CHAPTER 11

10 9 0
                                    

APRIL 30, 2000

Ito ang araw kung saan hindi ko na nakikita si kuya Zoren buong araw at kahit pa sa nagdaang mga araw hindi ko alam talaga alam ang mga nangyayari pero malakas ang kutob ko sa mga oras nato.

Nang matapos ko ang Assignment ko! agad kong pinuntahan si mama kung saan naglalaba siya doon, ang tawag namin kung saan naglalaba si mama ay Batong Tabay. Nagmadali ako at naabutan ko pa si mama na naglalaba pa, kanina pa siya rito mga dalawang oras pero marami pang mga damit na nag patong patong sa bato kung saan niya nilagay.

"Mama tulungan na kita! agad kong sabi nang makarating ako.

"Oh sigeh!, tapos ka na ba sa ginagawa mo? masaya niyang tanong sa akin.

"Opo, at wala na po kayong ipag-alala dahil nabenta ko narin ang mga bulaklak na hindi naubos kahapon! sabi ko pa, na ikinagagalak ko.

"Talaga!? Ang bait mo talagang ba ka... dahil mabait ka ngayon? ipagbibili kita ng paborito mo!

"Ok lang mama, wag na po...marami pa po tayong gastusin sa bahay e. sabi ko pang ganon!

"Ikaw talaga, Alam mo nakakapagod minsan sa trabaho mo kung ang ikinakakayod mo hindi mo matitikman, at mapupunta lang sa lahat ng gastusin. parang balewala yun! kaya kailangan mong matutunan yun! maliwanag?

"Opo mama!------...... Si Dark po? Nakita niyo po siya?

"Hay nako! hinatid niya ako kanina, pero umalis din, nakikipaglaro nanaman siguro siya sa kapit bahay natin.

"Ganyan talaga siya, araw araw nalang nawawala kahit pa sa bahay...ni hindi kami nagkakasundo.

Si Dark, siya ang kakambal ko... marahil ay hindi niyo pa siya kilala at hindi ko siya nakikwento sa inyo ay dahil lagi siyang wlaa sa bahay namin maaraw man o gabi. at kahit pa sa school hindi ko siya nakikita. Palagi nalang niya akong naiiwasan. at lagi ko nalang nadadatnan ay si Jack at Macky. Kahit si kuya Zoren hindi ko siya makita-kita sa school...

Sabi nila nong ipinanganak kami, siya ang naunang lumabas at nahirapan naman si mama na ilabas ako, ang masaklap pa lahat ng ilaw sa bahay namin ay bigka nalang nawala... pero sa oras nayun doon rin ako nailabas ni mama... At walang oras na pinagchichismisan nila iyon kung bakit nangyari iyon. At sa huli, naging panalan ko ay Knight, ang kakambal ko naman ay si Dark...

Bago yan, Natapos na kami ni mama sa paglalaba makalipas ang isang oras... malayo layo pa ang lalakarin pero mabilis lang ito, mabilis naman akong tumakbo e. Habang nauna ako naiwan naman si mama at muli ko siyang binalikan para kunin yung dala niya.

Pagkatapos ng lahat, naging masaya ako sa binili ni mama para sa akin at sa mga kapatid ko. At sa totoo lang ngayon lang kami nagkasundo ni Macky at Jack... Nagsalo-salo kami sa paborito kong tinulang bangus na isda na siya ring gigil na kinain ni Jack. Nagtatalo pa kami ng paubos na ito Habang si Macky naman hindi pa naubos ang sa kanya. Mahina kasi kung kumain.

Naging masaya si mama habang tinitignan niya kaming magakakapatid pero nag-aalala siya kay Zoren at Dark dahil sa lagi niyang hindi ito kasama nalulungkot siya kung bakit lagi-lagi nalang ito nasa kamay ni papa. At gabi na umuuwi.

Ganon paman, dumating nanga ang gabi at hindi pa ako inaantok at pinagmamasadan ko lang si mama na nasa pintuan naghihintay na dumating ang dalawa niyang anak. Nang makarinig siya ng ingay ng kotse ay agag siyang napatayo at binuksan ang gate. pero nagkamali siya, hindi pala ang sasakyan ni papa ang paprating.

KILL YOUR HEARTTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang