CHAPTER 20

1 1 0
                                    

"ZELLE POV"

Pagkatapos kung magbihis sa loob ng kuwarto ko,at nag ayos sa sarili ay naisip ko naring puntahan si Knight sa kuwarto niya yayayain ko sana siya para kumain na kami... magdidilim na kasi at may pupuntahan pa ako!

Kunting liko ko lang mararating ko na ang kuwarto niya... Nang papasok na ako sa kuwarto niya, hindi ko inaasahan na nakabukas ang pinto niya... kaya pumasok na ako ng hindi ko inaasahan na nakatapis lang siya ng tuwalya....

""Knight sabi ni yaya Ri---------!Ahhhhhhhhhhhhh!!!!! bigla akong napasigaw at di inaasahan ang pangyayaring iyon! napatalikod ako habang siya nagulat lang at tinakpan niya pa ang tiyan niya.

"Pasensya na! hindi ko alam na pupunta ka rito!? Sabi niya agad sa akin ng napatalikod ako.

"Ahm.... aalis lang muna ako! Sabi ko na tila tinatakasan siya, Dahil nahihiya talaga ako, hindi ko talaga inaasahan yun at rinding rindi ako....

"Wag na! Sabi niya agad sa akin na pinipigilan ako, huminto naman ako at di ko na siya nilingon pa! dahil ayuko rin namang lumingon.

"Ano? Napatanong ako ng wala sa sarili...

"Ahm... may kailangan ka bang sabihin? sabihin mo nalang. sabi niya pa na parang wala lang.

"Ahm.. mamaya nalang! sa dinner! bilisan mo diyan at kakain na! sabi ko na tila nagseryuso.

paalis na sana ako ng biglang nagsulputan ang katulong ko, pati na si  tita, si Lester at ang kapatid kong si Franco.... na gulat na gulat sila kung anong nangyari sa akin, sa laki ba naman ng sigaw ko matataranta ka talaga kung anong nangyari!

"Ate anong nangyari? si Franco.

"Ma'am may problema po! sabi ng mga katulong.

"Anak anong ginawa mo kay Zelle? si tita.

"Zelle! anong ginawa sayo ng lalaking yan!? pinagsamantalhan ka ba niya!?

Maliban sa tanong ni Lester parang ang labi namang pakinggan kaya napatingin kami lahat sa kanya! E anong klaseng tanong ba naman yun para sagutin ko!? Napaka-Oa naman niya!

Kung gagawin naman sa akin Ni Knight yun? siguradong Hindi siya makakalapit sa akin. Pero wag na nating pag-usapan yun...

Hinarangan nila ang pinto kaya hindi ako makadaan, kaya naiirita ako.... tila may kung ano lang sa isip ko na ayaw na ayaw ko at napipikon ako at naiinis... kaya wala na akong magawa kung hindi ang magalit...

"Tabi! paadaanin niyo ko!? inis ko.

Agad naman silang nagsialisan at dumaan naman ako ng wala sa maayos na mukha...At nanahimik naman sila!

Hindi ko alam kung bakit ang tagal nila sa luob, pero tinulongan ko nalang sina yaya Mel at Yaya Rita para ihanda ang pagkain... At ilang minuto ang nakalilipas, pinatawag ko na sila sa iba kong katulong....

                   •••••••••••••••••[^_^](°_°)

Nakaupo na ako sa lamesa habang umupo narin ang kapatid ko na katabi ako... at kahit hindi ko sila tignan parang ang tahimik nila at tila tahimik na nahihiya. Dahan dahan silang umupo... nakaupo na si tita Rosana at ang dalawang ito ay nag-aagawan pa sa upuan para makatabi sa akin, at sa pag tatalo nilang dalawa sadyang mata lang at bunganga ang gamit nila na wla ka talagang maririnig na kahit anong boses.

"walang uupo diyan! sabi ko na tahimik at tila nagagalit.

Nagtinginan naman silang dalawa sa akin, at saka naghiwalay silang pareho at agad naman silang naghanap ng upuan na malayo sa akin... malaki at mataas ang lamesa kaya maraming upuan pero nag-aagawan sila sa iisang upuan na malapit sa akin.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now