CHAPTER 3

15 10 1
                                    

                             BODY GUARD PART 3

                     dedicated to: @itsbabaynanah

"Bakit hindi kayo makapagsalita sa harapan ko ngayo!?

"papa sorry po! agad na lumuhod si Zoren pati narin si Jack.

"Mga walang kuwenta! mga bobo... wala kayong silbi! agad silang pinagsusuntok ng ama hanggang sa mapuruhan at may lumabas na dugo. 'puro nalang sorry yung naririnig ko sa inyo! buwesit! -----umalis kayo ngayon din sa harapan ko!

"Papa? gusto niyo pong kumain? agad namang tanong ni Macky sa ama niya...

"ng marinig niya, Tumawa lang siya ng malakas...'Isa ka pa!  galit niyang muli pagkatapos tumawa...  'kung gusto mong kainin ko yan? lumapit ka sa akin!

Lumapit naman si Macky, pero takot na takot ito ng papalapit na siya sa ama...

"Ikaw... ang bunso kung anak! para namang wala kang problema... baliw kanga talaga at isip bata! hindi ko batid pero mas bobo pa yung dalawa mong kapatid. Pero ikaw yung mas walang kuwenta! galit at sigaw ng ama niya pagkatapos itapon ang pagkaing luto niya, tsaka itinulak at natumba... 'alis!

                               *************

"KNIGHT POV"

Gabi na ng makarating ako sa bahay ni Zelle, ang daming bantay at di ako pinapapasok... nung umalis ako dito walang katao-tao, pero ngayon kahit saang sulok ng bahay niya may nakabantay.

Pinilit ko yung bantay na papasukin ako pero ayaw maniwala. sinubukan kong tawagan at e-text buw*sit! naka-off yung phone niya. Pinapaliwanag ko naman ng maayos pero ayaw talaga... kahit ipilit ko namang magsigawan hindi niya maririnig, ang layo naman kasi ng gate niya sa pintuan ng bahay niya.

"ahm, pwede bang papuntahin niyo nalang yung amo ninyo?  pamimilit ko.

"Gusto mo talagang makausap ang amo namin?

"Oo naman!

"tatawag nalang ako ng police!

"wag! ok, sigeh aalis nalang ako!

Wala na akong magagawa kung hindi ang maghintay, na sana maisip nilang nandito ako. BODY GUARD ako, tapos hindi makapasok sa bahay ng amo ko?! Pambihira naman... buti nalang at hindi ako masamang tao ngayon... dahil pinipilit ko lang ang buhay ko na kung saan ako maayos.

"Lagyan niyo pa ng maraming icing sa itaas para magmukhang design. Sigeh, kayo na hong bahala kung ano pang gusto niyo. mga yaya pakitulungan si tita Rosana at may gagawin pa ako...

Tumigil muna sa trabaho si Zelle ng tatlong araw at bibisita lamang siya sa hospital kung maayos na ang kalagayan ni Franco.

Maayos na ang pagsasama nilang dalawa at mula doon, naging magaan na ang loob ni Zelle sa ina ni Knight. Hindi niya rin maiwasan ang prankang mga salita nito at  iniiwasan niya lang at dinadaan sa tawanan.

Umiwas muna si Zelle at kinuha ang Phone niya at tinawagan niya agad sina Maxine at Cristy para makibalita.

~ VIDEO CALL STARTING ~

"Zelle? umuwi ka pala? hindi ka man lang nagpaalam sa amin...

"Pasensya na Cristy, hindi ko na pinaalam sayo! hindi ba naikuwento ni Maxine sayo?

"yun nanga ehh, madaldal naman to kaya malalaman ko talaga!

"mabuti nga sinabi ko sayo! Ho'y Zelle baka ano nang ginagawa niyo ni Knight jan ahh!

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now