CHAPTER 1:

403 7 1
                                    

Kasalukuyan akong nagtatakbo sa gitna ng daan at tinitingnan na ako ng mga tao dahil para akong baliw na nakatakas sa mental hospital, wala akong pakealam basta makalayo lang ako sa mga sumusunod saakin na tauhan ng magulang ko dahil ayaw kung magpakasal sa lalaking walang puso at demonyo na si Gray Matthew Willows, pumasok ako sa makipot na daan at tuloy tuloy itong tinahak nakita ko namang may mangilan ngilan pang nakasunod saakin, tumakbo ako ng mabilis sa may parke maraming tao dito tiyak na walang makakita saakin dito nagtago ako sa likod ng malaking puno na madalang lamang puntahan ng mga tao dahil ayaw ko talaga sa lalaking iyon at hindi ko matanggap na mag papakasal ako sa lalaking iyon.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na sa ibang daan pumunta ang mga tauhan ng aking mga magulang sobrang kaligayahan ang aking nadama tatawa na sana ako ng bigla kung naramdaman ang hika ko bigla nalang akong hindi makahinga inabot ko ang inhaler ko ngunit hindi ko ito mahanap nag simula ng umagos ang mga luha ko mamatay naba ako nito ? Pinilit kung lumakad kahit lumalabo na ang aking paningin kailangan kung makahanap ng taong tutulong saakin ayaw ko pang mamatay Lord please help me.

"Miss are you okay ?" Nag aalalang tanong ng lalaki,
hindi ako makasagot dahil sumisikip na ang aking dibdib at habol habol ko na ang aking hininga, dinilat ko ng mabuti ang mata ko upang maaninag ko ang mukha ng lalaki ngunit malabo na ang aking paningin at biglang may kung anong tumunog sa aking tainga at kumabog ng malakas ang aking dibdib hanggang sa dumilim na ang aking paligid.

Nagising ako sa hospital bed nakahinga naman ako ng maluwag ng mapagtanto kung walang katao tao sa silid, salamat naman at safe parin ako kahit papano babangon na sana ako ng biglang may nag unlocked sa doorknob mabilis pa sa alas kwatro akong humiga ulit at nag tulog tulogan.

" Kumusta ang Unica iha ko doc?" Boses ni mommy yun nanlumo ako dahil nahanap parin nila ako

" She's stable na at kailangan niya na muna ng pahinga upang hindi siya mabinat" sagot ni doc

" Sige doc salamat, Sana maging na siya at maging okay na ang aking anak hays" malungkot na wika ni mommy, naguilty tuloy ako sa ginawa ko dahil kahit ganun concern parin si mommy sakin, narinig ko ang bawat pag tapak ng paa niya papunta sa kinaroroonan ko, umupo ito sa gilid ko at bigla nalang umiyak.

" Anak I'm very sorry kung pinilit ka namin ng daddy mo hindi namin ginusto yun ngunit wala ng ibang paraan dahil malaki ang utang ng daddy mo sa lalaking iyon ayaw kitang maghirap mas ayaw ko namang makulong ang daddy mo" umiiyak nitong Sabi,
nakonsensya tuloy ako sa ginawa kung pagtakas, si mommy naman Kasi hindi sinabi agad alam ko namang hindi niya intension na ilagay ako sa miserableng buhay ngunit ayaw ko talagang mag pakasal... sa murang edad ko na ito ang gusto ko lang bumalik ang normal kung buhay yung hindi ganito.

Unti - unti kung minulat Ang aking mga mata at bigla nalang tumulo ang aking mga luha ng makita ko si mommy na nagpupunas ng kaniyang mga luha.

"Mom.." mahina kung sambit mas lalong umiyak si mommy at niyakap ako.

"I'm sorry my sweetheart " wika nito habang humagolgol.

"No mom, I- I'm sorry kung naging selfish ako sa inyo ni daddy iniisip ko lang ang sarili ko" umiiyak kung wika

"No baby hindi mo kasalanan yun, okay? Kung ayaw mong magpakasal it's okay gagawa nalang kami ng paraan ng dad mo ayaw kung mawala ka samin baby " umiiyak nitong Sabi habang pinupunasan nito ang aking mga mata, umiling naman ako .

"Mom no, ayus lang sakin gusto kung tumulong sa inyo ni daddy ayaw kung tumanganga lang habang si daddy ay nakakulong sa loob " sambit ko.

" Are you sure Mildred ?" Binigyan ako ng nagtatanong na tingin ni mommy tumango naman ako wala ng atrasan to alam kung mali itong pinili kung desisyon ngunit paninindigan ko.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now