Chapter 13

25 1 0
                                        

Chapter 13

"May nakalimutan ka po?" Jaze asked when he saw that I looked bothered.

"Uhm, wala naman." Kako, in fact kase gutom na ako shuta bells.

Ang late kong nagising kanina at nakalimutan ko ng kumain dahil sa pagmamadali. Ayoko namang sabihin sakaniya kase for sure papagalitan na naman ako and believe me if I say na mas strikto pa siya sa kalagayan ko kaysa sa nanay ko.

"Are you sure po? You look bothered." He said so I smiled at him giving him assurance.

"Ayos lang ako." Kako naman at napakibit balikat nalang siya at nagsimula ng mag drive.

Nasabi ko na kay Mama na uuwi ako pero hindi ko sinabi na may kasama akong uuwi. Just thinking of their reactions gives me chills already, lalo na kay Papa na ang strikto pagdating sa mga gustong umakyat ng ligaw sa akin. Kapag siguro nalaman niyang hindi nanligaw si Jaze panigurado sasabihin niya na mas mabuti nalang talaga na sa probinsya nalang ako para nabantayan niya lahat ng may gusto sa akin.

"Elle." Jaze called for my attention so I immediately looked at him.

"Bakit?" Tanong ko naman.

"Do you want to stop po at a drive thru?" Tanong niya at tumango naman ako. This is what I've been waiting for.

"Sige po." Kako naman. Nakuha ko na yung hobby niya na mag po pero sakaniya ko lang ginagamit.

"Chicken nuggets, chicken ala king, McFloat tas large fries." Sinabi ko sakaniya yung order ko at siya na ang bahalang nag order at nagadd pa ng mga kakainin niya.

"Elle, be honest with me po." Sabi niya nung makaalis na kami sa drive thru kaya tumaas naman ang kilay ko.

"Ano iyon?" Tanong ko naman.

"Did you eat breakfast po?" Tanong niya kaya napatigil ako sa pag inom nung McFloat ko.

"Hindi." Kako kaya napabuntong hininga siya.

"How many times will I have to tell you po that you need to eat your three meals? If you don't eat one, at any time you're going to be hungry. Think of the condition of your health, Elle." Panenermon niya kaya napakagat ako sa pangibabang labi ko. This is why I never want to tell him that I skip meals sometimes pero nalalaman niya din naman.

"I'm sorry pero nakalimutan ko kanina kase nagmamadali ako. Nalate ako ng gising eh." Pagpapaliwanag ko naman kaya napabuntong hininga siya.

"Even if, Elle. You could've told me, edi sana hindi ka nalipasan." He sighed.

"Hindi na mauulit, last na talaga ito." I said as he looked at me with no emotion in his eyes before turning his head on the road again.

"You've said that multiple times po already." Nadidismayang sabi niya kaya napanguso ako.

I held his other hand that was free and intertwined it with mine.

"Hindi na talaga mauulit. I'm sorry, hm?" I apologized and his emotionless eyes turned soft.

He kissed my hand and smiled at me lovingly.

"Please, don't do it again po." He pleaded as I smiled.

"Hindi na po." Kako kaya napangiti siya.

"Hindi ka ba pagod sa byahe?" Tanong ni Mama sa akin kaya napatawa ako.

"Baka mas napagod pa yung driver ko, Ma." Kako naman kaya napakunot yung noo niya.

Nauna na kase akong bumaba, si Jaze naman kinukuha pa yung nga gamit namin sa sasakyan niya.

"May kasama kang umuwi?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Si Seth ba?" Tanong ni Papa kaya umiling ako.

I saw Jaze approaching so I went towards him and pulled him inside our house.

"Si Hale po, boyfriend ko." Kako at halos lumuwa na ang mata ni Papa sa gulat.

"Magandang araw po." Magalang na bati niya at ngumiti naman si Mama.

"Magandang araw din sa iyo, hijo. Halika at pumasok ka." Sabi ni Mama at si Papa naman hindi pa din nakakaget over at mukhang gulat pa din.

"Oh, pagod ba kayo sa biyahe?" Tanong ni Mama at umiling naman si Jaze.

"Ano nga palang pangalan mo, hijo?" Tanong ni Papa sakaniya. Ayon na nga tayo, mukhang mai interrogate na ang boyfriend ko.

"Liam Hale Khrylo Jaze Zevilye po." Sabi niya kaya napatango tango si Papa.

"Tatay mo si Harold Zevilye?" Tanong ni Papa at tumango naman si Jaze.

"Opo." Sagot niya at napatango tango siya.

"Kaya naman pala mukha kang familiar." Sabi ni Papa kaya kumunot ang noo ko.

"Kilala mo ang tatay niya?" Tanong ko at tumango siya.

"Ay syempre. Magkaklase kami niyan noong high school kami sa La Union." Natatawang sabi ni Papa kaya napatango ako.

"Siya nga iyong bata na nagturo sa iyo ng Math noong apat na taong gulang ka palang eh. Matalik kaming magkaibigan noon, tsaka inaanak ko din iyan eh." Natatawang sabi ni Papa.

Kaya naman pala hindi sila nagalit noong nalaman yung apelyido ni Jaze. Inaanak naman pala kase.

"Inaanak mo? Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko kaya tumango naman si Papa.

"Oo, kaso nga lang hindi ko na siya nakita kase naman ang layo layo ng La Union dito, anak." Sabi niya kaya napatango tango ako.

"So, ayos lang na boyfriend ko siya? Pasado na siya?" Tanong ko at tumawa sila ni Mama.

"Naku ka, Aydi. Ilang taong gulang ka na, ayos lamang na magka boyfriend ka basta alam niyo ang limitasyon ng mga ginagawa niyo. At tsaka, mabait na bata iyang si Hale, pasadong pasado na siya." Nakangiting sabi ni Mama kaya napatingin ako kay Jaze na nakangiti din.

"Umuwi ka pala? Sana hindi na." Narinig ko yung boses ng kapatid ko kaya napairap ako.

"Alam mo talaga ikaw, Alvin, wala kang makukuhang pasalubong sa akin ngayon." Umirap ako kaya napalitan ang ekspresyon sa mukha niya.

"Si Ate naman hindi makatanggap ng biro. Namiss kita." Yumakap siya sa akin kaya napatawa ako. Kahinaan niya: pasalubong.

"Namiss din kita, bunso." Kinurot ko yung pisngi niya kaya napa-aray siya.

"Boyfriend mo?" Turo niya kay Jaze at tumango naman ako.

Umupo siya sa tapat namin ni Hale at ngumuso.

"Anong nakita mo sakaniya?" Tanong niya kaya napakunot ang noo ko. I was about to open my mouth to answer when Alvin stopped me.

"Te, hindi ikaw. Si Kuya tinatanong ko." Sabi niya kaya nalaglag ang panga ko at tumawa naman si Jaze.

"Well, she's everything I wanted in a woman." He smiled and Alvin nodded.

"Pero maldita, may anger issues pa." Sabi na naman niya at pinipigilan ko nalang sarili ko na batukan siya. Nakakainis.

"That's not an issue to me, and even if she's like that sometimes she's still kind." Sabi naman ni Jaze kaya umirap ako.

"Oh, siya nga pala. Anong magagawa ko para makabawi ako sa mga hindi ko pagbigay sa mga okasyon bilang ninong mo?" Tanong ni Papa kay Jaze at ngumiti naman siya.

"Anak niyo nalang po, bigay niyo nalang siya sa akin pang habang buhay."

Only Once in a Lifetime (TRF #4) Where stories live. Discover now