5.

5 3 0
                                    

Luna's Point of View

" Luna, linisin mo na yang kwarto mo. Ano ka ba naman bata ka kababae mong tao ang dumi dumi ng kwarto mo. Bumangon kana jan!"  Tinakpan ko ng pillow mukha ko. ka-aga aga pinapagalitan ako ni nanay. Wala naman pasok hindi ko kailngan gumising ng maaga.

Nagaagawan kami ng kumot ni nanay. Pilit niya kinukuha yung kumot at pillow ko para bumangon na ko. Lalaban na daw niya mga punda ko kaya pilit niya ko ginigising. 

" Gumising kana!" sigaw niya. Inis na inis ako bumangon mula sa pagkakahiga. Kahit masama loob tinulungan ko siya magtanggal ng punda. Bitbit niya yung mga punda lumabas ng kwarto ko. 

" Kumain ka na muna. Asa labas na agahan mo, pagkayari mo siimulan mo na linisan yang kwarto mo. Puro basura na" sabi niya.  Tumango ako as an answer. Tumulala muna ko ng mga 5 minutes dito sa higaan ko. 

 Lumabas na  ko ng kwarto still half awake, dumiretso sa kusina para kumai. Umupo na ko sa table dito. Lugaw at pandesal ang agahan na hinain ni nanay.  Tinitigan ko lang din uli g 5 minutes yung lugaw sa harapan ko.

Nabalik  ako sa realidad ng may maglaagy ng boiled egg sa lugaw ko. Di ko napansin na andito pala si Emman.  Pinagpalaman niya ko ng pandesal ng cheese pemiento.  Tsaka nilagay sa kamay ko.  Sa pandesal naman ako natitig. He patted my head, hinihintay nila ang ako to come into my senses. 

Sanay na siya sakin, na it takes time to process kapag nagigising ako. Although hindi naman lagi ganito dahil wala naman akong problema kapag papasok. Lalo na kapag alam kong late na ko. 

Nang nakakapag process na ko sa reayalidad. Nakaramdam ako ng pagkauhaw, aabutin ko na yang baso pero pinigilan niya ko inagaw niya to sakin. 

" Di ka pwedeng magmalamig na tubig, kagigising mo lang wala pang laman tiyan, sumubo ka muna ng mainit na lugaw" Nilapit niya sakin yung lugaw at nilagyan ng kutsara. 

 Sumubo na ko ng 3 beses, tsak niya nilapit sakin yung baso. Ininom ko yun sabay kagat naman ng pandesal. 

" Ano ginagawa mo dito?" sabi ko, habang ngumunguya. Pinanasan niya ng gamit ng daliri niya pemiento na naiwan sa labi ko. 

" Inutusan ako ni nanay na pumunta ng bayan para bumili ng gulay para mamayang taghalian, nakita ako ni nanay inaya ako mag almusal" sabi niya. Tumango tango lang ako habang nagsasalita siya. 

 Tumayo siya pumasok sa kwarto ko, lumabas uli na may dala-dalang suklay. Lumapit siya sakin sinuklayan niya yung buhok ko. 

Pumasok uli si nanay nakita niya kami. Sanay na siya samin. 

" Oh tapos ka na kumain Emman? Hayaan mo na si Luna sa itsura niya wag mo ng suklayan ng buhok. Kumain ka pa"

"Busog na po ako nay, hinihintay ko lang po mayari si Luna isasama ko po sana sa palengke" pagkasabi niya na yon. Tumingin ako ng napaka saya sa kanya. 

" Ay nako hindi pwede Emman at mag lilinis pa yan ng kwarto niya" pagbawal ni nanay. Nalungkot naman ako. Gusto ko pumunta ng bayan dahil gusto ko tumingin ng libro. Mahilig kasi ako magbasa ng mga novel at ang bagsakan lang ng mga murang libro ay sa bayan lang. 

 Tumingin ako kay Emman nagmamakaawa na, pilitin niya si nanay na isama ako. Giving him my cuteness overload na face. Tumawa siya, touches my nose bago magsalita.

" Sandali lang naman po kami nay, Yaan niyo po pagka baba ko ng pinamili kay lola. Wala naman po ako gagawin tutulungan ko na lang po maglinis si Luna" pagkukumbinsi niya. Tumingin muna sakin si nanay bago sumagot. 

" Osige, basta agahan niyo pagbalik. Dahil gusto ko mayari niyo yan ngayog umaga ah " sabi niya. 

 Napa yes ako in silent. Tiningnan ko si Emman,  nginitian ko siya ng napakalaki laki and give him a thumbs up. 

First LoveWhere stories live. Discover now