19.

1 0 0
                                    

Luna's Point of View

Next Day. 

 Madaling araw na ng nakarating kami sa school, diretso kami agad sa dorm. Buti na lang at ayos na ang kwarto namiin ni Liezel ung pagdating  namin. Sabi niya inayos na daw ni Tita ang lahat sa Dorm. her parents requested na kami na lang ang magkasama sa dorm. 

Dahil supposedly iba ang dorm ng mga scholar sa mga regular student. Which is I agree din naman dahil kami scholar na wala naman binabayaran. Ayon, they requested slip some money, then I'm in. 

Nauna akong gumising kay Liz, tiningnan ko siya sobrang himbing ng tulog.  Tanghali na rin, ramdam na ng tiyan ko ang pagka-gutom. Kaya I decided na maghanap ng pagkain namin. 

Lumabas ako ng dorm. paglabas ko palang marami ng tao. They all look so expensive, kahit na tiga probisnay ko alam ko mg branded bags at shoes. Lahat ng mga babae na masalubong ko they all wearing those brands. Chanel, Hermes, at iba pa. 

 They all look like liezel, mga make up at mga naka ayos na buhok. Habang nag lalakad ako lagpas sa kanila. katulad ko hindi rin mawala ang tingin nila sakin. 

 Pero, magkaiba ang tingin nila sa tingin ko sa kanila. Ang tingin ko ay ang pagkamangha. sa kanila tingin na parang nandidiri. Dahil ang suot ko, White t shirt at jogging pants ng PE uniform ko dati. 

Nilagpasan ko sila ng nakayuko hanggang sa makalabas ako ng dorm building. para akong nahiya bigla ng makita mga mga tingi nila. 

 Paglabas ko,nun ko lang na realize na hindi ko nga pala alam. Kung nasaan ang canteen dito or kung nasaan ang kainan dito.  Dapat ba hinintay ko na lang magising si Liz, Dahil dito siya nag senior highschool kaya malamang alam niya ang pasikot sikot dito. 

Kesa bumalik pa ko, might as well umikot na lang ako hanggang sa mahanap ko ang hinahanap ko. Wala pang gaanong  mga tao sa labas, siguro mamaya pa mga dating 2 day early kami nag settle dito ni Liz, para hindi kami magmadali kung ano man

 To familiarize na rin sa lugar, para kapag first day na talaga hindi ako ma-late  maghanap ng room. 

 Malawak ang buong University, magkakalayo ang building. Base sa map na binigay sakin nung registrar, nasa dulo daw ang Engineering building. Kaya dun ang punta ko ngayon. Pero nasa first agenda pa rin paghahanap ng makakain namin. 

 Naglalakad ako sa gilid, dahil dumarami na rin ang mga sasakyan sa daan.  Tumataas na rin ang tirik ng araw dahil pa 12 na rin ng tanghali.  Dapat pala nag dala ko ng payong. hay nako, kadami ko naman pinagsisihan first day na first day ko pa naman . 

Hindi pa ko nalalayo, marinig ko na tinatawag ako ni Liezel. Asa tapat siya ng dorm building namin kumakaway. Hindi ako nagulat na kaya niyang sumigaw ng ganun kalakas. mas agulat ako na ang pag kakaalam ko wala pang 10 minutes ng makapalabas ako ng dorm eh tulog pa siya. 

 Ngayon naka all pink na jacket at jogging pants siya, nakaayos din ang buhok nakatali at naka kulot ang dulo ng buhok niya. I jog papunta sa kanya.

" San ka punta?" she is looking at me mula ulo hanggang paa, pinaikot ikot pa ko para masuri niya mabuti ang suot ko. Alam kong  hindi niya nagugustuhan nakikita niya ngayon, expression pa lang ng mukha niya. 

 Sanay na ko sa kanya, nung bata pa lang kami siya na ang pinaka girly girl samin dalawa. 

" Maghahanap ako ng tanghalian-umagahan natin.Alam mo ba kung saan makakabili ng pagkain" 

" wearing that? hay nako luna, napaka jologs mo pa rin hanggang ngayon. Well nevermind sa susunod na lalabas tayo ako bahala sa outfit mo. This will be the last time na magsusuot ka ng ganyan" She cling on my shoulder, she lead the way. 

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon