CHAPTER 5

17 9 0
                                    

                    WHY ARE YOU LATE?

           dedicated to @itsbabaynanah

March 26, 2000

"Saan kayo galing? tila gabi na ngayon lang kayo nakauwi!?" galit ng mama ko sa panganay naming kapatid na  si Zoren.

"Malamang hinintay namin yung paborito niyong anak!" agad namang sagot niya kay mama na tila nagpaparinig pa sa akin.

Kahit mga bata pa kami sumasagot na talaga  si kuya. Halatang nag mana kay papa.

"Sumasagot ka na talaga sa akin! wala ka talagang respito! sigaw ng mama ko sa kanya.

"Oo nah! ako na yung walang respito, bobo, walang modo! alam ko yun!!  noon pa at sanay na akong sabihin niyo yun sa akin lahat ng masasamang salita kasi ganon ako sa inyo! pananagot naman ni kuya at sinampal siya ni mama!

"Mama! wag po... agad na yakap ko kay mama. ' Binully po ako ng kaklase ko at iginapos ako, si kuya po ang nagligtas sa akin kaya nagabihan po kami!" Paliwanag ko agad kay mama.

"Ano?"

"totoo yun mama! kaya si kuya ang tagapagligtas niya ngayon, pasalamat siya niligtas siya keysa naman na iniwan namin siya doon!" nagsalita naman si Jack!

"Bakit? may karapatan ba kayong sagutin ang ina niyo!" seryuso namang leksyon ni papa na agad kaming nanahimik! hindi namin alam kung saan siya galing pero lagi nalang siyang naghuhubad ng Jacket, gloves, cap, at sapatos niya tuwing uuwi siya sa bahay. Minsan nga may mga sugat at dugo pa siya sa katawan niya.

Ganito kami lagi... sermon at sagutan pero hindi ako kasali sa usapan lalo na ang bunso naming kapatid na si Macky kahit pa may deperensya siya sa utak kasali parin siya na pinapagalitan... At walang pipiliin si papa sa aming magkakapatid dahil lahat kami kaya niyang parusahan.

"kung makapagsalita ka! akala mo ang aga mo ring umuwi!" pagtatamang sabi naman ni mama kay papa!

"Bakit? may karapatan ka rin bang sagotin ako?! Nagtatrabaho ako kaya ngayon lang ako nakauwi."

"Oo nah, ang galing mo naman kasing magpaliwanag! akala mo kung sinong tama!" hindi parin tumitigil si mama.

"pwede bah! tumahimik ka na!? wala akong gana sa pangongorek mo sa akin..." galit na si papa.

"bakit may magagawa ba ako? puro naman ikaw yung nasusunod! hirap na hirap nanga ako dito sa bahay dumadagdag pa kayo!" nagsisimula na naman si mama.

"Ako naman talaga dapat ang masusunod dito hindi bah! kaya wala kayong karapatan para kuwestyonin niyo ko!"

Pumasok na ako sa kuwarto at ginawa ang assignment ko habang nagpatulong naman si Macky sa akin. At napasilip ako kung anong ginagawa ni kuya parang may mali sa sinubo niya...

Nilapitan ko si kuya nakita ko talagang gumagamit siya ng druga. Wala pa ako sa isip at nasa anim na taong gulang palang kaya tinanong ko siya.

"Kuya? ano yan? nagulat siya ng malaman ko ang sekreto niya. Agad niyang kinuha ang kamay ko at hinablot tsaka hinampas sa bobong.. "kuya nasasaktan ako! paiyak na sabi ko. 'mas masasaktan ka pag sasabihin mo'to kay papa!" pagbabanta niya pa sa akin! 'umalis ka na ngayon din!" dagdag niya pa.

Umalis ako agad sa takot hindi kasi ako makalaban non dahil takot ako kay kuya.

"Zoren! hali ka dito ngayon din! sumama ka sa akin. tawag ni papa kay kuya

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now