Chapter 4

41 4 3
                                    

Jet black messy hair, bluish grey eyes, pointed nose, sharp jawline, and a red lips. A looks that can put every woman in awe.

Well toned body, not too bulky but not too thin. Muscles are in correct places. Not sure kung maputi ba sya or maitim. Hindi ko matukoy dahil gabi.

In short, this Rosh Mykel Valerian has a physical appearance of a perfect ideal man for every woman. Hindi na nakakapagtaka na ang daming matang nagniningning habang nakatingin sa kanya.

"Good evening po tatay Lando, Bel." Aniya nang makapait sya sa amin.

He is wearing a white fitted sando and a tattered denim shorts. Basa ang kanyang buhok and obviously, based on his body smell, katatapos nya lang maligo. Humahalimuyak pa mula sa kanyang katawan ang safeguard na pink at ang buhok nya ay amoy sunsilk na orange. Amoy downy ang damit nya. In short amoy pinoy sya na maraming lang pambili ng shampoo, sabon at downy. But his looks give him away. Mukha syang banyaga na napunta sa pinas, nascam ng kung sino, naghirap at natuto mangisda. He may look expensive though kahit na nakasando lang sya, beachwalk na tsinelas na pudpod na ang dulo, at tattered shorts na malapit ng maging basahan.

His voice? It's too manly. Malalim pero hindi tunog na galing ilalim ng lupa. Tipong mapapa yes sir ka nalang sa bawat sasabihin nya. He has this tone of voice na mapapa oo ka nalang kahit ayaw mo. He has a bossy looks, but despite of it, he looks approachable also.

"Magandang gabi naman iho. Ikaw ang usapan namin nitong mga pamangkin ko." Malapad ang ngiti ni tito. Maging si kuya Bel ay ganun din.

"Talaga po?" Umupo si Rosh sa gilid ng bangka ni tito. His tagalog is quite straight but there is still a hint na pagka slang.

"Oo. Hindi ka kasi kilala nitong si Aziel."

"Manila boy?" Baling nya na tanong sa akin.

"Kinda." Kibit-balikat na sagot ko.

"Anak sya ng namatay kong kapatid. Police at dito nadistino ngayon." Ani naman ni tito.

"I see. Nice to meet you. I'm Rosh." Inilahad nya sa akin ang kanyang kamay na agad ko maman tinanggap.

"I'm Aziel."

"God is my strength." He let go of my hand.

"Huh?"

"It's the meaning of your name."

"How did you know?"

"Google. Aziel is boy's name with Hebrew roots. The meaning of the name Aziel is somewhat controversial, as it can be seen as either a reference to an evil spirit or a symbol of forgiveness and sacrifice. Your name is also a variant of the name Azazel, which has roots in both Hebrew and Arabic cultures. In Hebrew tradition, Azazel was the name of a demon or evil spirit mentioned in the Bible. In Arabic culture, Azazel was the name of a goat that was traditionally sent into the wilderness on the Day of Atonement."

Napatango nalang ako. He obviously love researching. Dami nya sinabi eh.

"Sasama ka ba magpalaot?" Tanong ni tito kay Rosh.

"Opo. Gusto ko din makilala si Aziel."

Napakunot-noo naman ako. He wants to know me? Bakit?

Hindi nalang din ako umimik o nagtanong pa. Busy ang utak ko kakaisip saan ko sya nakita at kung bakit gusto nya akong makilala. He looks familiar to me.



XANDER POV

Eyyy! May POV ako hahaha. Pero hindi naman ako kilala ng mga nagbabasa. Maya na ako magpapakilala. Nandito na yung boss ko na gala.


Black Heart Series: Aziel Where stories live. Discover now