45

62 1 0
                                    

"Hon are you sure we're in the right way?"

"Of course, let's trust google"

We're currently inside her Aston Martin. Saturday na, ang bilis lang ng araw. Medyo kinakabahan ako kasi first time kong magpapakilala ng girlfriend kila mama. Well alam naman nilang bading yung anak nila so no worries.

"Uhm does Tita know I am with you?" bigla niyang tanong

Nakakahalata na ako kay Irene, buong byahe kasi tanong siya ng tanong. I think first time kong nakitang hindi siya mapakali. Well medyo ganito rin siya noong may dinner kasama si Lolo Gregory.

"I told them I'm with someone, are you nervous?"

"N-No, why would I?"

I smirked before moving the steering wheel. Medyo malapit na kami kaya matitigil na tong katabi ko sa kakatanong.

"Relax honey, hindi naman sila nangangain. Tyaka si mama at daddy naman yun, they know you kaya"

She rolled her eyes at me. I started laughing which made her smile a bit.

"You think they still remember me? Tsk you couldn't even recognize me back then!"

Hala eto na naman siya. Ngumuso ako kasi totoo naman, wala akong lusot.

"Sorry na" malambing kong sabi

"Tss just drive Czari..."

Sungit na naman niya huhu, pero sinunod ko na lang siya kasi ayoko rin naman maabutan ng traffic eh.

Inihinto ko ang kotse sa tapat ng bahay namin. Gosh I missed this place. Agad kong pinagbuksan si Irene, bumaba siya at pinagmasdan ang bahay.

"Tita really likes blue"

Napansin niya pala yung kulay ng bahay namin. Tinanguan ko siya, pumasok kami at tumambad samin ang sandamakmak na halaman sa garden.

"May dagdag na naman sa collection ni mama" biro ko

Irene wanted to give her a new plant to take care of with. She knows that mama loves plants a lot. Mas mahal niya pa mga halaman niya kaysa sa akin tsk!

"Anak!"

Agad akong tumingin sa harap at nakita si Daddy na may hawak pang takip ng kaldero. Natawa ako kasi naka-apron pa siya. Ang cute niya talaga minsan.

"Daddy!"

Niyakap niya ako ng mahigpit nang makalapit ito sa amin. Lumayo ito ng kaunti nang mapansin ang aking katabi.

"Hello po, good afternoon Sir"

Napangiti ako nang sulyapan si Irene, napakagalang niya.

"Ay naku hija Tito Victor na lang! Mukhang may naging kaibigan si Czarina sa Elbi ha" masayang sabi ni Daddy

Napakamot ako sa ulo nang sabihin niya iyon. Agad kaming pinapasok ni Daddy sa loob at nadatnan si mama na nag-aayos ng upuan. Lunch time na kasi, sakto pala ang dating namin mukhang kakain na.

"Buti hindi traffic sa Cabuyao"

Hindi pa tumitingin si mama sa direksyon namin kaya hindi muna ako nagsalita.

"Mukha nga, ang ganda ng kotseng dala mo anak. Aston Martin, bigatin ka na ah" biro ni Daddy

Halatang mahilig si Daddy sa kotse, alam na alam yung minamaneho ko eh.

"Ah actually sa boss ko yun Daddy, minamaneho ko lang paminsan-minsan"

"Talaga? Mukhang mabait ang boss mo ah at mukhang malaki na ang tiwala sayo!"

Catch Me If You CanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon