4.

5 3 0
                                    

Luna's Point of View

" Class, I have an announcement. Magsi upo ang lahat at makinig" Adviser namin. Umayos ako ng upo, pinakinggan ang mga sinasabi niya. 

"Meron kayong magiging bagong kaklase galing siya Grade 10-B, Alam ko kalagitnaan na ng school year pero pare parehas lang din naman kayo ng inaaral kaya pwede siya makalipat ng room" Pagka announce ni ma'am may isang babae na mahaba buhok, maputi, maganda at sobrang linis ang itsura ang pumasok mula sa pinto. 

 Nagsihiyawan ang lahat ng mga lalaki at mga babae naman hindi maalis ang tingin sa kanya. Tumayo siya sa harapan, para siyang model g isang magazine dahil sa matangkad siya maputi at payat pa. 

" Hello, everyone I'm Sophia Abad" pakilala niya, sobrang sweet ng boses niya kahit ako hindi maaalis ang tingin ko sa kanya.  Tinuro ni ma'am kung saan siya uupo . Dun niya tinuro sa tabi ni Emman. 

Sinundan ko siya ng tingin ng lumakad siya papunta sa upuan niya, nahagip ng mata ko si Emman na parang walang pakielam na nakatingin lang sa bintana. 

" Okay class, maging mabait kayo sa bago niyong kaklase ah. Mag ready na rin kayo sa klase niyo" sabi ni ma'am. sabay umalis na rin. Nagsimula ng umingay ang klase. Yung iba sa kanila ay kinakausap si Sophia. May mga babae na tumayo at kinausap siya. 

---

" Class Dismissed, yung assignment niyo bibigyan ko kayo ng isang linggo para iapsa yan, pero kailangan complete solution. Walang labis walang kulang kapag may kulay minus 5 per missin solution, Nagkakaintindihan tayo?" tanong ni ma'am

" yes po ma'am!!" sigaw namin. Nilagay ko na sa bag yung mga gamit ko. Uwian na ano pa nga ba ang gagawin ko. 

" Ms. Cruz, Ms. Abad and Mr. Almazan follow me to the teacher's office" sabi ni ma'am.  tatawagin ko na sana si Emman pero naunahan ako ni  Sophia. Nakahawak na to sa braso ni Emman. At ang lalaki naman na yon sumunod sa babae na yon. 

" Tsk.. Tsk.. Tsk.. first day a first day ah. Mukang nakakuha na ng target" Lumapit sakin si Carmela at inakbayan ako. 

" Sayang.. ang ganda pa naman niya pero si Emman lang pala ang tipo niya. May mas gwapo pa naman sa classroom natin" Napalingon kami ni carmela sa nagsalita. Si Angelo, kaibigan ni Emman. Wala siya ng one week dahil..hindi ko rin alam. Nakaakbay siya kay carmela. close rin siya samin kaya nga lag lulubog lilitaw rin to eh. minsan pumapasok. minsan naman hindi

" Pumasok ka pala, akala ko absent ka" Carmela. tinanggal niya ang akbay nito kay carmela.

" Anong akala mo absent ako, kausap pa kita nung umaga. binigyan pa kita ng chocolate non. ano yun nakalimutan mo na agad yung existence ko nung may pagkain na" pag aangal ni Angelo sa kanya. Pinagisipan ni carmela kung nag usap nga sila. 

" AAAHHH! kaya pala may chocolate sa bulsa ko. Akala ko si Luna naglagay, para isuprise ako. Pasensya na ha " tinaptap niya balikat ni Angelo para kumalma ito. 

" Mauna na ko, pinatatawag ako ni ma'am ingat kayo sa pag-uwi. Angelo si Carmela ah" sabi ko.

" Walang problem Lulu!" 

Lulu tawag niya sakin, magkababata rin kami ni Angelo kaya nga lang paalis alis siya ng lugar kaya si Emman lang talaga ang mas close ko dahil nga siya ang laging anjan. Kaming tatlo ang  magkakaibigan nung una plus na lang si Carmela  dahil nitong highschool ko lang siya naging friend. 

Nakasunod lang ao sa dalawang nasa harapan ko. Na ung isa parang nakaglue sa braso ni Emman, salita ng salita at yung isa naman parang gustong gusto na may babae nakakapit sa kanya. 

Nababago na pananaw ko sa babae na to, ganda pa naman ng description ko sa kanya kanina nung nakita ko, pero ngayon tanging masasabi ko na lang sa kanya isa siyang higad... HIGAD.. 

First LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin