CHAPTER 14: DEATH

8 1 1
                                    


DEATH

THIRD PERSON POINT OF VIEW.

"Sigurado ba kayong gagana ang plano natin?" nag-aalalang tanong ni Shine sa kan'yang mga kasamang lalaki.

"I'm not one hundred percent sure but we have to try" Sagot naman ni Franz.

"You're shivering" pansin ni Lance kay Shine na hindi napigilan ang panginginig.

"I'm fine. Nag-aalala lang ako sa gagawin natin. Paano kung mabigo tayo?"

"Calm down, hindi tayo mabibigo" pagpapakalma sa kanya ni Lance.

"Hindi tayo sigurado, Lance. Hindi natin alam kung ano ang mga p'wedeng mangyari sa atin" mas nag-aalalang sabi ni Shine.

Lahat sila ay nakahanda na para sa pag-alis sa building na kinaroroonan nila. Papalubog na rin ang araw at magandang pagkatataon ito para simulan nila ang kanilang plano dahil habang padilim nang padilim ay kaya nilang makapagtago at makabalik sa iba pa nilang mga kasama nang hindi nararamdaman ng mga infected.

"Hold my hand" nilahad ni Lance ang kanyang kamay kay Shine . Unti-unti naman itong inabot ng huli.

"Let's go" Franz commanded.

Sa hallway ng second floor ng business ad ay hindi na kagaya kanina ang dami ng mga infected na naroon kaya naman madali silang nakababa sa ground floor at nagsimulang isagawa ang kanilang pangalawang plano.

Habang sa library naman ay nanghihinang nakasalampak sa sahig ang grupo ni Darra dahil sa gutom at uhaw.

Sa hindi kalayuan ay nakarinig sila ng isang matinis na sigaw.

"Hindi ba't boses ni Amira 'yun?" si Aira.

"Stay here, ako na ang titingin," ani Darra ngunit agad s'yang pinigilan ni Leigh.

"No. Walang lalabas sa atin..."

"Pero-"

"Wala nang pero-pero. Mas mabuti na ang nag-iingat hangga't hindi pa tayo kumpleto" turan ni Leigh. "Magpahinga na kayo, ako nalang muna ang magbabatay"

"I'll join you" segunda naman ni Darra.

"Huwag na, gigisingin nalang kita kung inaantok na ako para ikaw naman ang magbantay" Leigh smiled at Darra.

Walang nagawa si Darra kundi ang tumango at tumabi nalang sa mga kasama nila para magpahinga at bumawi ng lakas, habang si Leigh naman ay naglakad palapit sa pintuan ng library at sinilip ang kaganapan sa lubas.

Dahil sa gulat sa biglaang pagsulpot ni Amira na duguan ang mukha at nakakakilabot na naka ngisi ay muntikan na s'yang mapatili at matumba sa kanyang kinatatayuan.

"Magbabayad kayong lahat sa pagtataksil n'yo sa akin" mariing sabi ni Amira mula sa labas ng library at pagkatapos ay mabilis na nakaalis doon.

Hindi palang nakakabawi sa pagkakagulat ay may isang infected ang biglaan nanamang sumulpot at nais s'ya atakehin mula sa labas ng library.

Ikiniling ni Leigh ang kanyang ulo at naglakad palapit sa isang upuan at doon naupo habang malalim ang mga iniisip.

Mom, dad, wherever you are right now I hope you two are safe. Kasama ko na po si Aira at ipinapangako kong aalagan at poprotektahan ko s'ya kahit na buhay ko pa ang maging kapalit.

Turan ni Leigh sa kanyang isip habang nakatitig sa kanyang nakababatang kapatid na mahimbing na ang tulog.

Habang palalim nang palalim ang gabi ay mas lalong hindi makatulog si Leigh dahil sa pangamba at pag-aalala sa iba pa nilang mga kasama.

Ang grupo ni Shine habol ang hininga na nakakubli sa likod ng makapal na halaman. Nahirapan silang makapunta ng library dahil sa dami ng mga infected na nagkalat sa field at nakakapagtaka dahil sa gabi ay mahina ang senses ng mga infected ngunit tila yata nagbago iyon dahil madali silang naramdaman ng mga ito na ikinagulat nila.

"What happened? Bakit ang lakas nila makiramdam? Mas agresibo na rin sila" hinihingal na sabi ni Nathan.

"'Yun din ang pinagtataka ko, bakit bigla silang nagbago" naguguluhang sabi ni Franz.

"What are we going to do now?" tanong ni Shine.

"Makipaglaban para mabuhay" ani naman ni Allen.

"What?" kunot noong sabi ni Shine.

"They're here!" anunsyo ni Allen at lahat sila ay agad na naghanda para makipaglaban.

"This way!" sigaw ni Gab at itinuro ang pakaliwa na papunta sa likod ng isang building.

Lahat sila ay sinundan si gab, maliban kay Franz na nahiwalay at nahirapang makasunod.

"Franz!" sigaw ni Roy nang makitang hirap at litong-litong si Franz kung saan s'ya tatakbo para matakasan ang mga infected.

"Sige na, umalis na kayo!" sigaw ni Franz.

Tatakbo na sana palapit si Roy nang biglang inatake ng isang infected si Franz at hindi iyon napansin ng huli.

"Umalis na kayo!" iyon ang huling isinigaw ni Franz bago s'ya malunod sa dami ng mga infected.

"Roy, let's go!" sigaw naman ni Zac dahil may panibagong alon nanaman ng mga infected ang parating.

Hindi gumalaw si Roy kaya naman hinila na s'ya ni Gab at Zac.

Tinakbo nila ang likod ng isang building at mabuti na lamang ay walang mga infected doon.

Inis na ginulo ni Nathan ang kan'yang buhok habang si Shine naman ay pilit na pinipigilan an gang ingay ng kanyang pag-iyak, ang iba ay tulala dahil sa nangyari.

"Balak mo rin bang mamatay?!" galit na sabi ni Zac.

"Kung binalikan natin si Franz at hindi tayo tumakbo agad ay nakaligtas sana s'ya!"

"Tangina, Roy, nag-iisip ka pa ba?! Kung binalikan natin s'ya ay sama-sama tayong namatay!" si Gab iyon.

"We can save him, kung hindi n'yo lang pinairal ang takot n'yo!" balik na sigaw ni Roy.

"P'wede bang magsitigil na kayo?!" lahat sila ay natahimik dahil sa sigaw ni Shine. "Kung magsisisihan pa tayo ay walang mangyayari sa atin. Tandaan n'yo buhay ang pinaglalaban natin"

"Pero hindi natin magawang protektahan ang isa't-isa.... Ano papanoorin nalang natin na naunti-unti tayong malagas? Tangina, hindi tayo naglalaro rito ng matira matibay para sarili lang ang isalba" turan ni Roy.

Walang umimik sa kanila.

After a few minutes of silence, Lance laugh without humor. "Alam n'yo, hindi na ito tulungan, eh. Oo magkakasama tayong lumalaban pero hindi na natin kayang protektahan ang isa't-isa hindi na gaya noon dahil sariling survival nalang ang nananaig. Roy's right, hindi tayo naglalaro rito ng matira matibay pero iyon ang nakikita kong nangyayari"

"Hindi p'wedeng ganito tayo.... Isa-isa tayong mamamatay kung patuloy tayong ganito kagulo. Team tayo rito, 'di ba? Simula ngayon ay hindi natin hahayaang isa nanaman ang mawala sa atin... Magtulungan tayo, let's protect each other and let's survive together. Kaya naman natin 'yun hindi ba? We're not fighting for nothing, we're fighting to survive" Theo said. "Brace yourselves, sama-sama tayong makakalabas dito." 


A

THE SURVIVAL OF HELENA UNIVERSITY (On-Going)Where stories live. Discover now