13.

1 1 0
                                    

Luna's Point of View.

Dinala ko si Carmela dito sa bundok uli. Kase sa tingin ko mas mapapagaan  ang loob niya kapag nakalanghap ng masarap na simoy ng hangin.. pati na rin ako

Hinahayaan ko lag siya iiyak lahat. Hinihintay na siya ay mag kwento, ganyan lagi ang ginagawa ko sa kanya. Gusto kong ibuhos na niya lahat ng iluluha niya para maibsan manlang ang sakit na nararamdaman niya.

 Nang mas ma ikwento niya sa akin ang buong pangyayari. Hinihimas himas ko ang kanyang likod, for her to feel na andito lang ako para sa kanya. 

Eto siguro ang pinaka iyak na nangyari sa kanya, dahil na rin siguro ito ang pinamalalim na pagkacrush niya sa isang tao. 

 Jake, has it all. Actually yung tipo ni  Carmela. He is the only one who doesn't lack of something sa list of type niya. 

At according sa kanyanf letter, na crush na niya ito first year palang kami. Ibig sabihin madami man dumating na naging crush niya. Si jake pa rin talaga. 

Kumuha ako ng tissue sa bag ko, ng patahan na siya. Binigay ko sa kanya yung tissue. Kinuha naman niya ito. Pinunasan ang luha at sipon niya. 

 Humihina hina na ang pag iyak niya. paunti unti na rin tumitigil. 

" Ayos ka na? Medyo nawala na bigat g dibdib mo?" mahinahon kong tanong sa kanya. Napatingin siya sakin. Magtama ag mata namin, nagsimula uli siyang umiyak. 

 Na alarma na ako, kumuha muli ng tissue sa bag. Inabot ko sa kanya, kinuha niya ulit. Pinunasan ang  luha uli. 

 Akala ko pa naman yari na siya. Pero eto umiyak uli.

Lumipas ang maraming minuto na pag iyak. Finally tumigil na siya.

" Oh ayan pwede mo ng ikwento, kung anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Tumango siya. Pinunasan niya muna ag luha niya. 

" P-pumunta ako sa classroom nila, hinanap ko siya agad. Tinawag pa nga siya ng kaklase niya eh. Inaya ko siya dun sa bench na  malapit sa puno. Pinag upuan natin kanina. Tapos..." Nang gigilid na uli ang luha niya, pero pinipigilan niya ito.

"... tapos inabot ko sa kanya yung letter, bago pa ko mag salita. Pinigilan na niya ko. Umatras siya at pinigil ang kamay ko na iabot sa kanya yung letter" sabi nito. May tumulo na luha uli sa kanan mata niya. I wipe it out for her. 

" Sabi niya, sorry hindi ko matatanggap ang letter mo.  Kahit wala ka pang sinasabi kung ano yan. Pero alam ko kung ano ang laman niyan." pagpatuloy na kwento niya. Nakatingin siya sa letter na lukot sa kamay niya. naka yuko siyang tinutuloy ang kwento.

" Alam ko na magkaibigan kayo ni Luna. At siya ang nagsabi sayo patungkol sa akin,  Kaya pala nagtataka ko kung bakit bigla na lang nagtanong ng personal si president sakin yun pala... Ay di bale, pero ang totoo niyan lahat ng sagot ko sa tanong niya, ay na detalyado sa taong gusto ko.." patuloy niya. 

" May gusto na siyang iba? Sinabi ba niya kung sino?" tanong ko sa kanya. Tumango siya." Sino daw?"

She raised her right hand at tinuro... ako.

" Sabi niya, na ikaw ang gusto niya kaya specific lahat ng sinabi niya. Na umaasa siya na maintindihan mo na may gusto siya sayo" malungkot na sagot niya. 

 Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Kahit na alam kong wala akong kasalanan pero it feels like na kasalanan ko kung bakit siya broken ngayon. 

 Is it because of my insensitiveness in terms of love? Kaya i feel guilty. I hold her hand, At ang laking luwag sa puso ko na hindi niya iniwas ang kamay niya. 

First LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt