Chapter 1

93 4 4
                                    

"Enjoy your stay ser."

Tipid na ngiti ang sinagot ko kay manong driver na naghatid sa akin sa bahay mula sa bayan. I give him the fare plus a tip dahil madami dami din ang gamit na dala ko.

"Ay andyan ka na pala Aziel." Mabilis kong nilapitan si tita Serna na nagmamadaling makarating sa gate at niyakap. Kapatid sya ni papa at sya na ang tumira sa bahay namin mula ng kunin ako ni uncle Bart, kapatid ni mama, at dalhin sa Manila.

"Kamusta po?" I tried my best to sound cheerful.

"Okay lang ako. Ikaw? Ayos lang ba na umuwi ka dito?" May halong pag-aalala at excitement ang boses ni tita.

"Okay lang po." Ngumiti ako pero base sa expression ni tita, alam kung hindi ko nagawang maitago ang lungkot ko.

"Pwede kang umalis at bumalik ng Manila anytime, Aziel. Alam ko, hindi ka komportable sa bahay na ito."

"Ayos lang ako tita. Don't worry. Give me two days and I'll be totally fine."

"Sige, ikaw bahala. Pasok ka na. Pahinga ka muna sa kwarto mo. Gigisingin nalang kita pag nakapagluton na ako ng lunch. Maya-maya lang andyan na ang tito Lando mo. Pumalaot kasi sya para manghuli ng isda."

Tumango nalang ako and I let my tita to drag me inside the house.

15 years.

It's been 15 years since I left this house to start a new life. 15 years na din mula ng namatay sila mama at papa. It's been a fucking fifteen years.

Malaki na ang pinagbago ng bahay. From walls and floor down to the things inside the house. Though, yung mga luma naming gamit ay nakadisplay pa din naman. Walang itinapon kahit isa. Ang bakas ng nakaraan ay makikita pa din ngunit pilit na itong tinatago ng mga modernong gamit at vibes.

"Maliban sa kama at kabinet, wala kaming masyadong binago sa kwarto mo. Pinasemento ko lang yung sahig at dingding kasi inaanay na. Yung mga gamit mo nilagay ko lang lahat sa durabox para safe." Ani tita ng makarating kami sa kwarto na ginagamit ko dati.

"Thanks tita."

"Pahinga ka na."

Tumango nalang ako. Tita hugged me and tapped my back gently.

"Welcome back Aziel."

"Thank you tita."

Kumalas sa pagkakayakap si tita. She wiped her tears at ngumiti. "Pahinga ka na. Gisingin nalang kita mamaya."

Tumango at ngumiti.

I heaved a deep sigh para pigilan ang pagpatak ng aking luha ng makalabas si tita. Pain, sadness and longing engulfed me as memories flashes in my head habang nililibot ko ng tingin ang aking kwarto.

This house holds a lot of memories. This room is were some of happy memories  was created. Memories that became my inspiration to get through with my life. Ala-ala na naging sandalan ko para marating ko kung nasaan ako ngayon.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. I let my tears run free as I reminisce the past.

10 years old ako ng umalis ako sa bahay na ito. After ng 40 days nila mama, dinala ako ni tito Bart sa Manila. Doon na ako nagpatuloy ng pag-aaral at nakapagtapos.

For 15 years, I hold tight on those painfull and happy memories. I put all those painfull memories in front line to be with me as I fight the urge of losing myself everyday. All the scene that haunted me for 5 years, those evil laughters, my mom scream, her tearful face, emotionless eye, my dad moan because of pain, as well as his scream as my mom was molested in front of him. The echoed of the gun shoot as well as the sound of the bullet that dropped on the floor after the gun was fired. Lahat ng iyon ang naging pundasyon ng tapang at tibay ko sa araw-araw.  Lahat ng sakit ay naging armas ko laban sa inggit sa tuwing may makikita akong masaya at kompletong pamilya.

I tried to run. I tried to hide, I tried to forgot everything. Sabi ni tito noon na pilitin kung kalimutan ang ibang bagay para makausad ako sa buhay. Pinilit nya ako na mamuhay ng normal. Sinubukan ko, but everytime I saw a complete  family, naalala ko ang lahat and I'm losing myself slowly. Kinakain ako ng inggit. Kahit anong pilit kong kalimutan ang lahat, hindi ko magawa

Napahikbi ako ng maalala ko ang nangyari the day after my parents died. How the mayor that time told me na ipagpasa Dyos ko nalang ang lahat. Kung paano ngumiti si Mayor Alberto Sanchez habang nakatingin sa bangkay ng aking mga magulang. Kung paano nya halos pabulong na sinabi na YOU DESERVE IT habang nakatingin sa aking ama na wala ng buhay, at kung paano nya sinabi na KUNG AKO ANG PINILI MO AMARA, HINDI KA AABOT SA PAGIGING MALAMIG NA BANGKAY habang nakatingin sa bangkay ng akin ina.

Maging ang pagsabi nya sa akin na wala silang magagawa para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng aking magulang.  At mas lalong wala daw akong magagawa kundi ang umiyak dahil bata pa daw ako. Malinaw na malinaw sa akin kung paano nya sinabi na kung gusto ko mabigyan ng hustisya ang aking magulang ay isanla ko daw ang kaluluwa ko kay satanas.

Malinaw na malinaw ang lahat ng iyon sa aking isipan. Kung paano hindi ko makalimutan kung paano namatay si mama at papa ay ganun ko din hindi makalimutan ang bawat katagang kanyang binitawan, at ang bawat pagguhit ng ngiti sa kanyang labi habang nakatingin sa bangkay ng aking mga magulang.

I decided to get up. I wiped my tears, get down the bed and step out the room. Dumiretso ako sa kwarto ng ng magulang ko na katabi lang din ng aking kwarto.

Walang nagbago sa ayos ng kwarto ng aking mga magulang, maliban sa dingding at sahig

Bed, cabinet, night table and even my mom vanity cabinet are still where it is. Malinis din ang kwarto na kala mo ay may gumagamit pa din nito.

Lahat ng galit na pinilit kung sinupil at tinago noon ay parang apoy na lumiyab ng makapasok ako sa kwarto ng aking mga magulang.

Naikuyom ko ang aking kamao habang nakatingin sa wedding picture nila mama at papa. Their smile and those eyes that full of love for each other. Mga emotion na hindi ko na makikita kahit kelan. Mga ngiti na kaylan man ay hindi ko na masisilayan. Ilan sa mga bagay na kinuha sa akin ng mga taong iyon!

I heaved a deep sigh, wiped my tears again, and seriously look at their picture.

"This time, magbabayad lahat ng may kasalanan. This time, kamatayan naman nila ang makikita ng buong mundo. Kung kinakailangan na personal ko silang ihatid sa trono ni satanas, gagawin ko. I will get the justice you deserve, mama, papa. Hintay lang kayo."

Black Heart Series: Aziel Where stories live. Discover now