CHAPTER 79

20 0 0
                                    

"Mildred's POV"

Kinakabahan ako dahil hindi ko na macontact si Gray, kanina pa ako tawag ng tawag sakaniya dahil iyak ng iyak si Matthem.

" Sweetie, is everything okay?" tanong ni mommy sakin.

Umiling naman ako bilang tugon dahil hindi ako mapakali parang may mali.

Agad agad kung tinawagan si spade dahil alam kung may alam ito kung nasaan si Gray, di ko rin Kasi macontact si Aries.

" Hello" sambit nito, mukhang kagagaling pa ata ito sa iyak dahil iba Ang kaniyang tinig.

" Spade, pasensya na sa istorbo pero pwede ka bang matanong man lang?" Sambit ko sakaniya.

" Ano yun ,wait miss Mildred may good news ako Wala akong mapag sabihan sa tuwa ko kaya napaiyak nalang ako" sambit nito.

" Sige ano ba Yun?" Tanong ko dito, ayuko namang pa tigilin itong si spade dahil alam kung tuwang tuwa ito.

" Gising na si Diamond at lumakas na Siya" sambit nito.

Namangha naman ako dahil sa sinabi ni spade.

" Mabuti kung ganun, matanong ko lang kung nasaan si Aries?" Sambit ko sakaniya.

"Umalis Sila pabalik ng pilipinas Ang alam ko ay susugod sila sa black world " wika nito na Wala man lang halong emosyon.

" Kasama ba si Gray?" Sambit ko habang nakakunot ang noo ko.

" OO Siya Ang tumawag Kay Aries" wika ni Spade.

" Maghanda kayo ni Mona , susunod Tayo Hindi pwedeng mananatili lang Tayo dito alam kung kailangan Nila ng tulong ngayon" sambit ko Kay spade.

" Sige Sige, mag iimpake na kami ni Diamond" wika ni spade na galak na galak agad agad ko namang binabaan ng cellphone si spade.

" Nakatulog na Siya" sambit ni mommy.

" Thank you mommy, pakibantayang muna si Matthem dahil susundan ko Ang daddy niya " wika ko Kay mommy.

" Oh Sige, mag ingat ka anak" wika ni mommy.

Tumango na lamang ako at hinalikan ito, agad agad akong nag tungo sa itaas upang mag handa ng gagamitin namin sa laban,nasa gitna ako ng pag iimpake ng biglang tumunog ang cellphone ko.

" Hello?" Sambit ko habang nag iimpake parin.

" Apo, please Quick come here tawagan mo ang mga tauhan ko at tawagan mo rin si Magda upang mapadala Niya Ang mga tauhan " sambit ni Lola sa kabilang linya mukhang nanghihina siya kaya sobra Ang pag alala ko.

" Papunta na ako diyan Grandma hintayin niyo ako" sambit ko sakaniya.

Agad agad ko namang pinatay ang tawag at tinawagan na si Magda.

" Magda please inform Ang lahat ng tauhan ngmember ng clan na pupunta sa black world palibutan nila ang buong black world upang walang makatakas niisa" sambit ko, habang gigil na gigil.

" Copy" sambit nito at binabaan ko na ito ng cellphone.

Nag suot ako ng maitim na leggings, at hapit na hapit na maitim na mukhang jacket, naka combat boots din ako may inilagay akong dagger sa gilid ko at iba pang patalim na kakailanganin ko hinigpitan ko din Ang Tali ng buhok ko dahil kailangan kung maging handa sa laban na Ito.

Dali dali na akong bumaba, pinuntahan ko muna ang anak ko at dali dali itong hinalikan. Hinalikan ko na din si mommy  at Ang paalam na.

Agad agad naman akong pumunta sa parking lot at pumasok agad sa kotse ko pinaharurot ko na ito papunta sa airport tinext ko na si spade na Doon na lamang kami Makikita sa labas ng airport.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now