CHAPTER 17

1 1 0
                                    

"ZELLE POV"

Nagpaalam na ako at umuwi ng matiwasay, pero hindi parin nawala sa isip ko ang ipinakita sa akin ni Tita Yuri, tila nagdududa narin tuloy ako kung bakit tinatanggihan niya ang mga tanong ko! At sa galit niya? Kombinsido ang kutob ko na parang may itinatago siya.

Pero Mabait siya, kaya sana sa gagawin kong ito labas siya dito, at malabo naman sigurong may masama siyang ginagawa.

Malayo pa ang byahe ko para makauwi, At dahil sa mag-isa akong nagdadrive nabagot lang ako ng kunti, kaya agad akong nag play ng Song ni Belle Mariano.

Habang pinapakinggan ko ang kanta, Tila naging maganda ang mood ko at biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Knight!

"Matutulungan kita"

Bakit siya nanaman ang nasa isip ko!  At bakit siya pumasok sa isipan ko?

"Ang hirap naman sayo lagi kang galit sa akin!? Hindi bagay sa mukha mo!"

Bakit pa pumasok sa akin ang salitang iyan! Tuloy naiinis ako sa sarili ko!

"Sabi ko nga"
Naaalala ko ang sabi niyang ito na tila may kung anong meron sa maganda niyang mata. Ayyyst! tama na Zelle, hindi ikaw to!

"Zelle! Hilag!"
Isang bagay pa ang naaalala ko, Ang iligtas niya ako ng walang pag-aalinlangan at pagdadalawang isip, duon ko naramdaman na importante ako sa buhay niya, at gagawin niya ang lahat maligtas lang ako sa oras nayun!

Pero hindi ibig sabihin na may ibig-sabihin ang pangyayaring iyon, tila naramdaman ko lang kung gaano siya kabait sa akin! At kung makikita mo, madali siyang umintindi at magaling siya kung paano ayusin ang gulo at problema!

Nagkamali ba ako? Nagkamali ba akong hulihin ko siya nong gabing iyon?......., Hindi! hindi maaari na bigyan ko siya ng dahilan! hindi ko muna bibigyan ng sagot iyon, na dahil sa kabaitan niya ay papayag akong wala siya sa kasong ito!

Pero nasabi na sa akin ni Tita Rosana ang lahat, at ngayon, sigurong hindi siya ang may kasalan! At ako lang ang may kayang palabasin siya sa kulungan!, Maswerte ka at mapalad kang makakaalis ka na ngayon!

Teka nga? Bakit siya ang iniisip ko ngayon? kakainis naman... nadala lang ako sa problema ko, Hayst! umalis ka na sa otak ko!

Dumeretso na ako sa Head Quarters, at agad nakasalubong ang lalaking ito! Pati na si General!

"Sir! sabay salute ko sa kanilang dalawa.

"Kamusta araw mo Zelle? ayos ka lang? sabi ni General sa akin.

"Oyy, Zelle nandito ka na pala!? sabi ni Santos!

"Santos? nakabalik ka na rin? Hindi parin nagbago ang ngiti mo!? masayang sabi ko.

"Nakoh! malakas to! ano ka ba! biro pa niya.

"Mabuti naman at magaling ka na! At mas mabuti na sigurong magpahinga ka muna ng mga ilang araw, ikaw naman pumasok ka kaagad!? sabi ko pa.

"Wala yun! Sayan lang ang lakas ko kung hindi ako papasok.

"So much about that Zelle, Where have you been? Bakit ngayon ka lang!?

"Ahm, May pinuntahan lang ako!

Sabi ko ng tahimik, at pansin ko atang wala siyang imik ngayon. Siguro ngay duon sa inasal ko sa kanya.

"Nang hindi kasama si Sir Mark?  Balita ko magpartner kayo?........ ulit?

Nang marinig ko ang sinabi ni Santos, mukhang hindi kayang matanggap ng kaluoban ko na mapakinggan ang salitang "Magpartner" kami. Mukhang Hindi kaya mg tinga ko na marinig iyon!

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now