CHAPTER 1: ROOFTOP

45 5 0
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW

Pagkatapos ng mga katagang binitawan ni Darra ay wala nang nagtangka pang magsalita sa kanila maging ang mga lalaki ay natahimik.

Ngunit hindi rin tumagal ang katahmikan dahil walang mangyayari kung tatahimik at tutunganga lamang sila, kaya naman pagkalipas ng ilang minuto ay tumayo si Roy at tinwag ang iba pang lalaki para tulungan s’ya sa pagkuha ng mga stand ng painting at paghiwa-hiwalayin ito upang magsilbi nilang armas at binigyan ng tig-iisa ang mga kasama nilang babae.

“We didn't know na mangyayari ito, alam kong lahat kayo ay nawiwindang at hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari, kahit ako pero wala tayong magagawa dahil nangyari na at ang tanging magagawa lang natin ay ang lumaban para maka-survive, makalabas dito sa university at humingi ng tulong sa mga officials. We don't know what's happening outside but, I'm sure it's not good. So brace yourself, be brave and fight for your lives. Kill to survive.” turan ni Franz habang tinitingnan isa-isa ang kanyang mga kaklase na kababakasan ng takot.

“Takot tayong lahat dito at hindi natin alam ang mga susunod pang mangyayari dahil nagsisimula palang ang delubyo, gaya ng sabi ni pres, ‘wag tayong dumipende sa mga kasama natin dahil lahat tayo rito ay lalaban at magtutulungan para makaligtas. Maika, I know you're afraid but you have to fight for your life.” sunod naman ni Allen.

“If you're done with your speeches, can we go now?” malamig na tanong ni Darra. “Wala ng mga zombies sa hallway kaya magandang pagkakataon ‘to para umusad kaysa mag moment pa kayo r'yan.”

Maldita. sa isip-isip ni Franz.

Nakahanap din sila kanina ng mga tape at karton na s'yang ginamit nila upang pambalot sa kanilang mga braso bilang proteksyon.

Marahang binuksan ni Roy ang pintuan at walang ingay silang sunod-sunod na lumabas at tinahak ang hallway patungong hagdan.

Pababa na sila nang biglang sumulpot ang sandamakmak na zombies kaya naman wala silang nagawa kundi takbuhin ang hagdan paakyat, dahil kung babalik pa sila sa art room ay paniguradong malalapa na sila dahil may mga paparating din na mula roon.

Hampas dito, hampas doon, tulak dito tulak doon. At mga sunod-sunod pang sipa at suntok ang kanilang pinakawalan habang paakwat sa hagdan dahil sa mga humaharang sa kanilang mga zombies.

“Sa rooftop!” sigaw ni Roy kaya naman dali-daling tumakbo paakyat ang mga babae patungo sa pintuan ng rooftop at pilit itong binuksan ngunit may passcode ito kaya naman kahit anong pindot at sipa nila dito ay hindi ito magbukas.

“Damn it!” iritableng sinipa ni Aira ang pintong ayaw mabuksan.

Ilang saglit lang ay sumunod na ang mga kasama nilang lalaki na hingal na hingal at mukhang kinakapos na ng hangin.

“Bakit hindi n'yo pa buksan?!” inis na tanong ni Roy.

“Paano namin mabubuksan kung may passcode at hindi namin alam kung ano?!” inis ding balik ni Maika.

“Tumabi kayo” si Franz.

Pinindot nito ang mga numero at bumukas ang pintuan. “Dalian n'yo, nand'yan nanaman ang mga halimaw!”

Saktong pagsarado ng pinto ay s'ya ring pagdating ng mga zombies na kinakalampag ang pintuang sarado.

“How did you know the passcode?” tanong ni Darra kay Franz.

Maging ang kanilang mga kaklase ay nagtaka rin.

“Kasi minsan ko nang nakita ang janitor na umakyat dito at nakita ko yung passcode na pinindot nya” balewalang sagot ni Franz.

“This is hell…” lahat sila ay napatingin kay Aira na nakatanaw sa rooftop.

Magulo ang lagay sa baba, nagkalat ang mga infected at siguradong mahihirapan silang lumabas, lalo na't hindi nila alam ang kahinaan ng kanilang mga kalaban.

“Paano tayo makakalusot sa mga ‘yan?” tanong ni Maika.

“Hindi tayo makakalabas” Nawawalan na ng pag-asa si Amira.

“Let’s wait here. Baka may dumating na rescue, Hindi rin tayong p’wedeng bumalik sa loob dahil siguradong pagpipyestahan tayo ng mga tang-inang halimaw na ‘yun.” Ani Roy.

“Tulungan n’yo akong ipunin 'yung mga sirang upuan, gagawa tayo ng emergency signal” maawtoridad na sabi ni Darra.

Sinunod nga nila ang sinabi ng kanilang class president at nagtulong-tulong silang ipunin lahat ng mga na-stock na upuan at bumuo ng emergency signal na ‘SOS’.

Pagkatapos ay pabilog silang naupo at naghintay ng rescue. Kung mayroon nga.

Lumipas ang ilang oras na paghihintay ay walang dumating hanggang sa mag-agaw na ang liwanag at dilim sa kalangitan ay nawalan na sila ng pag-asa na may darating pang tutulong sa kanila.

Kumakalam na rin ang kanilang mga sikmura at nanunuyo na rin ang kanilang mga lalamunan dahil wala pa silang kain at wala rin silang dalang pwedeng makain at mainom.

“I’m so hungry and thirsty na” mahinang reklamo ni Maika.

“Kami rin naman, pero wala tayong magagawa kundi ang magtiis dahil wala naman tayong pwedeng kainin dito” Ani Aira na nanghihina na rin.

“Mukhang sa gutom at uhaw tayo mamamatay at hindi sa kagat ng mga zombie na ‘yun” saad pa ni Allen.

Natigil sila sa pag-uusap nang biglang tumayo si Franz at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng rooftop.

“What are you doing, moron?” si Maika iyon.

“They’re not here anymore” pabulong ngunit katamtaman lang para marinig nilang lahat.

Muling sinarado ni Franz ang pintuan at bumalik sa kanyang mga kasama na nakatayo na ngayon.

“Allen and Roy, come with me” aya n’ya sa dalawang lalaki.

“Saan kayo pupunta? Tanong ni AIra.

“Kukuha ng makakain at maiinom. Hindi p’wedeng sumabak tayo na walang laman ang mga sikmura dahil manghihina tayo at mahihilo.” sagot naman ni Franz.

“Darra, ikaw na ang bahala rito” habilin pa nito bago sila umalis.

A

THE SURVIVAL OF HELENA UNIVERSITY (On-Going)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora