PROLOGUE

74 4 0
                                    

AIRA

Tila nag slowmotion ang aking paligid habang nakatayo ako sa gitna ng soccer field ng aming unibersidad. Hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari dahil sa bilis nito. Kanina lang ay payapa kaming nakaupo sa aming mga kanya-kanyang classroom at nakikinig sa aming proffesor, ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang nagkagulo at nagwawalang tila mga naulol na aso ang mga kapwa ko studyante.

Takbuhan dito, takbuhan doon. Walang direksyong sinusundan ang mga nagkakagulong studyante para lamang makaligtas.

"Aira!" ang sigaw na iyon ang nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

Nang lumingon ako sa kanan ay nakita ko ang isang paparating na studyanteng duguan, may marka ng kagat sa leeg at namumuti ang mga mata. Mahigpit kong hinawakan ang hawak kong baseball bat at naghanda sa paghampas dito.

Matapos ay agad akong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng aking kaibigan, papasok sa aming building.

"Dali!" sigaw ni Allen habang tumatakbo kami paakyat.

Bawat palapag ay may humaharang sa amin kaya naman ay nahirapan kaming makaabot sa aming classroom.

Gulat na napatili pa ang aming mga kaklase na pawisan at mukhang kararating lang din nang pumasok kami at dali-daling nilock ang pinto.

"Ano bang nangyayari?!" maarteng tanong ni Maika, ang fashionista at pinakamaarteng kaklase namin.

"Zombies" mahina ngunit sakto lang para marinig namin ang sinabi ni Darra, ang aming class president.

Pagod na napahilamos ng mukha si Roy, ang maangas at bully naming kaklase. "Fuck!" sigaw n'ya sabay sipa sa isang upuan.

"I can't believe na mangyayari sa totoong buhay ang mga napapanood ko lang dati" nanlulumong saad naman ni Franz, ang taekwondo player sa aming klase at vice president namin.

Sabay-sabay kaming napasigaw nang kumalabog ang pintuan ng aming classroom dahil sa mga zombies na gusto kaming atakehin.

"Dalhin n'yo rito 'yung mga upuan at lamesa! Bilis!" sigaw ni Roy habang pinipigilan n'ya ang pagbukas ng kabilang pintuan.

Agad naman akong kumilos na sinundan naman ng aking mga kaklaseng babae habang ang mga kasama naming lalaki ay nasa dalawang pinto at pinipigilang mabuksan ito.

Matapos nilang ma lock ang magkabilaang pinto ay nagtulong-tulong kami sa paglalagay ng mga upuan at lamesa upang magsilbing barikada.

Maging ang sliding window ay ni-locked namin at nilagyan ng mga harang na mga upuan at lamesa.

Nang matapos ay unti-unti kaming nagtipon-tipon at marahang umatras habang pinapanood ang mga studyanteng tuluyan nang naging zombies.

Naglakad ako papunta sa kabilang bintana kung saan kita ang buong unibersidad at halos manghina ang aking mga kalamnan sa aking nakita.

Hiyawan, takbuhan, at iyakan ng mga kapwa naming studyante na nanghihingi ng tulong.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" tanong ni Amira, ang pinakatahimik at mahinhin sa aming lahat.

"Hindi tayo p'wedeng tumunganga lang dito dahil anomang sandali ay p'wedeng masira ang pintuan at paniguradong patay tayo 'pag nagkataon." wika ni Roy.

"I have a plan..." lahat kami ay napatingin kay Darra.

"Spill" ani naman ni Franz na naglakad palapit kay Darra.

"You're a taekwondo player, right?" tanong ni Darra kay Franz na agad namang tumango. "Minuto nalang ang bibilangin at bibigay na ang pintuan at bintana...Aira, Maika, Amira, magtulong-tulong tayo na alisin lahat ng kurtina at maghanap sa mga cabinet ng pandagdag at pagdugtung-dugtungin natin. At kayo naman boys ang aalalay sa mga barikada, Franz use your skills incase na maabutan tayo. Is it okay if kasama kitang mahuhuli?"

Tumango lang si Franz bilang pagsang-ayon.

Alerto kaming lahat habang nakikinig kay Darra.

"I have a question," singit ko.

"Go ahead," na sinabayan pa ng tango ni Darra.

"Saang floor tayo baba, gayong nagkalat na ang mga infected sa lahat ng floors"

"Okay listen, everyone. Roy, ikaw ang unang bababa once na maayos na namin ang mga tela. Ikaw ang titingin ng room na safe at p'wede nating puntahan. Dahil hindi tayo basta-bastang makakalabas ng campus, nakita n'yo naman ang sitwasyon, kaya ang tanging magagawa lang natin sa ngayon ay maghanap ng bagong room na pagtataguan bago tayo gumawa ng panibagong plano para sa paglabas natin ng campus." walang mababakas na emosyon sa mukha ni Darra habang nagsasalita. "Everybody move!" maawtoridad na utos n'ya at agad kaming kumilos.

Isa-isa naming tinanggal ang mga kurtina, si Amira naman ang nagkalkal sa mga cabinet at mabuti na lamang ay may mga nakatago roon. Nang maipon na namin lahat ng kurtina ay agad namin itong pinagtulungan na pagdugtungin. Nang matapos ay tinawag ni Darra si Roy para mag rappel na pababa.

"Take care" paalala ni Darra bago tuluyang bumaba si Roy.

Nakaantabay naman ang iba pa naming kasama na lalaki sa pintuan dahil bumibigay na ito dahil sa sunod-sunod na pagdagsa ng mga walang hiyang zombie.

Nang tuluyang makakababa si Roy sa isang room ay agad naman kaming pinasunod ni Darra.

Nanginginig man ay tinibayan ko ang aking loob para makababa dahil ayokong maging pabigat sa mga kaklase ko. Nang makarating ako ay inalalayan ako ni Roy at sumunod na ang iba.

Nahuli ngang bumaba sila Darra at Franz dahil tuluyan na ngang bumigay ang pintuan at mabuti na lamang ay nakakapit na sa tela ang dalawa at pilit silang inaabot ng mga zombie.

Nakahinga kami ng maluwag nang tuluyang makababa ang dalawa na agad naman naming inalalayan.

Pagod kaming napaupo habang si Franz naman ay nahiga at tinakpan ng dalawang kamay ang kanyang mukha.

"What are we gonna do now?" Malungkot na tanong ni Amira.

"We need to escape this university"

"But how?" tanong ni Maika.

Nilabas ni Darra ang kanyang cellphone.

Oo nga pala may cellphone kami. Nilabas ko rin ang akin ngunit nadismaya nang makitang walang signal.

"Walang signal" ani ko.

"Hindi tayo makatawag sa labas para humingi ng tulong." nanghihinang sabi ni Allen.

Nilibot ko ang aking tingin at saka ko lamang na-realize na nasa art room kami.

"Wala tayong choice kundi ang lumaban at pumatay ng mga patay" malamig na sabi ni Darra bago kinuha ang kahoy na nasa isang tabi.

"What?! I can't do that!" maarteng reklamo ni Maika.

"Kung gusto mong mabuhay lumaban ka at 'wag kang dumipende sa mga kasama mo, kung gusto mo namang mamatay edi lumabas ka na at magpalapa sa mga zombies, hindi ka namin pipigilan. It's your choice, it's either survive or die" nakakakilabot ang tono ng boses ni Darra nang sabihin niya iyon bago naglakad para sumilip sa hallway.

A

THE SURVIVAL OF HELENA UNIVERSITY (On-Going)Where stories live. Discover now