11.

3 2 0
                                    

Luna's Point of View

" Sinabi niya talaga yon?" Sumubo ito ng fishball, nakatingin sakin. SInabi ko kasi sa kanya sagot ni jake sa tanong ko. 

" Lahat nama meron ako ng qualities na yun. Mabait naman ako, ka close ko nga lahat ng naging kaklase o eh. Edi ibig sabihin mabait ako. matalino naman ako kahit pang top 5 ako, isa pa rin sa matatalino. Maganda rin naman ako diba?" sabi niya, natingin ako nung tinanong niya ko. Subo subo ko yung kikiam habang tiningnan siya mula ulo hanggang paa. 

 Nagkunot ang noo niya. 

" Oh bakit? hindi ba ko maganda sa paningin mo?"  tanong niya uli. Umiling ako. 

" Ano? hindi?" sigaw niya. Binilisan ko pagnguya ng kikiam kahit sobrang init. Pagkalunok ko tsaka ako nag salita. 

" Hindi, ang ibig kog sabihin hindi ko tingin na hindi ka maganda. Ang ganda mo nga eh." sabi ko. Totoo naman talaga mas lalong compare naman sakin. Boyish na nakasalamin pa kaya walang wala magkakagusto sakin. Ang tapang pa ng personality hindi katulad niya babaeng babae talaga. 

One time nga nung grade 1 kami, sa sobrang ayoko magpaplda. Ninakaw ko yung uniform ni Emman kahit na malaki sakin nun dati. Sinuot ko pa talaga. Ayon end up hindi ako pinapasok sa school. Pinatawag pa si nanay. 

" Tama ka jan, pero ao ibig sabihin niya sa magaling magsulat. Yung penmanship?" sabi niya. Napaisip din ako anong klaseng quality naman yon. 

Umupo kami sa isa sa bench, sa tabi ng puno. 

" Pwede rin naman magaling magsulat, siguro ng mga essay, kwento or yung nga maganda magsulat"sabi ko.  Tumango tango siya.

Susubo na ko ng fishball uli pero hinawakan niya yung kamay ko. 

" May na-isip ako" sabi niya laki ng ngiti na parang gulat na gulat sa laki ng mata niya, minsan lang kasi mag ka idea to kaya ganyan ang reaction niya. 

" Ano yon?" susubo na uli ako, pero hinawakan na naman niya yung kamay ko. Kanina pa ko laway na laway sa fishball na to bat ba ayaw ako pakainin ng babae na to. 

"Kung, mag confess ako sa kanya gamit love letter" kilig na kilig na sagot nito.

" Gagawa ka ng love letter, hindi ba parang napakaluma na nun" sabi ko, this time tinanggal ko yung kamay niya sa braso ko ng magkaroon na ko ng kalayaan na sumubo.  Pero bago pa ko makasubo, inagaw na niya sakin yung  pagkain sabay, ibibaba niya sa  gilid niya. 

" Aish, yun na nga yon that's very romantic. Laman ng letter yung gaano ko siya kagusto then ma touch siya tapos... tapos..." She looks like imagining things. Sinsilip silip ko yung pagkain ko sa gilid niya.  Kukunin ko na sana uli, pero hinawakan niya yung kamay ko. 

".....Luna ikaw lang ang pagasa ko, alam mo hindi ako magaling magcompose ng essay. Ikaw.. ipagsulat mo ko maganda rin naman penmanship mo. please"  

Waaahh! gusto ko lang naman kumain. Binitawan ko ung kamay niya. kanina pa ko naiinis ah. 

" Ano ka ba!,love letter yun kailngan dapat galing sa puso mo. Hindi galing sa puso ng iba. pano mararamdaman ng makakarecieve ang gusto mong sabihin" sabi ko, This time nakuha ko na yung fish ball ko, Sumubo na ko ng isang, pagkasubo ko gusto ko ng iluwa. Hindi na masarap sobrang lamig na . 

" Oh bakit? hindi masarap " sabi niya, tiningnan ko siya ng masama. Binaba ng padabog fish ball na hawak ko. 

" Malamig na hindi na masarap" Nag cross arm ako habang nakakunot ang noo. 

 1 minute of silence, nang magsalita uli itong  katabi ko. 

"...so tutulungan mo ko?" she said in a sweet tone at nakangiti. I looked at her and give her a sarcasm smile. 

First LoveWhere stories live. Discover now