CHAPTER 13: REVELATION

10 1 1
                                    


THIRD PERSON OF VIEW.

Sa business ad building ay walang ibang maririnig kundi ang mga ungol lamang ng mga infected. Sa isang silid ay pare-parehong tahimik at pagod na nakaupo sila Franz, Roy, Lance, Craig, Theo, Gab, Nathan, Zac, Allen, at Shine.

Walang gustong magsalita pagkatapos ng mga nangyari kanina.

Muntikan nang makagat ng infected si Shine nang subukan n'yang sumunod kila Darra dahil hindi alam ng mga babaeng nagtungo sa cafeteria na nilabas ni Amira ang signal sign na safe at maayos doon. Mabuti na lamang at nasa likod lang n'ya sina Craig at Franz kaya naman agad nila itong naprotektahan, ngunit muntikan na silang mabulilyaso dahil sa nangyari na hindi nila inasahan.

Habang tinatahak ang tahimik na hallway sa second floor ng business ad building ay namataan ni Craig sina Leigh na mabalis ang takbo patungo sa library dahil hindi lang sampu o bente ang mga infected na humahabaol sa kanila kundi isang batalyon.

Si Shine ang bumasag sa katahimikan. "I'm sorry for being careless," mahina at puno ng sensiridad na hingi n'ya ng tawad.

"It's not your fault," Lance said. "Isa sa mga nagpunta sa cafeteria ang nagtaas ng signal sign kaya naman inakala ni Shine na p'wede na tayong sumunod doon."

"What the hell?" si Craig iyon. "Noong nasa hallway tayo ay nakita ko sila Leigh na tumatakbo papunta sa library dahil puno ng mga infected ang cafeteria.... Kaya bakit sila magtataas ng sign kung alam nilang dead end doon?"

"Maybe they planned it to betray us," Gab said.

"The fuck, bro!" nanggagalaiting sabi ni Zac.

"No. They didn't planned to betray us. Isa lang sa kanila ang may planong ganoon. Darra will never think of betraying us, so I have a strong feeling that one us is a traitor," Franz said.

"It's Amira..." ani naman ni Shine. "S'ya ang nakita kong may hawak sa signal sign kanina at s'ya rin ang nagtaas."

"She's really a traitor, huh?" hindi makapaniwalang saad ni Nathan.

"Kailangan natin silang mapuntahan sa lalong madaling panahon, baka kung anong mangyari sa mga kasama n'ya ngayon," galit na sabi ni Theo.

"Hindi tayo p'wedeng kumilos ng basta-basta lang. Masyadong malayo ang library dito at kung susugod tayo agad doon ay p'wede tayong mamatay sa dami ng mga infected. We need a concrete plan. Magtiwala tayo kila Leigh, for sure they can protect their selves against Amira," Shine said.

"Shine's right, let's trust them and let's build a good and effective plan to get out of here," Roy said.


On the other hand, while Darra's team is silently resting in the library, Amira broke the silence.

"Are we really safe here?"

"Oo, kung hindi mo kami hihilain palabas at ipapalapa sa mga infected," mataray na sabi ni Crystelle.

Agad naman s'yang hinawakan ni Darra para patigilin.

"Hindi ko sinasadyang itulak si Sofia. Ako ang makakagat kung hindi ko 'yun ginawa."

"You a piece of shit! How dare you! Napaka selfish mo! Sarili mo lang ang iniiisip mo! Ikaw ang dapat na nakagat, ikaw ang dapat mamatay!" sukdulan ang galit ni Crystelle.

"Go on! Kill me! As if naman kaya mo... Hindi mo kayang pumatay, Crystelle, dahil mahina ka, takot ka! Actually, hindi ako nagsisisi sa ginawa ko, dahil kung mauulit-ulit 'yun ay ganon pa rin ang gagawin ko!" lahat ng mga naroon ay nagulat sa siniwalat ni Amira at hindi makapaniwala.

"What did you say?" hindi makapaniwalang tanong ni Darra na naluluha na ang mga mata.

"You're a devil, Amira!" si Maika iyon.

Crystelle wiped her tears and look at Amira darkly. "You're wrong. I can kill you and I'm not afraid. I won't let you kill any of us anymore" akmang susugod na si Crystelle nang pigilan s'ya ni Leigh at Aira.

"Let me go! Papatayin ko ang hayop na 'yan!" pagwawala ni Crystelle habang nanlilisik ang kanyang mga mata at mariin ang hawak sa isang maliit na kutsilyo na pilit inaagaw ni Maika.

Lahat sila ay natigil nang biglang tumawa ng nakakikilabot si Amira at tila ba nasapian ito.

Lahat sila ay gulat sa nakikita dahil hindi ito ang Amira na kilala nila. Hindi ito ang Amira na laging tahimik at mabait.

"Ang saya-saya n'yong paglaruan, mga uto-uto!" sigaw pa nito.

"What happened to you, Amira?!" Si Darra iyon.

"Oh my dear class president... look at you, you can't believe what you are seeing right now" Amira laughed evilly. "Isa ka ring uto-uto! Lahat kayo mga uto-uto! Tingnan mo nga naman, napaniwala ko kayong lahat sa galing kong umarte"

"Shut up!" malakas na sigaw ni Darra. "You think you deceived me?" pagak na natawa si Darra. "You're mistaken, Amira" she smirked.

"What are you saying, Darra?" Tanong ni Aira.

"She's not the real Amira"

"What?!" gulantang na bulalas ni Maika.

Muli nanamang tumawa na mala-demonyo si Amira. "I'm the real Amira, Darra"

"No you're not!" sigaw muli ni Darra.

"Yes I am! Si Amara ang namatay sa aksidente!" Amira smired evilly again. "What a surprise, right?"

"What the.... Anong aksidente? Who's Amara?" mas naguguluhan na ngayong tanong ni Maika.

"Sabihin ko na ba sa kanila ang buong katotohanan at nang malaman na nila ang mga tinatago mong baho, Darra?"

Hindi kumibo si Darra.

"Itong Darra na nasa harapan n'yo ay hindi yan ang totoong Darra dahil mamamatay tao ang Darra na nakatago sa katauhang 'yan!"

"It was an accident, Amira!"

"Tama na!" sigaw ni Leigh. "From now on, you can go on your own, Amira. You killed Sofia, at kanina ay muntikan mo na ring mapatay sila Shine. Tinaas mo ang signal sign kahit punong-puno ng mga infected ang cafeteria!"

"You did... what?" si Aira.

"Hindi ko na hahayaang isa nanaman ang mamatay nang dahil sa kasakiman mo" dagdag ni Leigh.

"Fine. Gusto n'yong umalis ako sa grupo n'yo? Sige! Pero 'wag kayong papakampante na lahat kayo ay makakalabas ng buhay" banta ni Amira bago tuluyang umalis sa library. 



A

THE SURVIVAL OF HELENA UNIVERSITY (On-Going)Where stories live. Discover now