CHAPTER 2: THE BEGINNING

37 4 0
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

“Good morning world!” masayang sigaw ni Aira pagkabukas n’ya ng bintana ng kanyang k’warto.

Umaga ng Lunes kaya naman maaga s’yang nagising para maghanda sa pagpasok sa university.

She’s a grade 11 student.

“Good morning, Dad!” Bungad n’ya nang makita n’ya ang kanyang daddy sa hapag kainan.

Naglaho ang kanyang ngiti nang makita na wala ang kanyang mommy.

“Where’s mom?” tanong n’ya sa kanyang daddy kahit na may ideya naman na s’ya kung nasaan ang kanyang hinahanap.

“Umalis na kanina pa, nauna na rin s’yang nag breakfast dahil marami pa raw s’yang aasikasuhin sa university” sagot naman ng kanyang daddy.

Lagi nalang ganoon ang set up nila ng kanyang mga magulang. Hindi n’ya nakakasabay sa pagkain ang kanyang ina at tanging ang kanyang daddy lang ang lagi n’yang kaharap. Hindi naman sa ayaw n’yang kasabay ang kanyang ama, s’yempre natutuwa s’ya dahil lagi silang magkasabay kumain ngunit ang nais n’ya ay kahit sa hapag manlang ay makasama n’ya ang kanyang mommy at daddy, gusto n’ya na kahit sa pagkain manlang ay magkakasama sila ngunit laging hindi pumapabor sa kanya ang kanyang kagustuhan dahil laging busy ang kanyang mommy at halos hindi na nga n’ya ito makausap at makita.

Nawalan na s’ya ng gana na kumain ngunit pinilit pa rin n’yang mag-almusal dahil ayaw n’yang iwanan mag-isa ang kanyang ama.

Pagkatapos nilang mag-almusal ay nagpaalam na s’ya sa kanyang ama na naghahanda na ring umalis para pumasok sa opisina.

Sa kabilang banda naman ay ang naglalaway pang natutulog na si Allen, ang pinakamalapit na kaibigan ni Aira.

Naalimpungatan ito nang tumunog ang alarm clock sa kanyang bedside table na agad naman n’yang pinatay ngunit pagkalipas ng ilang sandali ay napabalikwas s’ya ng bangon nang maalala na may pasok pala ngayong araw.

Tamad na tamad s’yang naligo at nagbihis. Pati sa pagpasok ay tamad rin s’yang naglakad papasok sa gate ng unibersidad.

Buhay na buhay ang buong Helena University dahil sa mga estudyante na nagkukwentuhan habang naglalakad, naghahabulan, mga naglilinis ng classroom at marami pang iba na tipikal na ginagawa ng isang estudyante pagpasok palang.

Tawanan at asaran ang naabutan ni Allen nang makapasok s’ya sa kanilang classroom.

“Uy, Allen, pare!” salubong sa kanya ni Roy na s’yang pinakamaangas at bully sa kanilang klase.

“Good morning! Good morning! Good morning!” Lahat sila ay napatingin kay Crystelle, ang pinakamaingay sa kanilang klase na negosyante rin dahil kung ano-anong klaseng pampaganda ang mga binibenta nito. “Excuse me, that’s my chair” maarte nitong sabi sa grupo nila Roy na nakap’westo sa kanyang upuan.

“Here’s your chair, your majesty” talagang inilahad pa ng isa sa kaklase nilang lalaki ang upuan.

Umirap lamang si Crystelle at naupo na. Mga kupal talaga. Sa isip-isip ni Crystelle.

“Narinig n’yo na ba yung balita na tatlong araw na raw may nawawalang mga renters sa Vicente apartment?” Bulungan naman ng grupo nila Aira sa isang tabi.

“Oo, at ang sabi-sabi ay may kinalaman daw yung landlord doon!” segunda naman ng isa pa nilang kaklase na babae.

“Scary!”

Samantala si Darra naman na class president ay tahimik lang na nakikinig sa pinag-uusapan ng mga babaeng nasa gilid lang n’ya at nagmamasid na rin sa iba pa n’yang mga kaklase na nagkakatuwaan dahil wala pa ang kanilang guro.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang kanilang adviser na fist period din nila at nagsimula na itong magturo nang makaupo na sila sa kani-kanilang mga upuan.

Habang nagtuturo ang kanilang guro ay mahimbing namang natutulog si Roy sa likod na napansin ng kanilang guro at ginising ito ngunit tulog mantika ang mokong kaya naman hinayaan nalang ni Ms. Garcia.

Nang tumunog na ang bell ay hudyat na itong tapos na ang klase at break time na nila kaya naman ng makalabas na si Ms. Garcia sa kanilang classroom ay agad namang nagmamadaling lumabas ang mga lalaki para mauna sa cafeteria at makakain.

Habang ang ibang estudyante naman ay nagkalat sa field ng campus, isa na roon si Aira na mag-isang naglalakad sa malawak na field ng Helena University.

Ang payapa at masasayang tawanan na maririnig mula sa mga magkakaibigang nagkukwentuhan ay nagambala ng malakas na tunog ng siren at kasabay no’n ay ang sunod-sunod na nagtatakbuhan at naghihiyawang mga estudyante, hindi dahil sa tuwa kundi dahil sa takot habang hinahabol sila ng mga kapwa rin studyante na tila mga naulol dahil inaatake nila ang sinumang makita nila at kinakagat sa leeg.

What’s going on? tanong ni Aira sa kanyang sarili.

Sa loob naman ng building ay sunod-sunod na pumasok sa kanilang classroom sila Maika, Darra, at Amira. Agad na nilock ng tatlo ang dalawang pintuan at ang mga sliding window.

Hingal na hingal sila mula sa pagtakbo.

“Ano bang nagyayari sa mga ‘yon? Dinaig pa nila ang mga asong ulol kung umatake!” hingal na sabi ni Maika.

Sasagot na sana si Darra nang biglang kumalabog ang kabilang bintana nila na kita ang buong Helena University.

Ang mga kaklase nilang lalaki iyon.

“Buksan n’yo dali!” sigaw ni Roy mula sa labas ng bintana habang kinakalampag ito.

“‘Wag!” pigil ni Maika kay Darra na akmang bubuksan ang bintana ngunit hindi ito sinunod ni Darra. binuksan n’ya ang bintana at magkasunod na pumasok doon si Roy at Franz.

“Tangina ano bang nakain ng mga yun at bigla nalang nag awol!” Malutong na mura ni Roy.

Walang ni isang nagsalita kanila at ang biglaang pagbukas ng isang pintuan ang bumasag sa kanilang katahimikan.

Akala ko na-i-locked ko ‘yun?! Takang tanong ni Amira sa kanyang sarili.

Baka hindi ko napindot nang maayos yung lock.

A

THE SURVIVAL OF HELENA UNIVERSITY (On-Going)Where stories live. Discover now