CHAPTER 15: ANNIE

10 1 1
                                    

THIRD PERSON POINT OF VIEW.

"Nakapagpahinga ba kayo ng maayos?" tanong ni Leigh kila nang makita n'yang gising na sila.

"Nakabawi na ako ng lakas, ate" sagot naman ni Aira bago humikab.

"That's good to know" ngumiti si Leigh sa kapatid.

"How about you?" tanong ni Darra. "Hindi ka pa natutulog mula kagabi, ate Leigh"

"Ayos lang ako, nakapagpahinga naman ako habang tulog kayo dahil wala namang mga infected na sumubok pumasok dito"

"Nakapag pahinga nga tayo pero wala naamang laman ang mga sikmura natin" singit ni Maika.

"Malawak itong library, try nating maghanap baka sakaling may mahanap tayong p'wedeng makain" suhestyon ni Darra.

Wala nang Sali-salita ay sinunod nila ang sinabi ni Darra. Naghiwa-hiwlaay sila at kanya-kanyang halungkat sa bawat sulok, shielve, mga na naiwan at mga lamesa kung may mga p'wedeng makain doon.

Samantala, sila Shine naman ay sa likod na ng building nagpalipas ng gabi at kinaumagahan ay balik na sila muli sa kanilang goal na makabalik sa kanilang mga kasama.

Bigo sila sa kanilang naunang plano dahil sa hindi nila maipaliwanag na pagbabago sa mga infected kaya naman kailangan nilang bumuo muli ng panibagong plano na mas konreto at maayos.

"Hindi tayo p'wedeng kumilos na may galit pa rin kayo sa isa't-isa. Kaya isantabi n'yo muna 'yan, lalo na ang sisihan dahil walang may gusto sa nangyari kay Franz," panimula ni Lance.

Magsasalita sana si Craig nang may marinig silang yabag sa hindi kalayuan kaya naman sinenyasan nalang n'ya ang mga kasama na tumahimik at maghanda sa posibleng infected na paparating.

Pinangunahan ni Lance ang marahang paglakad palapit sa pinakadulo ng pader ng building kung saan nagmula ang tunog ng yabag.

Nakahanda na ang kanyang samurai, magising sina Shine ay nakahanda na rin ang mga palaso para sa pag-atake.

Pagbilang ng tatlong segundo umatake na si Lance ngunit nagulat s'ya nang hindi infected ang kaniyang nasa harapan. Isa itong babae na studyante rin sa university at pawisan at nababalot ng dugo ang buong tawan habang takot na nakatingin sa samurai ni Lance na konting-konti nalang ay tatarak na sa kanyang leeg.

"Sino ka?" Tanong Lance, hindi pa rin binaba ang armas na hawak at nanatiling nakatutok pa rin ito sa leeg ng babae.

"H-Hindi ako...infected" turan ng babae at marahang tinaas ang kanyang dalawang kamay tila sumusuko.

"Sino ka?" ulit na tanong Lance.

"I'm Annie" sagot ng babae.

"Mag-isa ka lang ba?" tanong ni Shine mula sa likod ni Lance.

Tumango naman ang babae.

"Lance, put down your samurai. She's not infected" utos ni Shine kay Lance na nakaangat pa rin ang samurai.

"Hindi tayo sigurado, Shine. Paano kung nakagat s'ya" ani naman ni Lance.

"She's not. Nakakausap natin s'ya at hindi n'ya tayo inatake, so she's fine. Put that down, now" Shine said.

Walang nagawa si Lance kundi sundin si Shine.

"May mga kasama ba? Nahiwalay ka ba?" concern na tanong ni Shine.

"Infected na....sila. A-Ako lang ang nakaligtas" uutal na sabi ni Annie.

Siniko ni Nathan si Roy. "Hindi ba talaga 'yan infected?" mahina n'yang bulong, tama lang para sa kanilang tatlo ni Theo na makarinig.

"Don't tell me binabalak mo pang pormahan sa gitna ng sitwasyon natin" tukso ni Theo.

