1.

7 3 0
                                    

Luna's Point of View

TOK* TOK*

" HOY BABAE! Gumising ka na jan, mahuhuli ka na sa klase mo!" 

Naalimpungatan ako dahil sa lakas ng hiyaw ng nanay ko. Bigla ko naalala, si ma'am impakta nga pala ang teacher namin ngayon sa umaga. Nakupo sa labas na namn ako magkaklase nito kapag nahuli ako. 

Tumingin ako sa orasan dito sa kwarto ko. 20 minutes na lang meron ako para maghanda, kasama na dun yung 10 minutes kong papunta sa school. 

10 minutes, hindi na ko maliligo. Agad agad akong tumayo kinuha uniform ko sinuot ko na.

Dumaan si nanay sa kwarto ko, nakita ako na nagmamadali magbihis.

" Ayan!, kanina kapa tinatawag. Ayaw mong gumising. Ikaw talagang bata ka" sabi niya. 

"Nay, kung kanina mo pa ko tinawag baka sakaling naaga na gising ko" 

" Ano!? Kanina pa kita pinatatawag kay Emman at ang sabi ni emman ayaw mo daw magising. Kaya sabi ko hayaan na at baka siya naman madamay sa pagkalate mo. "

Pagkarinig ko lang ng pangalan na "emman" kumukulo na agad ang dugo ko. 

" Nay! sabi ko sayo ikaw ang gumising sakin sa umaga eh" 

"Hay nako, ang dami ko ginagawa sa bahay. Nagmamagandang loob na si emman para tawagin ka." 

Nakupo, Nay kung alam mo lang...

Hindi ko na siya sinagot pa at lumabas na ko ng bahay. Sumakay sa bike. Tumingin muna ako sa relo ko sakto 12 minutes pa.  Nag bike lang ako papasok dahil malapit lang naman ang school dito samin at walang gaanong sasakyan dumaraan dito dahil nasa kaduluhan na kami ng probinsya. 

--- 

SCHOOL

Pinarada ko na yung bike ko kung saan paradahan ng bike dito malamang. Tumingin muna uli ako sa relo 3 minutes pa. Dali dali ako pumasok at tumakbo na papanik ng room . 

Nangmakarating ako bago ko pumasok sumilip muna ko sa gilid ng pinto, sinisigurado na walang makakakita sakin sa pagsilip ko.

" Maaga tayo magsisimula ng klase, dahil nagkaroon ng meeting last week hindi ako nakapag turo, ihahabol natin ngayon ang topic medyo mahaba to kaya kailngan natin magsimula ng maaga. Pero una muna natin gawin ay mag attendance"

Eto na nga ba ang sinasabi ko, kailangan ko pumasok pero patago dapat. Hinananp ng mata ko pwede ako tulungan. 

Spotted.

Pumilas ako ng papel sa notebook ko. Binilot ko yun para maging bilog. Binato ko sa ulo ni Carmela.

Nasakto sa kanya, kaya napalingon siya.Nakasimangot pa nung una pero nung nakita ako. Ginamitan ko siya ng sign language para maintindihan niya ko. 

 Gusto ko , idistract niya ang teacher namin tsaka ako dahan dahan papasok. Nag thumbs up siya sakin, ibig sabihin naintindihan niya ko. 

Nakasilip lang ako dito sa may gawi ng pinto hinihintay na siya ay gumalaw, pero sa hindi inaasahan may isang tao pa pala na nakatingin sakin. Napalingon ako sa kanya at ag ngiti niya na hindi nakakatuwa ang tumambad sakin.

Yung ngiti na halos 10 years ko na madalas nakikita, at ang ngiti na yon ang senyales na walang magandang mangyayari sakin ngayong araw na to. Tumingin muli ako kay Carmela hinihiling na gumalaw na siya bago pa umaction ang isang tao na yon

Dinasal ko na lahat ng pwedeng dasalan, Tumatayo na sila carmela mula sa upuan niya. Sabay bilis tibok ng puso ko sa mga oras na to.

Hindi ko alam kung bakit parang slow mo ang nangyayari dahil parang dahan dahan bumubukas ang bibig niya para magsalita.

First LoveWhere stories live. Discover now