CHAPTER 5: LOCKDOWN

34 4 0
                                    

DARRA

Ang ingay sa labas ang nagpagising sa amin kinaumagahan.

Announcement ito na mula sa gobyerno.

Lahat kami ay napabangon at pinakinggang maigi ang announcement.

“Attention all citizens,

This is an emergency announcement. Due to a recent outbreak of a highly contagious virus, we are enacting a city-wide lockdown until further notice.

This virus is unlike anything we have seen before. It spreads through bodily fluids and has a one hundred percent mortality rate. We have reason to believe that this virus is caused by a new strain of the rabies virus, but we are still investigating.

In order to contain the virus and prevent further spread, we are asking all citizens to remain indoors. Do not leave your homes unless it is absolutely necessary. This virus does not spread through the air but it spreads through the bite of an infected person to an uninfected person.

We understand that this is a difficult and scary time for everyone. But we must work together to contain this virus and prevent further spread. We will provide updates as soon as we have more information.

Please stay safe and stay indoors.

Thank you.”

Pagkatapos ng announcement ay may narinig kaming countdown.

“10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1” isang nakakabinging ingay ang bumalot sa aming mga tenga pagkatapos ng countdown.

“The border between Solaris and Nova City is closed” iyon ang sumunod na narinig namin pagkatapos ng nakakabinging tunog.

Solaris ang aming lugar habang ang Nova City naman ay ang pinakasentro o ang pinakamalaking city dito sa bansa. Ito ang puso ng bansa kung tawagin.

“Hindi na tayo makakalabas ng Solaris” mariing pumikit si Roy.

“But we can get out of this university,” senserong sabi ni Franz. “Let's focus for now on how we can get out here. Then, saka na natin isipin ang pag-alis sa Solaris once we get out of this university”

“Agree,” tatango-tango pa si Craig, ang kasama ng ate ni Aira na nakilala namin kagabi.

“Hindi tayo p’wedeng dumaan sa gate ng university dahil paniguradong bago pa tayo makalabas ay nalapa at patay na tayo at mahihirapan din tayong makapunta roon dahil masyadong malayo” tahimik kaming nakiking kay Franz.

“Then, what’s the plan?” tanong ko.

“Sa likod tayo dadaan” sagot n’ya sa akin.

“Hindi ba ay parehas lang din ang magiging sitwasyon natin kahit sa likod tayo dadaan?” singit ni Lance, isa rin sa mga seniors namin.

“You're right… pero mas madali ang sa likod kaysa sa harap, kung sa likod ay mas malaki ang t'yansa nating maka-survive dahil mas kaunti ang mga infected na madadaanan natin kumpara sa harap” sagot naman ni Franz.

“I don’t think it’s a good idea na sagupain natin those zombies. Why can’t we just wait for the rescue? For sure may mga maglilibot na mga helicopters para maghanap ng mga survivors” singit ni Maika at hindi ko na napigilang magsalita nang marinig ang maarte n’yang boses.

“Wait? Are you out of your mind? Kung tutunganga at maghihintay lang tayo rito ng rescue ay paniguradong mamamatay tayo, hindi dahil sa mga zombies kundi dahil sa gutom. We don’t have enough stock of foods and drinks. And we can’t just rely on the government at sa rescue na sinasabi mo. This is survival. Utak ang pinapagana hindi puro bibig.” inis kong sabi.

“I’m just suggesting para sa ikabubuti nating lahat” dipensa naman n’ya.

“Mas better kung ‘wag ka nalang magsalita dahil ikakamatay lang natin ang suggestion mo” inirapan ko s’ya at tumalikod.

She’s irritating the hell out of me.

“You bitch!” rinig kong sigaw n’ya at napaatras ako dahil sa paghila n’ya sa aking buhok.

“Get off of my hair!” angil ko at hinila rin ang kanyang buhok.

"Hindi porque ikaw ang class president ay hindi na kita papatulan!" aniya habang mahigpit na hawak ang buhok ko.

"Are you joking? Ni hindi mo nga ako kinilala bilang class president" nanggagalaiti kong sabi.

Naramdaman ko ang pag-awat nila sa amin ngunit masyadong mahigpit ang hawak ni Maika sa buhok ko kaya naman hindi nila ito mailayo.

“Tama na ‘yan!” awat nila ngunit ayaw talagang pakawalan ng bruha ang buhok ko.

“Titigil kayo or hihilain ko kayo palabas dito para maging almusal ng mga zombies sa labas?” mahinahon ngunit maawtoridad na sabi ni ate Leigh, ang ate ni Aira.

Dahil sa sinabi n’yang 'yon ay natahimik ang lahat at pinakawalan ni Maika ang buhok ko.

“Nasa bingit na nga tayo ng kamatayan, nagawa n’yo pang magsabong” sermon ni ate Shine, ang isa pa sa mga senior na kasama namin.

“Kung laging init ng ulo ang papairalin n’yo ay walang mangyayaring maayos sa atin. Isantabi n’yo muna ang mga galit n’yo sa isa’t-isa dahil ‘yan ang magiging sagabal sa atin para makaligtas. We are one in this battle. Magkakakampi tayo rito at hindi magkakalaban, so please cooperate and be considerate” tahimik kaming lahat habang nagsasalita si ate Leigh. “Ngayon kung tapos na kayo sa mga issues n’yo makinig kayong mabuti at magpaplano na tayo ng mga dapat nating gawin para makaalis dito.”

A

THE SURVIVAL OF HELENA UNIVERSITY (On-Going)Where stories live. Discover now