"Gago, hindi. Naninigurado lang ako, baka mamaya, eh, nakakagat pala 'yan" balik naman ni Nathan kay Theo.

"Kung nakagat 'yan kanina pa tayo inatake" walang emosyon at ganang sabi ni Roy bago iniwan ang dalawang kaibigan at nilapitan sila Shine.

"Saka na kayo magkwentuhan... kailangan na nating umalis at makabalik sa kila Darra bago tayo tuluyang sabay-sabay na mamatay dito dahil nand'yan na ang mga pesteng infected" turan n'ya bago hinampas ang isang zombie na sumugod hanggang sa magsunod-sunod na.

"Takbo! Hindi natin sila kaya" Sigaw ni Zac.

Kumaripas sila nang takbo patungo sa library ngunit bago pa sila makarating doon ay sinalubong na sila ng panibagong alon nanaman ng mga infected.

"Fuck!"

"Dito!" aya ni Gab sa kanila papunta sa isang bakanteng k'warto.

Pare-pareho silang habol ang hininga nang makapasok sa k'warto na madilim at tanging mumunting sinag lamang ng araw ang nagbibigay ng kaunting liwanag dito.

"Ayos lang ba kayo?" Gab asked.

"Yeah" sagot ni Nathan na hingal na hingal.

"Napansin n'yo ba yun? Mas agresibo na sila kumpara sa dati" turan ni Allen.

"Pansin ko rin...... bakit habang tumatagal ay mas nag eevolve sila?" si Zack.

"Hindi na natin kakayanin kung makikipagsagupaan pa tayo. Paubos na ang arrows ko at nanghihina na rin tayo dahil sa gutom" ani Shine.

"We can't just stay here. We need to find a way to leave here, remember may babalikan tayo" si Roy na puno ng pag-asa ang boses ngunit alam n'yang deep inside ay pasuko na s'ya at hindi na alam ang gagawin.

"Pero paano?" tanong naman muli ni Shine.

"Hindi ko rin alam, wala na akong maisip na ibang paraan para makabalik tayo kila Darra. Pero iyon nalang ang pinanghahawakan ko, ang makasama sila ulit" sagot naman ni Roy.

"Pahupain muna natin ang mga infected sa labas saka natin subukang pumunta ulit sa library. Hindi natin sila p'wedeng harapin dahil mas agresibo na sila ngayon-" hindi palang natatapos sa sinasabi si Allen nang biglang bumagsak si Annie at nangisay.

"Annie!" nataranta si Shine.

Agad na naging alerto ang mga lalaki. Si Lance ay agad n aitinutok ang samurai kay Annie, nakahanda na sa pag-atake.

Tumigil ng ilang segundo ang pangingisay ni Annie. Nang muli s'yang gumalaw ay purong puti na lang ang makikita sa kanyang mga mata.

"Shit!" mura ni Nathan nang makita bumangon ito at nakahanda na para sumugod.

Tumakbo si Annie palapit sa kinaroronan nila ngunit bago pa s'ya makalapit ay sinalubong na s'ya ng talim ng samurai ni Lance.

Marahas na hinugot ni Lance ang samurai sa pag-aakalang patay na ang babae, ngunit lahat sila ay nasindak nang mulit nanaman itong gumalaw at mas naging agresibo.

Sabay na pinana ni Shine at Craig ang ulo nito. Natumba ang babae ngunit paglipas ng ilang segundo ay tumayo nanaman itong muli at nakahanda nanaman sa pag-atake, mas malakas at agresibo na ngayon.

"Bakit hindi pa rin mamatay-matay?" takot na sabi Theo.

"Pumikit kayo" si Lance iyon.

Sabay-sabay silang pumikit at hinayaan si Lance sa balak n'yang gawin.

Nang tumakbo palapit sa kanya ang babae ay hinawakan n'ya ng mahigpit ang samurai at agad na hiniwala ang leeg ng infected na babae. MalAkas na tumalamsik ang dugo nito sa mukha ni Lance at gumulong naman ang ulo ng babae sa hindi kalayuan.


A

THE SURVIVAL OF HELENA UNIVERSITY (On-Going)Where stories live. Discover now