CHAPTER 41

55 0 0
                                    

" Aries POV"

Puyat ako kagabi dahil alam niyo na busy ako lagi sa trabaho.

* 1 messages appear from my love*

Agad ko namang kinuha ang cellphone ngingiti ngiti akong tiningnan ito ano bang nakain ng babaeng ito at hinahanap hanap ako lagi iba talaga ang kagwapohan ko.

From: Mylove

Goodmorning kumusta tulog mo unggoy?

Natawa naman ako sa nabasa ko sus alam ko namang napanaginipan niya ako kaya umagang Umaga palang ako agad ang tinext niya.

To: Mylove

Goodmorning Mylove okay lang naman kahit nakatulog gwapo parin, sana Ikaw din maganda ka pag gising Hindi amoy kanal ang bungaga mo.

Sinend ko agad ito at bumangon na muna at inayus ang higaan ko nag mouthwas na rin ako dahil naamoy ko na ang mabangis na amoy mula sa laway ko.

Lumabas na ako dahil mag aagahan ng senyorita ako ng mansion na ito aba anong akala ng iba jan isa lamang akong pipityugin na agent ni Mr. Willows? Naku! Ako ay Isang napaka importanteng tao sa buhay niya kung wala ako tiyaka mamatay yan sa lungkot.

Ngingiti ngiti akong lumabas nawala naman ito ng makita ko ang dalawa na nag lalandian sa labas, wala bang kwarto itong mga ito ano ba namang mga taong to sobrang PDA.

" Ehem!! Maaga pa maaga pa" inistorbo ko agad sila aba di pwede to baka makabuo Sila ng triplets o di kaya ay one hundred plets

Kitang Kita ko ang inis ni master ng istorbohin ko siya sa pagiging malandi niya, malandi naman ako pero di naman ganito kalandi.

Inaasar ko pa sila ng Todo todo Kasi trip ko silang asarin Lalo na si miss mildred dahil buntis para pag lihian ako Magiging kamukha ko na anak niya tiyak magwawala yang si Mr. Willows na yan HAHAHA.

Pinapasok na ako ng dalawang naglalandian sa labas kaya ako bilang masunuring tao pumasok ako at kinuha ang telepono ko nag reply na pala si Mona sa text ko halatang inlababo to sakin e di lang maamin sus!

From: Mylove

Gag* ka talaga! Sana di ka nalang nagising ang pangit pangit mo mag pa my love my love ka pang nalalaman!

Natawa nalang ako sa message niya napakasungit talaga ng future ko na ito pakipot pa kahit gusto niya naman talagang tawagin na my love.

To: Mylove

I love you wag kana Magalit...kiss nalang Kita (⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)

Sinend ko na agad dahil ayukong mag antay siya ng matagal dahil baka mabaliw yun sakin.

Lumabas na ako dahil sobrang ingay na ng tiyan ko parang magrereklamo ata dahil sa kalandian ko, bumaba na ako at nagtungo agad ako sa dining area papalapit palang ako dun sa loob amoy ko na ang tuyo tuwang tuwa naman ako dahil matagal tagal na rin na panahon Nung kumain ako ng Tuyo si master Kasi masyadong ignorante sa pagkain.

Pagkarating na pagkarating ko agad ay lumapit ako Kay miss Mildred dahil nasa harapan niya ang tuyo alam ko pinaglilihian niya na naman itong tuyo. Pagkakita ko sa Tuyo ay nawala ang ngiti at excitement sa Mukha ko dahil ibang klaseng Tuyo itong nakita ko sosyalin may honey sa taas nyeta anong klaseng ulam ba itong kinakain ni miss mildred.

Nag reklamo ako agad dahil wala namang taong kumakain ng ganun siya lang talaga, panay reklamo ako pero may napapansin akong kakaiba ngayon Kay master Gray iba ang datingan nito tahimik at malalim ang iniisip alam na alam ko kung may problema to e.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now