3.

6 3 0
                                    

Luna's Point of View

" Nay, pasok na po ako." paalam ko kay nanay na naglalaba na ngayon sa labas ng bahay. 

Maaaga akong umalis ng bahay, Kaya i can take my time na mag bike papasok ng school. Hay! kasarap ba nang pumapasok na hindi nagmamadali at walang taong unggoy na nakasunod sakin. 

Dalawang araw na ng nakalipas nung nag away kami Emman, hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin kaya ako hindi ko rin siya pinapansin.  Aba, pataasan ng pride eh mas mataas ang pride ko. Tsaka siya naman talaga ang may kasalanan noh.

Si Carmela nga pala ayon, ayos na may bagong crush na naman. Si Mark, isa sa mga taong iniiwasan ko, baka kasi pagnakita ako tanungin ako nung naibigay ko yung box kasi malamang naghihintay din ng sagot yon. Eh ano isasagot ko sa kanya? Bago mabuksan yung box mo ayun tinapon niya sa basurahan.

Natigilan ako sa pag pidal o ng may natanaw ako sa medyo di kalayuan. Si Emman nakasakay ito sa bike niya pero nakatigil ito sa harapan ng isang magarang kotse. Nakababa ng konti yung window ng sasakyan pero hindi naaninag kung sino ang kausap niya. 

 Napaisip ako kung sino kausap niya na yon siguradong mayaman at hindi tiga rito samin. Ngayon ko lang nakita  rin sasakyan na yan. Nakangiti siya na nakikipag usap dito, para ko nainis nug nakita siya ngumiti, naisip ko na kahit di kami bati nakakangiti siya? Edi jan na siya sa mayaman na kausap niya kainis. 

Hindi ko alam kung ano sumapi sakin pero nung nag bike na ko at nung papalapit na ko sa kanila mas binilisan ko ang pedal ko, basta sa straight ahead lang din ang tingin ko. Ni hindi ko siya nilingon.

 Pero base sa peripheral ko alam kong nakita niya ko dahil nung nadaan ako, napalingon siya sakin.  

---

Padabog ko binaba bag ko sa upuan ko.

"Oh easy lang, ka aga aga hinahamon mo ng away yan upuan mo"  Kinuha niya yung bag ko at inayos na paglagay sa likod ng arm chair. 

" Nakabusangot ka na naman kaya ka pumapanget eh " Pagkasabi niya na yon. umecho sa tenga ko boses ni emman na ganun na ganu rin ang mga sinasabi niya sakin.

" Wag na wag mo na uli sasabihin mga yan, magagalit talaga ko sayo" banta ko sa kanya, nagulat ang mukha niya sa pagkakasabi ko sa kanya na. 

" Chill lang, alam kong inis ka kay Emman ngayon pero bat naman iba ang inis mo today ate ghorl" tanong niya, sasabihin ko na sana sa kanya pero biglang pumasok si Emman sa room, nagkatinginan kami, nakangiti siyang pumasok pero nung nakita niya ko biglang nawala yung ngiti niya. 

Inirapan ko siya at tumingin na lang sa iba.  Ngiti- ngiti ka nung kausap mo yung mayaman na yon. pero nung nakita mo ko nawala ngiti mo.  Edi dun ka na sa mayaman na yon. 

Nagpatuloy siyang maglakad, nilampasan ako ng hindi manlang ako pinapansin. Umupo na siya sa upuan niya

" Nakatingin sayo si Emman oh, ang lungkot lugkot na ng mukha niya" bulong ni Carmela sakin. 

" Akala ko ba galit ka s aknaya, tapos ngayon pinagbabati mo kami" bulong ko rin sa kanya. 

" Ehhh, di naman niya kasalanan tsaka, naka move on na ko. Sige na mag bestfriend naman kayo" pagpilit niya sakin. 

" Bestfriend daw... ulol niya. May bestfriend ba na nakakatiis a hindi ako kausapin at mas gusto pa kumausap ng mayaman " 

" Mayaman? anong mayaman sinasabi mo?" pagtataka niya. pinalapit ko siya sakin para ibulong sa kanya lahat ng nakita ko kanina. 

" OMO!" sigaw niya, mabilisan ko siyang na headlock, para patigilin siya sa ka OA yan niya.

" May sugar mommy si Emman" bulong niya, nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. sa detail ng sinabi ko yun ang pagkakaintindi niya. kinurot ko siya sa braso sa pagkasabi niya na yon.

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon