalawa, lalo na ang kay Jamal.

I sighed.

Habang nakatulala akong pinapanood sila, naramdaman kong may papalapit sa akin mula sa likod.

Waiting for the Red LightWhere stories live. Discover now