8.

4 3 0
                                    

Luna's Point of View

Nagbibike kami pauwi, kasabay ko ngayon sila Angelo , Emman at Carmela sa paguwi. Hindi pa rin mawala sa utak ko mga katagang sinabi ni Carmela sakin kanina.

" Baka naman... may gusto na sayo si Emman? "

" Baka naman... may gusto na sayo si Emman? "

" Baka naman... may gusto na sayo si Emman? " 

Hanggang ngayon nag eecho pa rin sa utak ko sinabi ni Carmela na yon. Hindi ko alam parang biglang bumigat yung puso ko sa pagkaksabi niya na yon. Bumilis rin tibok ng puso ko.

 Ayaw niya tumigil sa mabilis na pagtibok, napahawak ako sa dibdib ko. Dahil sobrang pre occupied ko muntikan na ako matumba . Buti na lang nasalo ako agad ni Emman. Nakahawak siya sa Braso ko

" Oh,mag ingat ka. Ano ba iniisip mo" sabi niya. Tumingin ako sa kanya. Instead na sagutin ko siya sinuri ko buong mukha niya. 

 Ngayon ko lang na realize na ang ganda pala ng mata niya bagay sa makapal niyang kilay. At sobrang tangos ng ilong niya tamang tama sa hugis ng mukha at yung labi niya medyo pinkis parang ang sa---

Snap* Snap*

" Oy luna? natulala ka na jan" pagpapagising sakin sa katotohanan ni Emman.  Nabalik ako sa realidad inayos ang tayo ko.  Nag start na uli mag pedal. 

Nag aaya na mag meryenda daw muna kami sabi ni Angelo, nagsabi ako na ayoko kako sumama parag hindi ko kaya itong puso ko ngayon para akong aatakihin sa puso. 

Hindi ko na sila binigyan pa ng pagkakataon na pilitin ako nagmadali nako mag pedal ng bike pauwi sa bahay. 

----

Nagbago isip ko na umuwi sa bahay. Kaya instead na sa bahay ako pumunta nag iba ako ng route. Papanik ng bundok  kung saan dun ag hide out ko nung bata pa lang ako. 

 Kapag pinapagalitan ako ni nanay dun ako nagtatago. Ang nakakaalam lang ng lugar na to ay kami ni Emman. Dahil dito ko rin siya pinapapunta kapag gusto niya magtago o maglabas ng sama ng loob. 

" Luna..."

Narinig ko sa hindi kalayuan, huminto ako lumigon sa likod ko. Si Carmela sinusundan pala ko nito. Hinintay ko siya makaabot. 

 Hingal na hingal siya nung nakalapit sakin. 

" Bat mo ko sinusundan, asan  yung dalawa?" 

" Iniwan ko sila, Ayoko rin naman mag meryenda at gusto kita samahan. Akala ko ba uuwi ka. Bat naman napunta na tayo sa bundok oh" sabi niya. 

" Tara sa taas para malaman mo" sabi ko inaya ko na siyasa taas

 Medyo malapit na rin naman na kami. konting padyak na lang

15 minutes later 

 Tanaw na tanaw na nami halos ang buong probinsya mula dito dahil sa taas ng bundok na to. Ramdam na ramdam ko lamig dahil sa hagin na dumdapo sa balat. Sana pala nagdala manlang ako ng jacket. 

Nag cross arm ako to keep my arms warm. Ganun din si Carmela na amaze na amaze na ngayon ssa kanyang nakikita. 

" WOW! hindi ko alam na may ganito pala sa lugar niyo. Ang ganda dito luna, bat di mo ko inaaya dito"  sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya.

" Pano kita aayain, mas adik na adik ka mang stalk ng crush mo. Inuunahan mo ko lagi sa uwian" sabi ko sa kanya. She rolled her eyes. 

" Atleast, ako may crush eh ikaw.. hindi mo nga alam na may crush ka na."  Sinamaan ko siya ng tingin

First LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora