20.

1 0 0
                                    

Luna's Point of View

First Day of School

 Maaaga ako nagising para ihanda lahat ng kailangan ko pang first day. Inayos ko lahat ng gamit sa bag ko. Ginising ko na rin si Liz kanina. Sumagot lang siya pero bumalik uli sa pagtulog, May maagang freshman program kami. Kaya lahat ng freshman kailangan magpunta ng Theater Building. 

Ayaw pa rin tumayo ni Liz, kaya nilapitan ko uli siya at ginising uli, tinanggal ko kumot niya at unan. Kumunot noo niya. Nakapikit pa rin na  umupo mula sa pagkakahiga. nagkakamot ng buhok. 

" Bumangon ka na jan. Gusto mo bang malate sa first day" sabi ko sa knaya. Initsa twalya niya sa mukha niya. Umangal siya ng tamaan ko siya sa mukha, Inis niya tinggal twalya sa mukha niya.

" It's only the program, then after that may gathering ang kada course. Bukas pa talaga ang first day" sabi niya. Bumaba siya sa higaan, lumapit siya sakin, sinilip laman ng bag ko. Pinagtatanggal niya lahat ng mga gamit na kalalagay ko lang iniwan lang niya yung wallet ko. 

" Ayan lang ang kailangan mo for today. Okay?" sabi niya, tumingin siya sa phone niya. Nanlaki mata niya. Tumingin sakin " Luna!!! it's only 6:00 in the morning! what the hell!. The program starts at 8:00!" sigaw niya sakin. Pinagbabato niya ko ng unan. Pilit ko tinatago tawa ko. 

" Halos isang oras ka naliligo tapo isang oras ka ng make up! Mas nakakagulat pa nga kapag alate pa tayo niyan eh. " Sabi ko, tinulak ko siya papunta sa Cr " kaya kung ako sayo, maligo ka na dahil kapag hindi sapat ang 2 hours na pag aayos mo, mas maaaga pa kita gigisingin" sabi ko sa kanya. Nakatingin siya sakin masama, bago dahan dahan isara yung pinto.

Pumunta ko sa table ko uli, pinagbabalik uli mga gamit ko sa table. Kung sabi ni Liz eh hindi kailngan . Hindi ko na rin dadalhin. Lumabas ako sa terrace para magpahangin.

Wala pang gaanong sudents sa labas dahil sobrang aga nga naman. Pero may mg students na nag jojogging, may mga aglalakad lang may dala dalang mga pagkain.  

 Medyo kinakabahan ako s new place, new school, new classmate. Lalo na't alam ko hindi ganun ganun lang ang mga kaklase ko, galing sa mayayaman na pamilya at anak ng mga politician. Kaya tama si Liz na sumunod na lang ako sa kung ano ang rules meron dito. May idadagdag rin ako sa dont's ko  siguro umiwas na rin sa mga mayayaman na students.  Baka mangyari sakin mga binabasa ko na mahirap ay binubully ng mayaman.

Ang gusto ko lang ay magkaroon ng peaceful 4 years dito sa school na to. Siguro ang dapat kong gawin ay hanapin ang mga kapwa ko sa scholar, kahit sila na lang ang kaibiganin ko. pare-parehas naman kami na scholar kaya ayos lang siguro na sila ang maging kaibigan ko.

45 minutes later...

 Binilang ko talaga, ngayon lang lumabas ng cr si  Liz, naka bathrobe at may twalya sa ulo. Dumiretso na siya sa 'vanity' na sinasabi niya. Wala akong magawa kundi panuorin siya, bago pa siya maglagay sa mukha niya, napatingin siya sakin mula sa mirror. 

" Luna, come here" Nakatingin siya sakin, nagdadalawang isip ako kung lalapit ba ko o hindi. Pero tinawag niya uli ako. kaya lumapit ako sa kaya. 

 Umusog siya ng konti sa upuan, pinaupo niya ko sa space na yon. 

" You know what!? Marami pa tayong oras, kaya ayusan muna kita " hindi na ko nakatanggi pa, Tumayo siya, tinali ang buhok ko. 

----

Naglalakad na kami paputa sa theatre building, marami kami nakakasabay na students a biabati si Liz lagi. Normally kapag may kasama ang kakilala mo, tatanungin manlang nila kung sino ko. Pero sa dami ng nakakilala sa kanya, wala manlang nagtanong kung sino ako.

First LoveWhere stories live. Discover now