CHAPTER 10

102 2 0
                                    

" ARIES POV"

Maaga akong nagising ngiting ngiti ako dahil sa wakas may connection na ang dalawa hindi ko inakalang ganun lang pala kadaling mahulog silang dalawa.

"FLASHBACK"

" Aries tulungan mo nga ako sa susuotin ko" nakakunot noong wika ni master, aba! game ako dyan.

" Master wag kang mag alala ako ang bahala diyan ka lang" masayang sambit ko, tinawagan ko agad si Mona Secretary ni master

" Mona babe!" Bungad ko habang pilyong nakangiti

" Ano ba Aries kung mambubulabog ka ngayong gabi pwede wag ngayon!" Inis na sambit ni Mona at pinatay ang telepono, lintek! Tinawagan ko ulit ito.

" Ano ba !" Inis niyang sagot

" Hoy Mona tigil tigilan mo ako sa ka oahan mo kailangan ko ang tulong mo, bilhan mo si master ng susuotin niya sa date nila ni miss Mildred" nakangiting sambit ko

"Weee? totoo ba ? Akala ko ba hindi gusto ni master yang si miss Mildred, aba teka nga bat ako ang bibili?" Sambit ni mona

" Ano kaba di na ako makabili ngayon may aasikasuhin pa ako" sambit ko

" Pag ako talaga makakabawi sa gagohan mo Aries humanda ka sakin, sige na sige na aalis na ako bibili na " sambit nito at pinatay na ang telepono.

"Mga babae talaga, toyoin kaya ayukong mag kaasawa e!" Iiling iling kung sambit.

" Wala naman pong may gusto sayo" sir aries" gulat naman akong nakatingin sa maid na nasa gilid ko umiinom Ito ng kape.

" Walangya bat sulpot ka ng sulpot kahit saan " inis kung sambit

" Parang ako pa tuloy may kasalanan" malambing nitong sambit, ito yung maid na may kausap sa kwarto ni mich may binabalak tung masama nasesense ko sa kaniya pambihira.

" Sino ba sisihin ko yang kape mo?" Sarkastiko kung sambit

" Corny mo!" Sambit nito habang umiirap akala mo naman kinaganda niya ang pag irap irap niya.

" Ikaw ha,tigil tigilan mo akong babae ka !" Inis kung sabi at dinuro ko pa siya.

" May pangalan ako" walang emosyon niyang sabi

" Wala akong pakealam" walang gana kung sagot sa kaniya

" Vida po pala " habang inaabot ang kamay niya sakin.

Tiningnan ko lang ang kamay niya at umalis pake ko sa babaeng yun di ko naman siya ka ano ano.

Pumunta na ako sa parking lot at tiningnan ang gas ng kotse ni master ay maliit nalang ang gas na natitira sa kotse niya tamang tama swak sa Plano ko para di sila Maka uwi at matutulog sila sa hotel tapos doon na sila kakain at gagawa ng bagong kapatid ni mich,kinuha ko ang telepono ko at may tinawagan.

" Hello, Gio puntahan mo lahat ng mamahaling restaurant at sabihin mo na hindi bigyan ng reservation si Mr. Willows" Masaya kung sambit

" Sige boss, copy" sambit nito pinatay ko na ang telepono tinawagan ko naman Yung flowershop na pinagbilhan ko noong una ng bulaklak, at ilang minuto lang ay nakarating na ang bulaklak na inorder ko at inilagay ko na sa loob ng sasakyan ni master.

" Goods na ang Plano silang dalawa nalang kulang " Sambit ko habang nakangiti, kalalaki kung tao kinikilig ako sa mga imagination ko.

Pumunta na ako sa loob ng mansion at pinuntahan si master.

" Asan na ang damit na susuotin ko malapit na mag 5pm" sambit nito saakin

" Relax ka lang master" sabi ko sa kaniya at umupo sa harapan niya.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now