CHAPTER 30

68 1 0
                                    

" Aries POV"

Masayang masaya akong bumangon dahil sa nangyari tungkol kina miss Mildred at sir gray, ang bilis ng pangyayari bigla nalang silang nag honeymoon sa harapan ko pambihira.

Ngiting ngiti ako habang naglalakad, at naisipan kung pumunta sa kwarto nila master ng makarating ako ay agad naman bumukas ang pinto nakita ko naman si miss Mildred na iika ikang maglakad nahahalata Kasi kahit pinipiliti niyang ayusin yung lakad niya.

" Miss Mildred, magandang Umaga" nakangiti kung bati sa kaniya, sa Mukha palang niya ay naiinis na siyang makita ako ang sarap asarin nito ganito kaaga siguradong magwawala siya, toyoin Kasi e.

"Ano?" Inis nitong sambit Sabi ko na nga ba

"Wala lang gusto ko lang naman batiin ka " nag mamaang maangan kung sambit kahit ang totoo ay gusto ko lang naman siyang iniisin, inirapan niya naman ako napakatoyoin talaga nitong si miss mildred e.

"Ganiyan ang kamandag ni master talagang iika ika kang maglakad HAHAH" sambit ko sa kaniya, habang natatawa pinipigilan ko talaga ang sarili kung humagalpak ng tawa napaka sadista pa Naman ni miss Mildred.

" Lasing lang ako kaya ganito" sambit nito grabe namang palusot yan talagang Hindi kapani paniwala..naku, naku, ako pa talaga Ang niloloko nito e kitang Kita ko nga yung mapusok na halikan nilang dalawa, humagalpak naman ako ng tawa sa sinabi niya.

"Sus nasa harapan ako-" sambit ko di na niya ako pinatapos dahil agad itong lumapit at hinawakan ang braso ko ng napakahigpit walangya napaka sadista talaga nito si miss Mildred.

" A-anong ginawa namin? Nakita mo ba kaming nag chukchakan? " Gusto kung matawa dahil nakikita ko sa Mukha niya na sobrang kabadong kabado siya, pero di ko kayang matawa dahil mahigpit ang hawak niya sa braso ko tinitiis ko nalang ang sakit.

" Aray! aray naman miss Mildred wag mong diinan ng hawak maawa ka naman " sambit ko, agad niya naman akong binitawan walangya naman.

" Ano nga Kasi!"inis na sambit nito sakin, Siya pa Yung nanakit siya pa Yung nainis nako ibang klase talaga Ang mga babae

" Nakita ko kayong naghalikan at Nung biglang para iba na kumaripas na ako ng takbo, ayaw kung madumihan Ang magaganda kung mata " sambit ko, natatawa talaga ako s atwing maalala ko Yung ginawa nila at gusto ko ring inisin Lalo itong si miss Mildred  pero di ko sasabihin Kay bossing na ininis ko ang babaeng siguro Mahal niya na Kilala ko yang si Mr. Willows hindi yan Magiging comfortable sa harapan ng babae pag di niya mahal

" Walangya ka!" Sambit ni miss Mildred at agad itong umalis dahil pikon na pikon na Siya saakin, humagalpak na ako ng tawa di ko na Kasi mapigilan e.

Ng makaalis na Ito agad naman akong nagtungo sa baba at kumain mahirap na baka di ako maabutan ni Mona dito pag uwi niya.

To: Mylove

Gising na ako ang pinaka gwapong nilalang sa balat ng lupa

Yan agad ang bungad ko sa kaniya alam kung maiinis na naman siya sakin pero Wala siyang magawa dahil nasa Malayo naman siya.

Tinapos ko muna ang pagkain ko at at pumunta agad sa kwarto upang maligo tiyaka nagbihis narin ako ng matapos na akong magbihis nakatanggap Naman ako ng mensahe sa laptop ko.

"Tungkol sa information ni spade at diamond nakuha na namin" napangiti naman ako sa nabasa ko agad ko naman itong nireplayan baka Kasi makalimutan ko pa mamaya dahil may gaganaping kasiyahan ang master naming walang puso na ngayoy bigla nalang naging malambot kay miss mildred pambihira talaga.

From : Silentdanger R#1

  Bigay niyo agad sakin sa personal set lang kayo ng sched na hindi kayo busy.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now