CHAPTER 14

6 7 0
                                    

"YUMI POV"

Matapos ang pagtatampo naming lahat at pag-aaway sa isat-isa, alam naming hindi kami nagkakaunawaan noon. Nadala lang siguro sila sa emosyon kung kaya't nagalit sila kay Knight.

Sa mga oras nayon, Tatlong araw kaming hindi nag pansinan at wala silang imik para kausapin ako... nagalit kasi ako nong hindi nila kinilala bilang kaibigan si Knight at alam ko naman na hindi basta basta yun mababawi ng tawad lang... pero naiintindihan ko rin naman si Knight pero mismo sila ayaw nilang matanggap.

Kung ibabalik lang ang dating buhay na kay saya saya namin noon, siguro nga'y maiiral ang mali at mabubuksan ang mga puso na ngayon ay puno na ng galit. Hindi ko rin alam kung bakit nagawa ni Knight ang lahat ng iyon... simula nong umalis siya at di nagparamdam, ganon nalang ang nabalitaan namin... isa na pala siyang Killer... pero ang hindi ko maintindihan! bakit nagawa niya pang makalabas at di mag tago? Ang labi naman ng sitwasyong iyon... Tila iba ang kutob ko!

Habang Nagluluto ako hindi ko na namalayan na nasunog na pala ang niluto kong hotdog dahil sa lalim ng iniisip ko. Kaya naman agad kong kinuha ang kawali na napaka init at napaso pa ako. Agad ko namang napansin ang papuntang lakad ni mama....

"Aray ko! buw*sit! nako naman Yumi! ayan ka nanaman! pagsisisi ko sa sarili ko.

"Nangangamoy nanaman yan Yumi! wala talagang perpekto yang pagluto mo! sermon nanaman ni mama sa akin... na lagi rin niyang sinasabi kapag ganito ako.

"Hindi ko naman si---------

"Nakoh, tama nayang paliwanag mo... nasanay narin ako kaya malalasahan ko na naman yang "masarap" mong hotdog!

Gaya ng sabi ko, nainis na naman yan si mama sa akin. Pero hanggang ngayon si Knight parin ang iniisip ko... Kaya hanggang sa pagkain ko at ng matapos ay agad akong nagpaalam kay mama... kahit pa pinagalitan ako ay nagawa kong makatakas kay mama...

"pasensya na mama, ngayon lang to!"

Agad kong pinuntahan si Rex sa bahay nila pero wala siya doon, kaya naglakad nalang ako papunta sa pamilihan dahil may kailangan lang akong bilhin kay aling Manita. pagkatapos non, naglakad na uli ako sa kalsada kahit pa maraming sasakyan ang nakadaan sana nga makikita ko rito si Rex, alam niyo na, kumakayod siya para sa Ina niyang may sakit...

Sa taas ng kalsadang nilakad ko, Nakarating ako sa bahay Ni Dabs at nakita ko siyang nagdidilig sa halaman niya habang nagla-live selling.

"Ayan guys, kailangan talaga dapat tatlong beses sa isang araw dinidiligan ang mga halaman natin para malusog sila lagi....  at mara---------, 'Yumi? ikaw pala? agad siyang napahinto ng makita niya ako...

Nahihiya ako sa kanya na lumapit ngayon, dahil hindi pa ayos ang problema naming lahat.

"Ahm.... Ok lang? nahihiyang sabi ko

"Pumasok ka muna bago mo'ko kausapin... sabi niya ng may ngiti...

"Pasensya na, sayo at sa ating lahat... alam ko galit kayo sa akin... E gusto ko lang naman maging maayos tayong lahat... paliwanag ko agad.

"Tama na Yumi, alam na namin at naiintindihan na namin... isa pa, napag-usapan narin namin yan. kaya wala ka nang ikakahiya pa... tsaka tama nayang emosyon mo! magkakaibigan tayo dito kaya tayo lang ang makakaayos niyan. Sabi niya habang malakas ang loob niyang itapat yun sa akin.

"Talaga? hindi na kayo galit!? kay Knight? hindi ako makapaniwala.

"Parang ganon narin? Sabi niya na nagdadalawang isip.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now