CHAPTER 59

47 1 0
                                    

" GRAY'S POV"

Kalahating Araw na akong nakatayo dito habang tinitingnan ang anak ko, di ako makalapit dahil alam kung magagalit si Mildred pag nakita niya ako kaya ang ginagawa ko nalang ay tingnan siya sa malayo at nag papadala lagi ng mga paborito niyang bulaklak at pagkain.

" Gwapo ah, Mana sakin" wika naman ni Aries sa likuran ko

Bumaling Naman ako sakaniya at tiningnan siya.

" Kapal mo, Ikaw ba Ang gumawa?" Wika ko sakaniya

" Bakit ?? Kahit Hindi ako pero tingnan mo magkalapit lang kami ng Mukha" sambit nito.

Naipikit ko nalang ang mga mata ko ng dahil sa inis Ikaw ba naman makarinig ng ganun.

" Gray" bigla naman akong napatingin sa tumawag sakin.

" M-mom" wika ko sa mommy ni Mildred.

Mom nalang daw itatawag ko sakaniya mabait itong si Mrs. Guazon kaya Siya lagi ang nilalapitan ko si Mr. Vlad Naman kung makatingin sakin ay para akong tutuklawin pero tiklop sa Asawa niyang mala anghel.

" You can hold him " sambit nito sakin.

Bumilog Naman Ang mga mata ko sa sinabi niya.

" P-pero baka makita ako ni Mildred" wika ko Naman sakaniya.

" Naduduwag ka? Hahayaan mo nalang ang sarili mong magtago at titingnan sila sa malayo?" Wika nito.

Nakayuko naman ako sa sinabi niya, bumuntong hininga muna ako  Bago sumagot.

"O-"

"Papayag po siya, papasok na po ako" wika Ni aries at dali daling pumasok sa loob.

Parang siya pa ang Tatay e, di ako pinatapos mag salita. Nginitian ko muna si Mrs. Guazon Bago ako pumasok sa loob ng kwarto na kung saan inilagay ang anak ko.

Dahan dahan akong pumunta sa loob at agad na tiningnan ang mukha ng anak ko, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko dahil naiiyak, natutuwa, kinakabahan Halo Halo na ang nararamdaman ko.

" Master, umiiyak kaba ?" Tanong Naman ni Aries sakin.

Hindi na natulog ang luha ko dahil sa lalaking ito, Siya Kasi Ang unang bumuhat sa anak ko.

" Iganyan mo yung kamay mo " utos nito sakin.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya saakin.

" Paanong ganiyan" inis kung sambit di Kasi nito sinasabi ng maayus Ang gagawin ko.

" Ganito !" Wika nito at na itinuro Ang kamay niya gamit ang labi nito.

Ginaya ko Naman siya at Dahan dahan niyang inilagay sa kamay ko ang bata, kinakabahan ako sa ginawa namin ni aries pero Nung nahawakan ko na Ang anak ko nawala lahat ng pangamba ko dahil ngumiti ito.

" Hello bud" sambit ko habang nakangiti.

Agad naman nag labas ng cellphone si Aries at pinicturan kami ngumiti naman ako.

" Bagay master, tingnan mo " wika niya at ipinakita sakin ang litrato.

" Who are you?" Bigla Naman kaming napatingin ni Aries sa likuran namin ng may nag salita.

" Hmm miss, I am Aries and he is the father of that child" sambit ni Aries habang tinuturo ako, tatango tango naman ako habang nakangiti na binubuhat Ang anak ko.

" What the h*ll!! That's my baby you thief!" Sigaw nito at agad na kinuha ang bata sa pagkakabuhat ko.

Agad naman akong hinila ni Aries palabas.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now