MEET AGAIN

15 10 1
                                    

inspired by:
MELTING ME SOFTLY
(K-DRAMA)

"KNIGHT POV"

Nang makaalis si Knight sa bahay ni Zelle, hindi siya nagdadalawang isip na puntahan ang bahay nila, kung saan nandoon ang ama at kapatid niya. Hindi siya nagpakita at tinignan lang niya kung anong kalagayan nito... Nang makatapak siya sa bahay nila agad siyang nagtago... at pinapanood niya lamang ang tahimik nilang bahay at ang mga kapatid niya.

"Hindi niyo parin mahanap ang kapatid niyo!? rinig niyang galit ng papa niya.

"Ehhh, paano naman kasi namin mahanap si Knight papa kung hindi namin siya makita sa lugar nato. Sagot naman ng kapatid niyang si Jack.

"baka naman naglayas na! dagdag Namang sabi ni Macky.

Lumapit ang papa nila at biglang sinuntok si Jack at natumba siya, duguan ang labi nito at nagalit ito agad...

"Hindi ko sinabing tumigil kayo sa paghahanap, pero bumalik kayo dito ng wala ang kapatid niyo! galit na sabi nito kay Jack.

"Papa, baka naman siguro uuwi nayun! dibah kuya? duguan naman siya ehh... kaya iisipin non na kailangan niyang magpagaling. tila wala nang maisip na ipaliwanag si Macky sa Papa niya kaya takot itong mapagalitan.

"Isa ka pa! galit na sabi ng ama niya at sinuntod naman nito agad si Macky. 'Wag na wag niyo akong galitin ng walang dahilan! dahil kung hindi hindi siya babalik, ako mismo ang maghahanap sa kanya at papatay! tinraydor niya na ako noon sa mama kaya ngayon, ako naman ang babawi...

"Papa!? talaga bang papatayin mo si kuya? kahit anak mo pa siya? tanong ni Macky na takot na takot.

"kahit pa sa inyong dalawa!

Agad ng umalis si Knight ng walang nakakakita, hindi man siya napansin pero nakaramdam parin siya ng takot. at tila galit ang naramdaman niya ng marinig niya ang sinabi ng ama niya. Hindi siya makapaniwala na gagawin ng ama niya ang lahat para lang makaganti sa lahat ng may kasalanan nito.

"papa! wala kang puso... mas masahol ka pa sa demonyo! hindi ka tao papa! isa kang halimaw... halimaw kung saan hindi mo kami tinuring na kadugo... kung nabilog mo ang utak ko nong bata pa ako! ngayon hindi na... dahil mali ang pumatay ng taong walang mabigat na kasalanan. Ngayon, hindi kita ituturing na ama! pagkat kinasusuklaman kita bilang Ama! bakit naging ama pa kita? sana hindi nalang ako ang naging anak mo!? Kung ang pag patay ang pipigil sayo gagawin ko!"

Nakalayo na si Knight at agad siyang sumakay sa motor na nanakaw niya kanina lang... mabilis ang takbo ng motor at tila hindi nawala ang galit sa isip at puso ni Knight.

Dumeretso siya sa hospital kung saan nandoon ang ina niya na nagpapagaling. Takotan siya sa mga tao pero hindi naman siya kilala dahil lagi niyang natatakpan ng kasinungalingan ang lahat. Lahat ng suot niya ay nakaitim, nang makarating siya sa hospital napansin niya ang kulay blue na kotseng nakasunod lang sa kanya na tila pamliyar sa kanya... Pumasok na siya sa loob ng hospital at hinanap niya ang kaibigan niyang malapit sa kanya na siyang tumulong sa kanya upang mapagaling ang ina niya.. isa itong nurse kung saan alam niya ang pasikot-sikot ng loob ng hospital. Pero hindi niya ito mahanap, nang nakapasok na siya sa kuwarto ng ina niya, kung saan nakasalubong niya ang dalawang nurse na mag che-check lang saglit sa kalagayan ng ina niya.

"ohh, good morning sir? parang ngayon ko lang ho kayo nakitang dumalaw sa mama niyo? magandang bati ni Maxine.

"mm! ayan ka na naman maxine! sabihin mo nalang na matagal mo na siyang hinahanap. tingin ko nga na miss mo siya ehh... pagpaparinig na sabi ni Cristy.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now