CHAPTER 10

12 9 0
                                    

"ZELLE POV"

"Ito na ang panahon kung saan malalaman ko na ang lahat, at masasagot narin ang mga katanungan ko" At mabibigyan ko ng hostisiya ang pagkamatay ng mga magulang ko."

Sa una palang, alam niyo nang nagdududa na ako sa kanya, pero hindi ko kayang magpahalata at sinanay ko ang sarili na maging seryuso. Sa totoo lang malapit ng makuha ang loob ko sa kanya pero hindi ako nagpapatinag na mag tiwala sa sarili ko!

Nong gabing sinugod kami ng may galit kay Knight.... Hindi ko alam kong mangyayari nanaman ang panahong ikakalungkot ko at di ko matanggap habang buhay.

Oo, may malaki akong sekreto. At dahil gusto niyang malaman kung ano iyon, muntik ko ng masabi sa kanya dahil sa nararamdaman nong oras na nagtatalo kami ni Knight. Nang hindi namin inaasahan ang pangyayaring iyon na siya ring naunahan ako sa plano ko sa kanya. Isa paron sa nadamay kami ng kapatid ko.

Hindi ko man alam ang tunay na nangyari, pinagdasala ko sa oras nayun na nahuli kaming lahat at walang binatbat ang mga tauhan ko na sana maging ok lang kami at walang masasawing buhay. Nagpatuloy lang ang pag-uusap nila habang hinihintay ko ang matagal ko nang gustong malaman at nangyari nga ang inaasahan ko.

Kung siya ang lalaking pumatay sa anak ng lalaking iyon na gustong maghigante sa kanya, siguradong siya rin ang pumatay sa magulang ko... KNIGHT QUINTANO?!!!! sasabihin mo sa akin kung anong gusto kong malaman! at kahit sino ka pa! magbabayad ka sa mga kasalan mo!

Ang pamilya niya, ay alam ko na kung ano silang klaseng mga tao! isa lang saling masamang hayop kung saan walang damdamin! Kung hindi niyo alam hindi ako nurse, dahil matagal na akong tumigil sa trabahong iyon! Isa talaga akong Secret Agent at nong araw na ang ina niya ay nadistino sa hospital ng pinagtatrabahuan ko, doon ko na naisip na gawin ang plano ko .... at para ma promote ako. At isa pa ang magawa at matapos ang misyon kong ito... Ang matugis at mahuli ang pamilyang killer na ito.

At dahil sa nagalit ako nong oras na nilibot ni knight ang bahay ko tila sumagip sa isip ko na kaylangan kong umarte para maiba ang iniisip niya. At di ako pagdudahan pero nagkamali ako dahil sa ginawa ko mas nagduda pa siya kaya niya ako gustong tanungin.

Pero ngayon! ito na ang oras at panahon na kailangan kong maging matatag. Nahuli na si knight at dinala na sa kulungan niya habang naiwan sa akin ang ina niya.

Habang nagbibihis ako, mukhang mas maganda na tignan ako na nakasuot ng uniform bilang isang police secret agent. Ang BLACK OPS ay isang grupo ng mga police at hindi lang mga police dahil ako ang bumuo nito at inaprobahan ng leader namin na si Gen. Magtugis at ako ang namuno nito sampong taon na ang nakaraan at trabaho naming sugpuin ang mga malalaking misyon. at isa narin dito ang pamilya ni Knight.

Habang nag-aayos hinarap ako ng nanay niya. At iba ang hugis ng mga mata niya ng tignan ako na hindi kumakurap na tila may gusto siyang gawin sa akin o sabihin na isang babala, pero hindi ako sigurado kong pagagalitan niya ako.

"Magsinungaling ka! Isa kang sinungaling! napatulo ang luha niya ng sabihin sa akin yun!

"Nagsinungaling din kayo sa akin! yan ang sinabi ko matapos kong tinapat ang mukha ko sa kanya.

"Pero... 'bakit kailangan mong gawin ito sa anak ko!? wala siyang kasalanan. Hindi mo alam kung anong sakripisyo niya sa akin! hindi mo alam ang pagkatao niya... ni wala siyang ginawang mali sayo! umiiyak na siya ng sobra ng sabihin niya sa akin to.

Hinawakan ko ang dalawa niyang braso at pinigil ang sarili tsaka sabay kong tinititigan ang mga mata niyang tumatagas ang luha habang umiiyak.

"Nanay! ---tita? Labas kana dito, At isa pa! sa 10 years ko bilang police matagal nanamin siyang hinanap at gustong hulihin! at hindi lang siya... pati narin ang kapatid niya at lalong lalo na yung ama niya na asawa mo! at dahil sa sinabi mo? matagal ko na siyang kilala nanay! nag-iingat lang ako! seryusong sabi ko habang tinititigan siya ng hindi kumukurap.

KILL YOUR HEARTWhere stories live. Discover now