CHAPTER 12

89 2 0
                                    

"Vida's POV"

Kanina pa ako nakatayo dito sa daan may hinihintay Kasi akong tao.

" Pst tara na!" sigaw Ng lalaki na nasa loob ng Lamborghini

Bat siya pa! nakakainis naman sa lahat lahat ng tauhan sa Bahay ni  senyora siya pa talaga ang naatasang kumuha sakin.

" Oh bakit parang masama ang mood mo" sambit nito habang nakatingin sa daan

" Tinanong mo pa talaga" inis kung sambit

" Masama bang mag tanong?" sambit nito sakin binigyan ko naman siya ng nakakamatay na tingin nakakainis talaga ang lalaking ito, inisip ko ang mga pangyayari at natawa nalang talaga ako sa mga tao na nasa loob ng mansion ng mga willows walang kamalay malay na inaatake na pala sila ng nakatalikod.

"FLASHBACKS"

"Vida Montero" malalim na sambit ni Gray Willows gusto ko sana siyang sampalin ngunit hindi ko magawa, I am here for the mission at gagawin ko ito kahit ikamamatay ko pa.

" You're hired now!" Sambit nito, my eyes lit up when I heard those lines, nagpasalamat na ako sa kaniya at ang Sabi pa niya ay magsisimula na ako ngayon sobrang kaligayahan ang aking nadama dahil hindi ko nabigo si senyora.

Itinuro naman ng ibang kasambahay ang magiging kwarto ko, ginampanan ko ng mabuti ang pagkukunwari ko bilang isang babaeng mahiyain at mahinhin, ng makapasok na ako ay agad ko namang isinara ang pinto at kinuha ang cellphone ko.

"Hello senyora" sambit ko, agad ko namang nadinig ang malamig na boses sa kabilang linya

" How's your first mission?" malamig na sambit nito

" It's going well ma'am " nakangiti kung sambit

"Good! " Sambit nito at pinatay na ang telepono nakangiti ko naman itong isinilid sa bulsa ko.

Malaki ang tiwala ni Senyora sakin Minsan tinatawag ko din siyang ma'am, alam kung alam niya na hindi ko siya kayang biguin isa si senyora sa mga taong Malaki ang naitulong saakin hindi ko alam kung anong mangyayari saakin kung wala siya.

Simula kasi nung bata ako pagkatapos mamatay ni itay ay palaboy laboy nalang ako sa kalye  walang matinong tirahan di nakapag tapos ng pag aaral, namatay si itay ng dahil sa mga willows naalala ko pa noon na halos umaga at gabi ito nag tatrabaho bilang isang magsasaka sa kanila ngunit napaka liit naman ng sinasahud nila Hanggang sa isang araw ay bumigay ang katawan ng tatay humingi kami ng tulong sa mga willows dahil nga trabahador naman nila si Tatay ngunit itinaboy lang kami ni Don. Willows hindi niya daw kami tulungan dahil hindi niya kayang sayangin ang kaniyang yaman ng dahil lamang daw Kay Tatay sobrang nasaktan ako noon kahit musmos pa lamang ako noon alam kung walang puso si Don. Willows kaya ngayon ibabalik ko ang mapait na naranasan ko Kay Gray Willows hindi naman sana ganito Ang buhay ko kung hindi dahil sa kaniyang ama hindi sana ganito ang buhay na meron ako kung binigyan lamang nila ng makatarungang sahud ang utay

"END OF FLASHBACK"

Tumulo ang mga luha ko sa isipin na iyon kahit matagal na panahon na ang nakalipas ay parang kahapon lamang nangyari Ang lahat  ganun parin ang sakit pareho parin.

" Umiiyak kaba?" Tanong ni Jericho pinunasan ko naman kaagad ang mata ko at umiling.

" Alam mo mag maneho kana lang diyan kesa makealam ka sa buhay ko!" Sambit ko ngumiti naman ito ng nakakaloko

"Tsk. Grabeng mood swing Naman yang sayo " sambit nito di ko nalang siya pinansin.

Inalala ko nalang kung bakit ako pinaalis ni Senyora sa mansion ng mga willows nagtataka tuloy ako.

"Flashbacks"

Kausap ko si senyora sa telepono dahil may Pina set up siyang camera sa kwarto ni mich upang mabantayan niya ito ng maigi.

