CHAPTER 44

40 0 0
                                    

"Mildred's POV"

Bumangon ako ng maaga at naligo trip ko lang talaga na bumangon ng 5 am at maligo ng 5 am, gusto kung mag ice cream ngayon kaya naman dali dali akong naligo at dali dali rin akong nag bihis at nag ayus sa sarili ko.

Ng matapos na ako agad agad naman akong lumabas sa kwarto at dumiretso agad sa dinning area, kumain na ako at ng matapos ay agad na akong umalis dining area at naghands na dahil aalis ako gusto kung mag commute nalang dahil napapadalas na ang pagsakay ko sa kotse sobrang boring kaya pag nag kokotse.

Nag lakad na ako palabas ng subdivision kakanta kanta pa ako, ng makarating na ako sa may Kanto sumakay naman ako ng jeep at nag tungo sa mall upang bilhan si Mitch ng laruan, ng matapos na ako ay bumili naman ako ng iba't ibang flavor ng ice cream tiyaka ako pumunta sa arcade para maglaro.

Ng mapagod na ako ay naisipan ko namang umuwi dahil tunaw na tunaw na itong ice cream gusto ko ng kainin at paghahalo haloin to.

Naglakad naman ako patungo sa mansion ng makarating ako sa harapan ng gate nakita ko naman ang hindi pamilyar na kotse di ko alam kung kanino ba ito dahil wala naman kaming bisita ngayon, pumasok na ako sa loob at kakanta kanta pa.

" Leave!" Malamig na sambit ni gray.

" Bakit? Natatakot ka ?" Sambit naman ng babae.

Pumasok na ako ng dire diretso at nabigla naman ako ng makita ko si Lisa.

"L-lisa!!" Excited kung sambit at lumapit sakaniya at niyakap siya ng mahigpit.

" Aww babe I'm so sorry kung ngayon lang ako naka visit sayo " malungkot na sambit ni Lisa sakin umiling naman ako dahil okay lang naman talaga sakin dahil naikntindihan ko naman siya na sobrang busy niya kaya di na rin ako nag reklamo.

" Lisa?" kunot noong wika ni gray.

" Ayy hubby this is Lisa my bestfriend" nakangiti kung pakilala sakaniya, di naman ito ngumiti nakita ko naman ang pag abot ni lisa ng kamay sakaniya ngunit di niya yun tinanggap.

" Babe bumili ako ng ice cream may cookies and cream yung favorite ice cream natin " nakangiti kung sambit

" Aww your so sweet babe di mo talaga nakalimutan yung mga favorites natin how thoughtful you are" sambit nito habang nag ningning ang kaniyang mga mata.

" You can join us" Yaya ni Lisa Kay gray, di naman siya tinaponan ng tingin ni gray he just looked at me na para bang may mali sakin.

" Are you okay hubby?"Tanong ko sakaniya tumango lamang ito, lumapit ito sakin at hinapit Ang bewang ko tiyaka ako hinalikan sa labi, ng humiwalay na Siya sakin nag paalam naman siya na babantayan muna si Mitch.

Nakita ko naman ang malakas na hawak ni Lisa sa palda Niya

" Are you okay?"Tanong niya , ngumiti naman siya ng pilit sakin.

" By the way Mildred, Ilang years naba kayo ng husband mo" sambit nito sakin, ngumiti naman ako

" Month palang kaming ikinasal but she's the best man para sakin" sambit ko mas lalong humigpit Ang hawak niya sa palda Niya

" Hey mapupunit na yang palda mo" natatawa kung sambit , natawa naman siya ng pilit.

" I'm so sorry, naiihi na Kasi ako San ba Banda ang c.r niyo dito?"Sambit nito, tinuro ko naman ang daan papasok sa c.r tumango Naman ito at umalis na.

Parang kakaiba Ang kinikilos niya ah, parang di Siya comfortable sakin at parang nahihirapan din siyang magsalita, Ilang minuto hindi parin nakabalik si lisa kaya sinundan ko na siya baka Kasi naligaw na Ito sa laki ba Naman ng mansion na ito talagang mawawala yun.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now