CHAPTER 48

42 1 0
                                    

" GRAY'S POV"

I am so happy to see my wife looking so beautiful when she asleep peacefully.

I was too busy lately dahil inasikaso ko yung surprises ko sakaniya, alam kung she's smell something fishy lately dahil pati si mich dinamay ni aries.

Inaasikaso ko din si Kuya at si ate odessy, at first Hindi ko alam kung paniniwalaan ko si mang tenio yung dating hardenero namin  sa mga sinasabi nito dahil ang Sabi nito sakin ay hindi pa raw patay ang mga magulang ni Mitch nasa coma lamang sila at siya Ang nag aalaga dito at yung pinsan kung si Dwayne.

"FLASHBACKS"

Nung nag paalam ako na pupunta ako ng company, dumiretso ako nun sa private hospital na kinaroroonan nila Kuya Matt at ate Odessy.

" Pre!" Bungad agad ni Dwayne sakin habang may kinakain na chips

" Bat di mo Sinabi sakin to? Bat di mo agad ipinaalam na buhay pa sila? Alam mo ba Ang epekto sakin !" Galit kung sambit sakaniya, tinapunan ko Naman siya ng masamang tingin.

" Ohhh easy easy " sambit nito habang nakangiti

" Eto kasi Ang hiling ni kuya matt Bago pa ito malagay sa coma, Nung panahong pauwi sila sa mansion may dalawang bodyguard na nakabantay sakanila sa loob ng kotse, si valeen at weldrick Yun Yung nasawi sa pag sabog dahil naka labas si Kuya matt at ate Odessy Kaso nga lang malakas Ang impact ng pagka tapon nila, sumusunod Kasi ako sakanila nun dahil isusurprise sana Kita pero di ko inaasahan na mangyayari yun" huminto muna ito at tumingin Kay Kuya matt tyaka bumalik din ito ng tingin sakin

" Nung lumapit ako sa kotse ni kuya matt hinanap ko agad sila pero dalawang bangkay lang na nasusunog Ang nakikita ko Akala ko nga sila yun, narinig ko ang boses ni kuya matt bahagya itong sumigaw kaya agad agad akong pumunta sa kinaroroonan niya at yun nga Sinabi niya sakin na wag daw akong humingi ng tulong sa kahit na kanino man at aalagaan ko daw sila ng Ako lang ang nakakaalam " sambit nito sakin.

Napatampal naman ako sa noo ko dahil sa nalaman ko, halos mamatay ako nung mga panahon na yun sinisisi ko ang mga kamalasang nangyayari sa sarili ko tang*na!

Nanginginig ako sa galit gusto kung sapakin si Kuya matt ngayon din dahil sa ginawa nito, alam ba niyang di ako handa maging magulang ni Mitch, alam ba niyang sobrang bata ko pa nun para alagaan ang anak nila nakakapuny*ta talaga isipin lahat ng yun.

" Easy bro, mas mabuti na nga na ginawa niya yun alam kung may malaking dahilan kung bat niya ginawa lahat ng yun kaya sana wag mong sasabihin sa kahit na kanino man na buhay pa sila " sambit nito sakin.

" Paano na yan nalaman ko na" agad naman Kaming napalingon ni Dwayne sa lalaking nasa likuran namin.

Munti ko ng masuntok si Aries dahil bigla bigla nalang itong sumusulpot.

" Sino to?" Kunot noong tanong ni Dwayne sakin habang tinuturo si Aries

" Si Aries, personal A-"

" Bestfriend at ninong ni Mitch ako din Ang nag alaga sa anak ni boss matt" sambit nito

" Di Ikaw tinatanong ko " pilosopo namang sambit ni Dwayne sakaniya.

" Aba wag mo akong yayabangan" matigas na sambit ni Aries at lumapit Kay Dwayne Kita ko naman ang kaba ni Dwayne sa mga mata niya, ng makalapit na si Aries ay agad nitong kinuha ang chips na dala dala ni Dwayne.

" Akin na to ha, salamat" nakangiti nitong sambit at umupo sa may upuan ng hospital.

" Sayo na yan, isaksak mo sa tiyan mo" wika naman ni Dwayne sakaniya.

Nag salute lamang ito na para bang sobrang ganda ng mga salita ni Dwayne.

" What's your plan now?" Tanong ni Dwayne sakin

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now