CHAPTER 16

75 1 0
                                    

"Aries POV"

Halos hindi ako makatulog ng gabing iyon dahil nakita ni miss mildred ang messages ni Mona nyeta naman oh bat kailangan niya pang tingnan ang mga yun wala lang naman si mona sakin.

Bigla naman napukaw ang atensiyon ko ng biglang tumunog ang telepono ko hindi na ako nagdalawang isip na tingnan ako dahil alam ko na kung sino to.

"Hello" panimula ko

"H-hoy!! S-sinong nakakita kamo ng messages ko?" Tanong ni Mona sa kabilang linya hindi niya pa masabi sabi ng diretsahan sakin ang mga katagang iyon dahil katulad ko nahihiya din ata siya.

"Si miss Mildred yung pinakasalan ni master" sambit ko ngiting ngiti ako at iniimagine ko na kung ano ng reaction ngayon ni Mona tiyak namumula na siya sa hiya ang cute niya pa naman kapag nahihiya.

"May Sinabi ba akong cute?" Sambit ko napatakip naman agad ako ng bibig, nyeta bat ko naman nasabi yun talaga naman oh.

" Anong sabi mo? Ang gulo mo kausap" naiinis niyang sambit at pinatay agad ang telepono.

"H-hoy!" Sigaw ko ngunit wala na ito, ibinagsak ko naman ang aking telepono at ngingiti ngiti dahil sa isipin na yun.

Naisipan kung bumangon na dahil kumakalam na ang sikmura ko ngingiti ngiti kung inayos ang buhok ko at lumabas na kakanta kanta pa ako ngunit bigla naman akong napatigil ng may marinig akong parang ingay sa loob ng kwarto ni mich agad agad naman akong naalarma nawala bigla ang saya na akong nadama at napalitan ito ng sobrang pag aalala.

Agad kung binuksan ang pinto ng kwarto ni mich nagulat naman ako ng makita ko ang posisyon ni miss mildred at master gray nakangite naman ako agad dahil sa aking nasaksihan talaga namang sa harap pa ng bata sila gumawa ng kababalaghan agad agad ko namang kunwaring tinakpan ang mga mata ko.

"Hala jusko spg ! Ano ba naman kayo dun kayo sa kwarto niyo wag dito may bata pa naman!" sigaw ko habang tatawa tawa nakita ko namang mukhang nainis si miss Mildred dahil sa sinabi ko ngunit wala akong pakealam dahil Mukha talagang masasave na ang isang taong sweldo ko sana naman ay kumapit na sakin ang swerte.

"Walangya ka! Gisingin mo itong amo mo mamamatay ata ako nito" sigaw ni miss Mildred ngunit hindi ko ito pinansin umupo lang ako sa harapan nila at pinanuod sila na para bang na nunuod ako ng romantic na pelikula talaga namang nakakaaliw tingnan, si mich naman todo kuha pa ng video Yan ang gusto kung bata may initiative e, itong dalawang to halatang may nararamdaman na sa isa't isa ngunit indenial lang sila pwes ako nalang ang mag paparealize sa kanila na mahal talaga nila ang isa't isa.

" Sige lang ienjoy niyo muna yang position niyo gusto kung makita ang reaction ni master" sambit ko habang ngingiti ngiti aba gusto ko lang naman sulitin nila ang pagkakataong ito na nagyayakapan sila at pinaparamdam ang init ng kanilang pagmamahalan, nawala naman ang saya na nadama ko ng biglang sipain ng ubod ng lakas ni miss Mildred si master gray ngunit mabuti na rin at naisipan niya iyon dahil mas maganda ang position nilang dalawa Ngayon kesa kanina mas maganda tong tingnan binigyan ko naman ng sign si Mitch na kuhanan ang position nila parang na paralisa ata si miss Mildred dahil sa kamandag ni master dahil sa sobrang tuwa ko ay humagikgik ako at pati narin si mich bigla namang napukaw ang atensiyon nilang dalawa at nagbangayan naman ang mga ito ngunit Bago paman mawala ang pagmamahalan nilang dalawa ay syempre eeksena ang gwapong personal assistant ni master gray.

" M-master Panay ngiti ka ngayon ah" sambit ko

" You, you need to explain something to me!" sambit nito habang pinandidilatan ako ng mata bigla naman akong kinabahan, takte pag ganitong eksena ang sasabihin ni master talaga namang mapapaihi nalang ako sa pantalon ko.

"Hala bakit master? Anong kasalanan ko?" takhang tanong ko, wala naman akong kasalanan sakaniya ah, wala din naman siyang pinagawa sakin ngayon t-takte baka yung pag iispiya ko ng patago tungkol Kay vida b-baka naman nalaman niya lupet talaga ng isang willows.

