Chapter 8

22 1 0
                                        

Chapter 8

"Kita ko yon." Bungad ni Chrizzna nung makapasok ako sa condo namin.

"Ano na naman?" Tanong ko kaya napangisi siya.

"Sige teh. Magkunwari ka pa na hindi ako sumilip kanina diyan sa labas at nakita ko kayong magkayakap nung KAIBIGAN mo." Umirap siya. At talagang diniinan pa yung "KAIBIGAN" ha.

"Boyfriend ko yun gaga." Kako naman at lumaki ang mata niya.

"WEH?! GAGO?!" Gulat na sabi niya kaya napairap ako.

"Ayaw mo maniwala? Di wag gaga." Kako naman at pupunta na sana sa kwarto ko nung magsalita na naman siya.

"Ano yang nasa leeg mo?" Taas kilay na tanong niya kaya napatingin din sa akin si Des at Callie.

"Kagat ng lamok." Kako naman kaya ngumiti siya pero peke.

"Angas mo naman. Nayayakap na pala yung lamok ngayon, six footer pa. Ang dami pa ngang kagat yan." Pambabara niya kaya napapikit ako ng mariin.

"Luh gago. Kagat nga ng lamok." Kako nama at tumawa si Des at Callie.

"Oo nalang sige pasok ka na sa kwarto mo." Natatawang sabi ni Des.

"Ah nga pala." Kako kaya tumaas ang kilay ni Chrizzna.

"Ano? Aamin ka na nakipag sex ka?" Tanong niya kaya binato ko siya nung unan na nasa couch.

"Oo na gaga. Nakipagsex na bwisit ka." Inis na sabi ko kaya napatawa sina Des at Callie.

"Upo ka nga muna." Sabi ni Des kaya napabuntong hininga ako at umupo sa tabi ni Chrizzna.

"Bakit? Paano? Saan?" Tanong ni Des kaya napataas yung kilay ko.

"Yung alin?" Tanong ko naman.

"Yung nagchukchakan kayo teh." Sagot ni Des.

"Bakit, kase lasing ako noon. Pero sariwang sariwa padin yung memorya ko. Gago, ang landi ko kagabi." Kako naman kaya tumawa sila.

"Gago sa part palang na ikaw ang unang nawalan ng virginity sa atin malandi ka na." Komento ni Chrizzna kaya tinignan ko siya ng masama.

"Patapusin mo muna kase." Sabi naman ni Callie kaya napairap siya.

"Paano, wag na tayong pumunta doon sa aming dalawa nalang yon. Tapos saan, sa condo niya oo." Kako naman kaya nalaglag ang panga nila.

"Pero paano mo siya naging boyfriend?" Tanong naman ni Callie.

Bakit ba ang dami dami nilang tanong? Mga chismoso ang mga ito ha?

"Diba nasabi ko na sainyo noon yung four requests?" Panimula ko at tumango naman sila.

"Tapos kanina lang sabi ko sakaniya na kalimutan nalang namin yung nangyari pero ayaw niya tapos nakapag confess pala ako sakaniya sa gabing iyon kaya ayon sabi niya pagtapos daw ng nangyari sa amin gusto daw niyang panagutan so ginamit niya yung isa sa mga four requests niya at sabing kami na daw." Sabi ko na parang wala lang at tumili naman sila.

"Green flag girl!" Sabi ni Chrizzna sabay hampas sa balikat ko.

"Approved!" Sabi naman ni Desiree.

Si Callie naman ngumi ngiti lang. Hindi siya ganoon ka vocal gaya netong dalawa na halos marinig na ata sa labas yung tili. Mas kinikilig pa nga sila kaysa sa akin eh.

"Eh ano nga yung sasabihin mo pala kanina?" Tanong ni Callie. Ay buti nalang pinaalala niya.

"Sasama ako kay Khrylo bukas." Pagpapaalam ko sakanila.

Only Once in a Lifetime (TRF #4) Where stories live. Discover now