CHAPTER 17

86 1 0
                                    

"Mildred's POV"

Hindi ko alam kung guni guni ko ba lahat o di kaya ay nanaginip lang ako ito kasing si gray kung ano ano Ang sinasabi sakin.

"So are you okay of what's my plan?" Sambit ni gray halos mabilaukan ako sa sinabi nito ano ba naman yan hirap naman makatanggi sa ganitong kausap ang lalim ng tingin.

" Pano ako mag aagree sa ganiyang agreement nakakahiya kaya pumunta sa mga ganiyang event, last time Nung dinala ako nila mommy sa mga ganung event nag tago ako sa c.r" sambit ko,kasi Naman itong si gray gusto akong dalhin sa isang auction e nahihiya akong makipag socialize sa mga mayayamang tao dun.

" Saglit lang naman tayo dun" sambit niya kasalukuyan Kaming kumakain ngayon Kasama si mich at Aries hindi ko na tuloy maeenjoy kainin ang mga pagkain ng dahil Kay gray

" Pumayag kana kasi miss mildred andun din naman kami ni Mitch ah di ka ma oout of place I assure you that " sambit nito habang nakangiti di ko naman siya pinansin bakit matutulungan ba Ako ng mga to pag mahihiya ako dun sa auction na yun.

" Mommy just say yes " sambit naman ni mich habang nakangiti, nagiisip parin ako ayaw ko kasing mag kamali ng desisyon aba mahirap na pag di ko pag iisipan to bumuntong hininga muna ako bago ko Sinabi Ang desisyon ko.

" S-sige na nga basta may kasunduan tayo, una wag na wag niyo akong iiwang mag isa baka uuwi ako ng di niyo nalalaman, second wag niyo akong pilitin na gawin yung mga bagay na ayaw ko baka makalimutan kung asawa mo ako gray at magwawala ako Doon mismo sa event" sambit ko habang seryusong nakatingin sa kanila.

" Wala kana bang idadagdag yun na lahat?" tanong naman ni gray habang tinitingnan ng mainam ang aking mata agad naman akong nag iwas ng tingin baka Kasi di ko ma Sabi sabi ang dapat kung sasabihin

" Wala na" mahinang sambit ko tumango naman si Gray habang nakangiti.

"Then that's the deal later let's buy you some dress to wear in the auction" sambit nito

" Sama kami boss" Sabi naman ni Aries habang nagmamakaawang nakatingin Kay gray

" Sige na sige na pero bantayan mo si mich " sambit nito

"Bat mo pa ako ibibili may mga susuotin naman ako diyan,wag na gagastos ka pa " sambit ko habangs seryusong kumakain tumayo naman ito at nagtungo sa kinaroroonan ko halos di ako makagalaw ng yumuko ito at bumulong sa tenga ko.

" Just do what I say wife" halos hindi ko malunok ang mga pagkain na nasa bibig ko anong tinawag niya sakin? Did h-he call me wife ? O binge lang ako baka naman hindi.

" Hoy miss mildred okay ka lang ba?" tanong ni Aries bumalik naman ako sa katinuan ng bigla akong sigawan ni aries

"Ano kaba pakihinaan mo yung Boses mo" sambit ko

"Sus namumula ka miss Mildred kinikilig ka sa wife ano , just do what I say wife" sambit nito habang ginagaya niya ang pananalita ni gray tatawa tawa naman itong si Aries pati na rin itong si mich humagikgik din ng tawa at nag high five pa sila ni Aries.

"Di no, di ko nga narinig yun e" palusot ko naman at kumain nalang

"Miss Mildred maraming nabilaukan sa ganiyang pagdedeny" sambit naman ni gray napaubo tuloy ako

"Oh tingnan mo, sabi ko sayo e" sambit naman nito, uminom muna ako ng tubig before I gave him a death glare nakakainis naman itong si Aries kung ano anong sinasabi humanda ka talaga sakin mamaya

" eh sino bang hindi mapapaubo sa sinabi mo " inis kung sambit  tumayo na ako at iniwan sila ni mich narinig ko pang tumatawa silang dalawa pumunta muna ako ng Hardin upang maaliw ang isipan ko ayuko kasing isipin ang nangyari kanina  nakakahiya Kaya yun.

Pagkarating ko sa Hardin ay agad naman akong umupo sa paanan ng Puno at kinuha ang cellphone ko pumunta muna ako sa mga messages at tama nga ako nag reply nga itong si mona.