" Tsk, Basta mamaya na" sambit nito napaisip naman ako alam kung sa mga oras na ito seryusong usapan nato ngunit yung utak ko ay hindi sumasang ayon sa gusto ko.

" Aba, master hindi ko naman nakakalimutan ang birthday mo alam kung next week na yun e" pabiro kung sambit pinandilatan niya naman ako ng mata tumahimik naman ako agad alam kung ayaw na ayaw niya ang birthday niya, naikwento niya Kasi sakin na kahit noong bata pa siya ay hindi niya gusto ang birthday niya Ikaw ba naman ang pagmamalupitan ng ama mo sa Araw mismo ng birthday mo Ang pinaka matinde pa ay Hanggang lumaki siya ay dala niya Ang trauma na nakuha niya sa kaniyang ama at naipasa pa niya Kay Mitch kawawa nga itong bata e noon paman ay di nakaranas ng matinong birthday pilitin man naming gumawa ng handaan sa birthday ni Mitch  ngunit itong si master ay kulang nalang ay ipakin samin ang bala.

"Leave us for awhile, we need to talked about something important" seryusong sambit ni master na nagpapukaw sa atensiyon ko sumeryuso nadin ako dahil alam kung sa mga oras na ito ay nanganganib na ang buhay ko kung ano mang mangyayari sakin ngayon ay sana may magmamahal kay mona, bigla ko namang iwinaglit sa isipan ko ang mga iniisip ko nyeta naman oh bat napasama pa si muna sa isipin ko critical na nga itong kalagayan ko e.

Tumayo na si miss Mildred at binuhat si mich nakikita ko sa mga mata ng bata na masaya itong may nanay nanayan siya sobrang talino ng batang ito kaya Minsan hindi kami nakakalusot sa kaniya mukhang matanda narin Yan kapag mag isip at matured na rin sumunod naman si Master sakanila at ayun nag bangayan ulit talaga namang mukhang aso at pusa itong dalawang ito para namang walang katapusang bangayan ang mangyayari sakanila kahit alam naman nila na may nararamdaman sila sa isa't isa.

Ng isara na ni master ang pinto at nilock ako ay bigla namang tumibok ng napakalakas ang puso ko nyeta di ako inlove Kay Master ha kaba to kabang matinde.

" I don't want to make things worst here may gusto lang akong malaman" sambit nito at sobrang seryuso nito naka poker face din ito kaya alam kung seryusong seryuso ito Hindi ko alam kung anong gagawin ko napalunok nalang ako sa sobrang kaba.

" M-may relasyon ba kayo ni Mildred" seryusong sabi nito ngunit hindi Siya makatingin sakin ng diretsahan muntik na akong mabilaukan sa sarili kung laway ano bang pinagsasabi ni master.

" Ha? Paano niyo po nasabi " sambit ko habang nakakunot ang noo

"Tsk. I heard you two in your room" sambit nito habang seryusong nakatingin sakin, iniisip ko namang mabuti ang mga pangyayari sa loob ng kwarto at bigla kung naalala ang mga katagang sinasabi namin ni Mildred noon bigla naman akong pumalakpak.

" Ahhh.. HAHAHA nakuuu master nagseselos kaba samin ni miss mildred ?" Sambit ko habang tatawa tawa bigla naman siyang tumayo at hinawakan ang kamay ko tiyaka pinilipit.

" Ataaay!! Araaay!!" Sigaw ko

" Sagutin mo nalang Kasi ng diretsahan, gusto mo pang masaktan" sambit nito

" A-aray, master hindi k-kasi g-ganun yun k-kinuha ko lang yung nakatusok na kahoy sa k-kamay niya, nilagyan ko Kasi ng tracker si vida at si miss Mildred ang nagsulat ng mga address na nakuha namin" sambit ko habang namimilipit sa sakit.

"Good!" Sambit nito

"Araaay!! Araaay!! Naman master!" Sambit ko ng bitiwan niya ang kamay ko hinihilot hilot ko naman ito at sumenyas naman siya na lalabas na kami tumayo na ako at Dahan dahan lang akong nag lakad dahil masakit parin ang kamay ko sumenyas naman si master na tumayo lang muna at Dahan Dahan niyang pinihit ang pinto tiyaka bumulagta si miss Mildred sa sahig.

At nagbabangayan na naman silang dalawa, umalis na si master at naiwan Kaming dalawa ni miss Mildred.

"Miss mildred, bagay kayo yieee!" sambit ko tiyaka tumakbo baka Kasi batukan na naman ako.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now