"Ehem" nabigla naman ako at kinakabahan halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng dahil sa sobrang kaba alam kung namumutla na ako sa oras na ito.

Dahan Dahan naman akong tumingin kung sinong nandito, nabigla naman ako ng dahil si Mildred ang pumasok base Kasi sa itsura ng babaeng ito tatanga tanga siya at mukhang madaling mauto kaya ang dali niyang bihagin ng dahil sa katangahan niya.

" Is everything okay ?" sambit nito, nakayuko lang ako at tumango, wala Ako sa mood makipag  usap tungkol sa buhay niyang marangya

" Anong pangalan mo?, Are you okay ? You looked pale nilalagnat kaba?" nag aalala nitong sambit, tatanga tanga talaga itong babaeng to kung may baril lang ata akong dala kanina siguro kanina pa ito nakahandusay sa kinatatayuan niya.

"A-ah vida po ang pangalan ko, a-ah na allergy po Kasi ako sa mga alikabok na nandito sa loob ng kwarto ni mitch" palusot ko ang utak ko Ngayon at nakangiti na ng nakakaloko dahil sa sobrang ka inosentehan ng babaeng ito at sa sobrang katangahan na meron siya.

" Ay, magpahinga ka kaya muna ako na ang mag aalaga kay Mitch" nakangiti nitong sambit,nag aalangan naman ako dahil baka makita niya ang isinet up kung camera sa mata ng teddy bear pero naalala ko palang tatanga tanga ang babaeng ito at madaling mauto kaya tumango na ako bilang tugon sa kaniya.

Umalis na ako sa loob ng kwarto ni Mitch pagkalabas ko ay nag mamadali naman akong pumunta sa kwarto ko at inimpake ang Ilang kagamitan ko dahil may natanggap akong mensahe isa sa mga tauhan ni senyora na nakatoka naman sa computer.

From: Missy

Umalis kana diyan habang wala pang nagawa sayo si gray, nakita nila ang camera sa loob ng teddy bear.

Nabigla naman ako punyeta talaga paano nila nakita yun nagmamadali akong dumaan sa backdoor ng mansion nila at nagtungo sa hardin umupo muna ako sandali sa Hardin upang hindi halata na aalis ako.

Nag iisip ako ng sasabihin ko Kay senyora ng bigla naman siyang tumawag halos kumawala Ang dibdib ko ng dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.

"H-hello ma'am "kabang sambit ko

"Tss. You failed, comeback here immediately dahil may ipapagawa ako sayo" sambit nito

"H-hindi ka Po g-galit sakin?" Nag aalangan kung sambit

"Hindi and to be honest it's a big accomplishment dahil ngayong alam na nila na merong Isang senyora na kalaban nila umalis kana diyan bilisan mo bago kapa nila mahuli" sambit nito

"Yes ma'am, salamat" sambit ko at pinatay na ang telepono tiyaka umalis na.

Di pala nasayang ang lahat ng pagod ko dahil may silbi naman pala ang pag alaga ko sa batang iyon masayang masaya akong lumabas sa gate.

" H-hoy san ka pupunta?" Gulat naman ako dahil sa lakas ng boses ni aries kinabahan tuloy ako.

" May emergency Kasi sa probinsya biglaan itong pag uwi ko pakisabi nalang Kay Master Gray ha na aalis muna ako dahil sobrang kailangan talaga ako ng pamilya ko ngayon" nag mamakaawa kung sambit, tumango lamang siya at lumapit sakin.

"Siguraduhin mong emergency yan at hindi pakikipaglandian" bulong nito sa tenga ko namula naman ako at ngumiti nalang sa kaniya tiyaka umalis hinawakan ko namang mabuti ang bag ko baka maisnatch pa ito dito sa subdivision.

Ang saya saya talaga tingnan ang mga tao na Kasama ni gray dahil maraming tatanga tanga dito sa mansion ng mga willows di ko akalain na pati pala Ang top agent ay uto- uto rin buti pa nga ako na walang pinag aralan pero di ganun ka tanga isama mo pa itong si mildred na sobrang tanga hays, maghanda nalang sila ng bongga dahil gugulatin talaga sila ni senyora ng bonggang bongga.

THE UNWANTED WIFE OF MR. BILLIONAIRE ( COMPLETED) Where stories live. Discover now