From Mona:

Sino ka! At bat kaba nagtetext sakin siguro stalker Kita

Natawa naman ako sa babaeng to ako stalker niya? Pambihira naman siya kababae kung tao istastalk ko siya kung hindi lang dahil gusto kung mainis si aries ay di ko naman siya itetext.

To Mona:

I am Mildred, wag mong sabihin Kay Aries na nagtetext ako sayo atsaka wag kana mag tanong kung san ko nakuha ang number mo.

I send it immediately nag aantay ako ng reply niya ng biglang may naisip akong idea.

"Kala mo ata do ako makaganti sayo ha" sambit ko habang nakangiti ng nakakaloko bigla naman pumintig ang tenga ko ng tumunog ang cellphone ko.

From Mona:

Hello po miss Mildred, sorry po sa inasal ko hehe

Reply nito sakin natawa naman ako napaka formal naman niya.

To Mona :
Hoy wag kang masyadong formal sakin, OO nga pala please punta ka later sa mall mag me-meet tayo and then samahan mo akong mamili ng susuotin para sa auction bili ka narin ng para sayo dahil sasama ka sa ayaw at gusto mo.

Sinend ko agad yan at ngingiti ngiti naman akong tiningnan ang cellphone ko humanda ka saking Aries ka Akala mo ata di Kita maiisahan.

Tumayo na ako at masaya akong pumasok sa loob ng mansion umakyat na ako at ngiting ngiti talaga ako nagkasalubong pa kami ni Aries sa hagdan nginitian ko naman siya gayun din siya.

Nagmamadali naman akong pumunta sa kwarto ko at naligo dahil Maya maya ay pupunta na kami ng mall mga 5pm may 30 minutes nalang ako kaya nagbihis na ako at nag ayus na din, tiningnan ko ulit ang Relo ko tiyaka kinuha ang bag at umalis na bumaba na ako at nag tungo sa parking lot, nakita ko namang inaasar ni Aries sa gray at pulang pula ito hindi ko alam kung nagagalit ba o natutuwa Siya .

" Andiyan na pala ang Reyna"sambit ni Aries binigyan ko naman siya ng nakakamatay na tingin talagang iniinis ako ng Aries na ito.

"What take you so long" naiinip na wika ni gray, di ko naman siya sinagot dahil hindi ko alam kung anong isasagot sa kaniya binuksan niya ang front seat at pinauna ako apat Kaming nasa loob tiyaka may nakasunod na security samin para sa safety na rin ni mich.

" Alam Mona boss ang mga babae ay parang paging sobrang bagal" sambit ni Aries tiningnan ko naman siya

" Talaga mabagal kami? E Ikaw nga para kang pagong sobrang bagal mong nanligaw kay-" di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"Hey! you two stop it!" Sigaw ni gray samin binitawan naman ni aries bibig ko talaga namang tiklop itong si Aries pag dating Kay Mona e.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mall at tulad ng inaasahan ko ay nandun narin si Mona bumaba na kami sa kotse at nagtungo na sa entrance.

"B-bakit siya andito?" Rinig kung sambit ni Aries

" Mona!!" Masayang sigaw ko at tumakbo papunta sa kaniya

" Miss Mildred!" Nakangiting sambit niya

" Good afternoon master" sabay yuko ni Mona, ng dumako Ang tingin niya kay Aries ay biglang nandiri naman ang expression ng Mukha niya di naman makatingin si Aries sa kaniya ng diretsahan gusto kung humagalpak ng tawa Kay Aries ngunit ayuko namang maging awkward ang flow ng Araw na ito.

" Mommy I want to eat ice cream" sambit ni mich habang hinahawakan ang kamay ko

" No mich you can't eat ice cream , you will be sick " sambit naman ni Aries, bigla tuloy nalungkot si mich sinipa ko naman si gray

"Aww" sambit niya and he give me a death glare syempre Hindi ako nag patalo ano siniswerte naman siya.

" Don't listen to your dad I will buy you some ice cream "sambit ko Bago paman ako masigawan ni gray ay tumakbo na kami ni mich at kiladkad ko na rin si Mona bumili kami ng kahit anong flavor at masaya itong kinain nagkwekwentuhan kami ni muna at Maya maya pa ay nag paalam na ako dahil gusto kung mag Cr ibinilin ko naman Kay Mona si mich.

Pumasok na ako sa c.r naghugas muna ako ng kamay ng tumalikod na ako bigla nalang may pumukpok sa ulo ko dahilan upang dumilim ang aking paningin at hindi ko na  ang sunod na nangyari.


THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now